Fall#38. Stay With Me

2.9K 49 6
                                    

Casanova’s Fall

Fall#38. Stay With Me

-Zia’s Point of View-

Tapos nang nangyari sa amin ni Xander ay agad kong kinausap si Ate Gil tungkol sa napag-usapan namin ni Xander at ang pagpayag niya. Siyempre, fi-nil-ter ko iyong iba. Gaya ng inaasahan ko, nabigla siya at nauwi sa paghagulhol ang pagsinghap niya. Halata talagang hindi niya inaasahan na sa wakas ay kakausapin na siya ni Xander matapos ng mahabang panahon. Panay ang pasasalamat niya sa akin. Halos mapangiwi na nga ako kasi hindi talaga naubos ang pasasalamat niya sa akin. Gumaan ang loob ko nang makita ko ang sabik na mukha ni Ate Gil na makita ang anak niya na matagal nang sinarado ang loob sa kaniya.

Oo, alam ko naman na hindi ito magiging madali kay Xander, eh. Pero, tama naman ako, 'di ba? Hindi tama na makulong na lang si Xander sa sama ng loob at sa mga akala niya. Panahon na rin na dapat ay pakinggan niya ang Mama niya. Hindi naman sa pinipilit ko siya o ano. Ngunit kasi, mahirap iyong nakakulong ka sa nakaraan mo na puno ng katanungan at kakulangan sa pagmamahal. Alam mo iyong pakiramdam na may taong sabik na sabik sa iyo na yakapin ka, na ipadama sa iyo kung gaano ka kahalaga at kamahal sa kaniya, na gusto niya na makasama ka sa lahat ng oras subalit hindi niya magawa dahil alam niya na matindi ang muhi mo sa kaniya?  Na alam niya na may malaking pader diyan sa puso mo na ginawa mo para hindi mo siya papasukin?

Ganoon ang alam kong nararamdaman ni Xander. Hindi naman maiiwasan iyon, eh. Everyone of us feels the same way. But still, you should not cage youself in fury and agony. Kailangan mong lumaya sa madilim mong nakaraan. Mahirap, oo.

Pero gaya nga ng nasabi ko na, matapang ang taong humaharap sa kahinaan niya. Xander maybe a strong person, but in every stone that you always see, there will come a time that you will see its soft side.

“We’re here,” pahayag ko sa kaniya nang makababa kami pareho sa sasakyan niya nang gabi na iyon at tinanaw ang labas ng restaurant kung saan ay nandoon si Ate Gil.

He sighed deeply. “Yeah.” Nasa tabi ko siyang nakatingin din sa restaurant na iyon.

Tinignan ko siya ng mataman. “Kung hindi ka pa handa, sabihin mo lang sa akin, ah?”

Umiling lang siya. “Like what you’ve said, I have the right to know the truth. Kahit na ayoko talaga siyang makita, I’m still seeking to hear her side.”

Pasimple akong napangiti. Sana maging maayos ito. Alam kong magiging maayos ito. Kahit na kinakabahan ako sa magiging kahihinatnan nito, alam kong magkakaayos sila. Hindi ako papayag na walang mangyayaring reconciliation between them. Magkadugo at magkapamilya sila after all.

“Tara na,” anyaya ko na sa kaniya. Pero napahinto rin ako sa paglalakad dahil hindi pa siya gumagalaw.

“Bakit?” Hala, baka nag-aalinlangan siya? Tinignan ko naman ng maigi ang mukha niya. Pero wala naman akong mabakas na ganoon.

Hanggang sa mapasinghap ako dahil walang paalam niyang kinuha ang kamay ko at pinagsalikop niya iyon sa kamay niya.

God! Heto na naman ang mga kawal sa loob ko na nagkakarerahan!

Ngumisi siyang nakatitig sa akin. “I need this. Mawawala ang pag-aalinlangan ko kapag hawak ko 'to.”

Casanova's Fall (NO EPILOGUE POSTED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon