Fall#34. Tied

2.9K 45 2
                                    

Casanova’s Fall

Fall#34. Tied

-Zia’s Point of View-

Dahil napapansin ko na ang nakakailang na katahimakan na bumabalot sa aming lahat, I decided to broke it up.

“Uy guys, don’t take it seriously, ano ba kayo.” I laughed to erase the tension that is starting to embrace us. Iwinawagayway ko rin ang kamay ko para magmukhang idinadaan ko lang sa joke ang lahat. “First crush ko si Sean, pero hanggang doon na lang ‘yon. Besides, ang bata ko pa no’n, ‘no? May Kaye na siya at may Xander na ako, kaya wala ng big deal doon.” As I explained defensively, I smiled also with assurance.

Mabilis kong pinasadahan ng tingin ang natatahimik pa ring si Sean, ang namumutla ngunit palihim akong pinupukulan ng matatalim na tingin na si Kaye, at… ang blank expression pa rin na si Xander.

Mula sa pagkatulala, pinagaan na ni Aviee ang mood ng lahat. “Oo nga naman,” she laughed, but her voice was quite trembling and she was too akward in the situation. “Atleast, honest si Zia, ‘di ba?” napansin ko rin ang kaninang pamumutla niya. Tingin ko, alam ni Aviee matagal na ang one-sided love ko kay Sean pero mas pinili na lang siguro niyang manahimik. I sighed on myself. Hindi na rin naman nakakapagtaka iyon.

“Siya, kumain na nga tayo, nagugutom na ako, eh.”

Alam kong pinapagaan lang ni Aviee ang namumuong tensyon sa aming lahat dahil sa sinabi ko. This is what I like on my bestfriend. ‘Yung tipong ‘di na kailangan pa ng maraming clues para lang malaman niya kung may mali ba sa sitwasyon.

Sa huli, kahit na alam kong ilang pa rin sila sa nangyari ay minabuti na lang namin na maging normal lang akto naming lahat at para bang walang nangyari kanina. After we ate, nagpaalam na ako na magbabanyo. Ilang saglit pagkatapos, naghugas ako ng kamay sa lavatory at nag-ayos ng buhok. Habang nakatitig sa malaking salamin sa harapan ko, biglang may namuong imahe sa isipan ko na siyang nagpabagal bigla ng paghimas ko sa buhok ko.

Si Xander.

Nakakainis! Bakit ba bumabalik-balik sa akin ang lecheng reaksiyon niya? So what? Eh, sa iyon ang nakalagay sa example niya. Wala namang mali sa ginawa ko, ah? Isa pa, no’ng sinabi ko ‘yun, gumaan ang pakiramdam ko. Para akong bagong labas sa cocoon na matagal na nakulong sa mahabang panahon. Buti nga, crush lang ang nasabi ko. Hindi ko sinabi na siya rin ang first love ko.

Love? Speaking of that word, ang plano ko talaga ay sabihin ko na rin na siya ang first love ko. Pero, para bang may kung anong nakabara bigla sa lalamunan ko at nauwi lang sa pagkakasabi ko ng crush. Ano bang pakialam ko kung iyon ang reaksyon ng damuhong ‘yun?

It’s so disturbing.

Ugh! Naiinis na ‘ko! Nakaka-frustrate na ang sitwasyon ito! Masyado na akong---

I immediately backed to my senses nang makita ko ang biglaang paglitaw ng nanggagalaiting imahe ni Kaye sa repleksyon ng salamin. Now, I really forgot her epic reaction kanina. Galit na galit siyang nagmartsa papunta sa akin. Bigla niyang hinawakan ang pusuhan ko at padarag niya akong pinaharap sa kaniya. Tumambad sa akin ang matatalim niyang tingin.

“Bakit mo ‘yun sinabi? Bakit sinabi mong crush mo si Sean?!” lumilitid ang ugat niya sa leeg. “Alam kong sinadya mo ‘yun. ALAM KONG SINADYA MO ‘YUN!” nanginginig na siya sa galit. She was still glaring at me. Grabe, nawawala talaga ang poise niya ‘pag nagagalit siya. At natutuwa ako sa nakikita ko ngayon.

So, here comes the ever jealous, immature and selfish Kaye. I hissed again on myself. Hanggang kailan ba siya magtatago sa camouflage niya at ipakita sa lahat na nagseselos siya sa walang katuturang bagay? Hirap makisama sa plastik!

Casanova's Fall (NO EPILOGUE POSTED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon