Kabanata 27

55.1K 1K 419
                                    

Mommy

As I heard Victor's mocking voice and Yanna's soft laugh, my face became distorted.

"It took you seven years bago ka magladlad, girl!" Victor's comment earned another giggles from Yanna.

Nginusuan ko sila at iminuwestra ang kamao ko sa screen ng cellphone.

"Tumahimik nga kayo! It's been days, hindi pa rin nawawala ang tungkol doon," hinanaing ko.

Yanna agreed. She's browsing on her laptop at doon nakatingin habang may multo pa rin ng ngiti sa labi.

"Trending pa rin." Ngumisi siya sa akin. "At number four!"

I rolled my eyes at her and nibbled into my apple. Victor stepped away from the screen for a split second before returning with a drink in his hand.

"Gaga! Lumabas ka na! Hindi ka naman siguro susugurin diyan ng paparazzi, 'no!"

Umiling ako. "I don't think so." Ikinibit ko ang balikat matapos sabihin iyon.

It's been five days. Humina man ang tungkol sa issue ko kay Eve, hindi naman tuluyang namatay. Nagsubok akong lumabas at magliwaliw. Akala ko ay normal pa rin ang buhay ko kasi 'di naman talaga ako nagpapakaapekto sa issue na iyon.

It was a blow to me when some people really did gather all the strength to asked me questions regarding that matter. May iilan na news personality pa! I spotted some content creator na nagsubok pa akong alukin for collab.

Just what the effin' hell?!

Hindi ko inasahan na ang isang walang kabuluhang issue na iyon ay magpapaingay sa tahimik kong buhay.

I earned a lot of followers on insta at may iilang page na may million followers at kilala na rin sa social media ang nagpo-post ng ilang mga larawan ko from my socials.

Wala akong dapat ikahiya dahil all my posted pictures on instagram are quite good. Kaya lang, hindi ako sanay na nabibigyan ng ganoong klaseng atensyon! My followers increased from three thousands to sixty plus.

Yanna and Victor was in awe. They've been giggling about, saying that they have a celebrity friend now. Sa nagdaang araw ay naging pang-asar nila sa akin iyon.

"Baka mamaya may mag-alok na rin sa iyo na modeling agency," si Yanna na sinara ang laptop.

Lumabi ako at 'di nagsalita. I never dreamed of something like that. Oo, I received an offer through instagram. Nanghingi sa akin ng email at nang mabasa ang nilalaman noon, offer ang nakasaad.

I sent my gratitude but I immediately declined that. It's not for me.

I earned some admirers, tho. Halo-halo. Teenagers, boys in my age and some are much older than me. Mga naka-follow sa akin at walang tigil ang react sa mga posts ko.

I lielow. Kung dati ay mahilig ako mag-post ng story, hindi na ngayon. Paminsan-minsan na lang dahil 'di ko naman nagugustuhan ang atensyon.

Some local brands offers to send me packages for free. I just need to give them positive reviews. Hindi rin ako pumayag.

"Malay mo iyan na pala ang isang malaking turn over ng buhay mo," Victor said while sipping on his drink.

Bumuntong-hininga ako. Sa araw-araw na nagkaka-video call kami, hindi talaga maalis ang positive feedback nila sa nangyari sa akin.

They said, I should embrace this new change. Maganda nga raw kung kukuhanin ko ang oportunidad.

Nang may mapagkaabalahan na raw ako rito at hindi na kailangan mag-apply pa ng trabaho. Nagpapatay-malisya lang ako kasi ayaw ko talaga.

Del Rico Triplets #2: Retracing The StepsHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin