Kabanata 9

35.4K 646 192
                                    

Warning

"Hindi pa ba tayo lalabas?" tanong ko matapos ang ilang oras naming pananatili rito.

Nakahiga kami ngayon sa kama. Nakayakap siya sa may likuran ko. Our hands are tied together. Panaka-nakang nilalaro niya ang mga daliri ko. I heard him scoffed.

"I just want to stay here," he murmured.

Napapaos ang boses niya at ang sarap sa pandinig noon.

"We can't. Birthday kaya ng Mommy mo," tugon ko.

Sinubukan kong alisin ang kamay ko sa pagkakahawak niya kaya lang ay hinuhuli niya pa rin.

"Troi. Mag-retouch pa ako," sambit ko sa mahinang boses.

Baka mamaya ay biglaan na lang kaming ipatawag tapos ay hindi na ako ganoon ka presentable. Ayokong mapulaan ako at si Troi ng kung sino mang bisita.

"I like you simple," aniya, dinig ko ang paglabi.

Ngumiwi ako. I don't. Ang pangit ko kaya. Buhaghag ang buhok na mahaba. I look like a witch. Alam ko naman sa sarili ko na hindi ako kagandahan. Hindi ako ipokrita 'no. Kaya nga ba nagtataka ako kung paano siya nahulog sa akin, eh.

"Love..." he said, continously playing with our hands.

"Hmmm?" I hummed.

Somehow, I like this feeling. Ang kalmado namin.

"Don't believe what Tyron will say. He's obviously teasing you to piss me off."

Bumuntong-hininga ako at tumango.

"Alam ko naman iyon, Troi. Halata naman sa kapatid mo..."

Hirap na nga ako isipin kung paano nagkagusto sa akin ang asawa ko, tapos si Tyron pa? He does look like someone so playful. Miski siguro nga sa babae ay mapaglaro siya pero hindi naman siguro niya gugustuhin makipaglaro sa babaeng hindi maganda.

I mean, he could've get any woman he like. Bakit ako pa, 'di ba? Kung itatapat nga ako kay Eve, iyong babae kanina, ay paniguradong walang-wala akong binatbat. Sa iba pa kaya? Ngumiwi ako.

Eve. I remember her.

"Love, I've meet Eve earlier."

Natigilan siya sandali sa paglalaro ng kamay ko.

"Did she says something?" curiosity is evident on his voice.

"She just introduced herself to me and looked for Tyron."

I heard him sigh. I felt a peck of kiss on my nape. Kinilabutan ako dahil doon.

"Don't believe anything she'll say," he ordered me.

Tumango ako. Umahon ako sa pagkakahiga. Halatang 'di niya inaasahan iyon. Nilingon ko siya.

"Of course, I will only believe your words. Ikaw ang asawa ko," madamdaming pahayag ko.

Some emotions crossed his eyes. Regrets? Fear? I don't know. Umahon na rin siya sa pagkakahiga. His hands found mine again. Bumaba ang tingin ko roon. I thought he'll say something important but he only nodded his head and had a tiny smile on his lips.

"You should get ready now. The party might start now," aniya.

Tumango ako ako at sinunod siya. Nagtungo ako sa bathroom at tinignan ang sarili. My dress kind of crumpled because of his hug. I pouted. Kinikiliti na naman ang tiyan ko ng kung ano.

Hindi ko napigilan nang maglandas ang matamis na ngiti sa labi ko. I was about to daydream but I stopped myself. Nagtungo ako sa walk-in-closet doon at humanap nang maayos na damit.

Del Rico Triplets #2: Retracing The StepsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon