Fall#28. First

3.1K 46 5
                                    

Casanova’s Fall

Written by: Alia_Sy/Pennyrific of Wattpad

Author’s Note (pagbigyan niyo na, minsanan lang naman eh xD):

Kyaah! Happy One Year Casanova’s Fall Honey :”). One year ka na, pero nasa chapter 28 pa lang ako, ajuju :((( xD. I promise to myself na hindi ako gagawa ng bago hangga’t hindi ka pa natatapos. Pramis ‘yan :).

Fall#28. First

-Zia’s Point of View-

Pagkatapos ng pag-uusap naming ni Xander, no one dared to open it up anymore. Kinausap naman niya ako, kaso wala ng galit sa mga mata niya. Para ngang walang nangyari eh. Walang awkward moments. Hinayaan ko na lang siya. Kahit naman siguro na magsalita pa ako, siyempre magagalit lang ‘yun sa ‘kin sa huli. Nakikipagbiruan pa nga siya sa ‘kin. But for me, hindi buo ang epekto ng mga tawa at halakhak niya sa ‘kin. Mistulan bang gingamit niya lang ‘yun as defense mechanism para itago ‘yung pain na dinadala sa loob niya. Napipicture out ko pa rin ‘yung reaction niya nu’ng nalaman niya na alam ko na. ang tanga ko lang talaga kasi nagpadalos-dalos ako sa pagsasabi nu’n. it is his deepest secret and at the same time his deepest wound in his heart and it’s a traumatic experience for him, so dapat dinahan-dahan ko dapat siya. Dapat, inisip ko muna ang lahat lalo na ang nararamdaman niya.

But I couldn’t blame myself either. I just want to be honest on him. Sa simula kasi na magkasama kamio, he only wants my pure honesty. Ayokong maglihim.

Ano nang gagawin ko? Mukhang wala na siyang balak pakinggan ang buong kwento? Maybe time could really tell at sana lang, andu’n ako sa tabi niya ‘pag nalaman na niya ang lahat.

“Xander, Zia.”

Nabitin sa ere ang isusubo ko sanang kanin ng tinawag kaming pareho ni Xander ng abuela niya. Nag-aagahan kami nu’ng mga oras na ‘yon.

“Padating nga pala si Stella rito. Gusto ko sanang ipasyal niyo siya sa Tagaytay.” Nakangiting utos nito.

Nilunok muna ni Xander ang kinakain bago nagsalita. “Sure. Anong oras ang dating niya?”

“Maya-maya lang, she’s here.” Sagot nito.

Isa pa sa weird na napansin ko ay ang magaan na pakikitungo sa ‘min ng abuela ni Xander. Hindi ko talaga alam kung bakit, pagkatapos lang niya i-open up ‘yung tungkol kay Xander kinabukasan ganiyan na siya. Nakakawindang pa kung iisipin.

Bumalik na lang ang isip ko sa realidad. Salubong ang kilay kong sumulyap kay Xander. At sa ilang saglit, nabasa niya ang tanong sa isip ko nu’ng paglingon niya.

“Si Stella ‘yung bunsong anak ni Uncle.” Paliwang niya at pagkatapos ay ipinagpatuloy niya ang pagkain.

After we ate, I asked Xander again about his cousin Stella. Sabi niya, mabait daw ito at nasa grade school na. makakasundo ko naman raw ito kaya ‘wag na daw akong mag-alala. Napatotoo ko naman ‘yung sinabi ni Xander ng Makita ko si Stella.

“Ang cute mo naman.” Nangigigil kong komento kay Stella habang marahan kong pinipisil ang malambot niyang pisngi.

Cute nga talaga siya, lalong nagpapapdagdag sa cuteness niya’yung pigtails niya sa buhok at bangs. Naka-maiksi lang siyang palda at naka-blazer na black. Parang tuloy siyang anime character.

Ngumisi ito. “Salamat po. Kayo naman po, ang ganda niyo.”

Nag-blush ang pisngi ko sa sinabi niya. Nauwi sa ngiwi ang tawa ko. “Salamat.”

Casanova's Fall (NO EPILOGUE POSTED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon