Fall#48. I Played You

2.1K 40 3
                                    

Casanova’s Fall

Fall#48. I Played You

 A/N: Hi! May new story po ako. Almost ang title. Salamat po :)

Hindi halos nag-sink-in sa akin ang lahat ng kaniyang sinabi. Nang ilayo niya ang kaniyang mukha, malinaw kong nakita ang mukha ng dating nagpapaalala sa akin ng Casanovang si Xander. Iyong mapaglaro at mapaglinlang. Halos hindi ko na malunok ang sarili kong laway dahil may nakabara sa lalamunan ko at sa isang ptitik na lang, babagsak na ang mga matatabang luha na kanina ko pang sinsikap na pinipigilan.

Tumingala ako na napahawak sa aking batok. Huminga ako ng malalim saka iya tinignan na parang wala lang sa akin ang sinabi niya. Dahil hindi ko iyon matanggap.

Nginitian ko siya. “Imposible.” Umiling ako at natawa. “Imposible, Xander,” mahinahon kong wika. “Ako? Pinagsusungalingan mo? That’s impossible!” kinagat ko ang labi kong nangangatal na dahil sa samu’t-saring emosyon-pagkalito, sakit, pait, at namumuong galit. “You always say you love me. Paulit-ulit,” pinagdiinan ko ang bawat katagang lumalabas sa bibig ko. “So, how would I---”

“Zia, hindi mo pa rin nakukuha ang lahat?” ayan na naman iyong tingin niya na nagsasabi na parang ang laki kong tanga. “I played you.” He pointed me out. Nanlambot ako sa tatlong salita na seryoso at blangko niyang sinabi sa akin. “Of course, naisip ko, dahil ikaw ang isa sa mga laruan ko, narealize ko na kapag ile-let go na kita kay Sean, hindi na kita mapapakinabangan.”

Hindi ako makapaniwalang nakatitig sa kaniya.

Namulsa siya at umayos ng tayo. “Kaya, I set another game. This time, papaniwalaan kitang mahal kita. Akala ko n’ong una, mahihirapan akong gawin 'yon. But I didn’t expect, YOU REALLY ARE IN LOVE WITH ME! NAUTO TALAGA KITA!” umiling siya at tumawa nang nakakaloko. “Nakakaawa ka talaga, Z---”

“SINUNGALING!” mariing sigaw ko. Bumagsak na ang kaninang nanunubig sa aking mga mata. “Sinungaling ka! Alam ko. Dama ko, e. Sa t’wing sinasabi mo 'yun, may pinanghuhugutan ka. Bawat galaw mo, Xander, ramdam ko ang pagmamahal mo kaya hindi ako naniniwala sa mga pinagsasabi mo!”nanghihina at nababasag na ang boses ko sa kada salita ko.

Inilingan lang niya ako. “No, Zia. Accept the truth, alright? Ang galing nga, e. I just planned to enter the picture. Paano klung may Xander na manggulo at pumagitna? Paano kung malihis ang atensyon mo at napunta sa akin imbes kay Sean? I really didn’t expect that everything would worked like this so easy!” humalakhak siya nang mala-demonyo. “It’s so easy to fool---”

“HINDI AKO NANINIWALA!” sumigaw na ako kahit na basag na basag na ang boses ko. Tuluy-tuloy ang pag-agos ng luha ko na wala na yatang katapusan ang pagluha ko kasabay pa ang panginginig ng buo kong katawan. Bumabaon sa dibdib ko ang masasakit na salita niya. Parang hinihiwa ang puso ko. I can’t accept it. I CAN’T ACCEPT THAT HE PLAYED ME!

Dapat, naniniwala ako. Pero ba’t hindi talaga? Bakit sa kabila ng lahat ng masaakit na salitang kaniyang binitawan ay kumakapit at humahawak pa rin ako sa mga alaala at pagmamahal na pinakita niya sa akin noon? Sobrang labo na ng mata ko at puro paghikbi na ang ginagawa ko. Ngunit, hindi nakalagpas sa mga mata ko ang bahagyang pagkatinag ni Xander at ang kagustuhan niyang magmura.

Nilapitan ko siya na hanggang ngayon ay nanginginig pa rin  ako. napaatras siya sa ginawa ko. “Tell me, Xander, may nangyari ba? Kasi kung may nangyari, stop acting as if you treat me as one of your ‘toys’. Dahil kahit na ano’ng gawin ko, hindi ko kayang paniwalaan, e. A-at kung p-pinaglalaruan mo ako,” lumunok ako. “Anong dapat kong gawin para mag-stay ka sa akin at hindi na maghahanap ng iba?” kinagat ko ang labi ko sa pangangatal ng labi ko. “Tell me, p-para magbago ako at p-pumasok sa s-standards mo.”

Casanova's Fall (NO EPILOGUE POSTED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon