Kabanata 40

69.4K 863 177
                                    

Family

I almost stumbled when I tried to capture Tarian's hand. Nakita ko ang mabilis na pagdalo sa akin ni Troi nang makita iyon. Lumabi ako at pagkuwa'y ngumisi.

"I'm fine," sambit ko.

His eyes never leave me after it happened. Parang nag-aabang ng kung ano pang pwedeng mangyari. Binalingan ko uli ang anak kong walang kamalay-malay sa kamuntikan mangyari sa akin. He is innocently running towards the new comer.

"Kuya! Kuya! Daddy bought us new toys!" puno nang pagmamadali at pagkagalak ang boses ni Tarian.

The boy immediately captured Tarian in his arms. Oo at mas matangkad siya kaya hindi nadala sa biglaang pagdalo ng anak ko sa kaniya. Ginulo nito ang buhok ni Tarian bago pa ito kumalas.

Both of them look at our way. I felt Troi beside me, encircling his arm on my waist.

Maliliit ang kanilang mga hakbang kaya naman sinalubong na rin namin iyon. Kapwa kami basa ni Troi sa ulan at ganoon din si Tarian pero hindi alintana iyon ng bagong dating at niyakap pa rin ang kapatid.

"Dad," he called Troi. Lumapit ito sa ama at kinuha ang kamay para magmano bago sa akin bumaling.

"Mama..." tawag nito sa akin at nagmano rin.

Hinawakan ko ang pisngi niya habang nakangiti.

"Mabuti at pumayag sila, anak," nakangiting turan ko, halos maiyak.

I heard Troi hissed beside me. Bakit ba? I'm just happy! Hindi ko lang akalain na hindi talaga magbabago ang isip nila at ipagkakaloob talaga siya sa amin.

"Don't cry, love," he warned me which I didn't take seriously.

Naglandas ang luha sa mga mata ko.

"Max, what can you say about your new home?" I asked, voice cracked a bit.

Iminuwestra ko ang malaking bahay na magiging tahanan niya ngayon.

The young boy smiled widely. "This is good, Mama. Makali ang laruan namin," anito bago nilingon ang kapatid.

Tarian and I burst in laughter. May luha pa sa mata ko pero hindi mapigilang matawa sa narinig.

"It's not makali, Kuya. It's malaki," pagtatama ni Tarian at bahagya pa ring tumatawa.

The young boy massaged his nape and smiled shyly. I shook my head to ease his embarrassment.

"Don't worry, anak. Now that you're here we will help you in learning tagalog, okay?" Ginulo ko ang buhok niya nang tumango ito sa akin.

Maxton Gage Mijares is now with us. Lumaki ito sa ibang bansa at malayo kay Troi. Doon tuluyang nagpagamot sa sakit sa puso. Nitong taon lamang nito bumalik. Troi has been visiting him, though. Kahit pa noong wala ako. I'm thankful for the Mijares that they never stop Troi for acting as Max's father. At least, hindi nito parehong maranasan ang kawalan ng parehong magulang.

"Thank you, Mama..." sabay yakap sa akin.

Tarian went on his father's side while Maxton held my hand after his hug. Masaya naming tinungo ang loob ng bahay. Inihabilin ko kaagad sa isang kasambahay ang mga bata. They both insisted that they can handle their selves. Malaki na raw sila pareho at kayang magbihis para sa kani-kanilang sarili. Iyon nga lang ay gusto ko pa rin na may titingin sa kanila.

"You should get inside. Magbihis ka na. Baka sipunin ka," si Troi, galing sa kusina.

He's holding a tall glass of milk. Ngumuso ako at tumango.

"Hindi mo ako sasabayang maligo?" tanong ko sa kaniya.

I saw his lips twitched. His playful eyes is soulfully laughing at me.

Del Rico Triplets #2: Retracing The StepsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon