Kabanata 13

34.6K 560 118
                                    

Dedicated to @Pitchlynn

Happy to see you again

Mabigat pa rin ang aking mga paghinga. Troi keeps on patting my back. Para na nga akong batang hinehele. Hindi ko magawang magsalita. Sa katahimikang ibinigay niya sa akin, mas lalo kong gustong umiyak.

Mas nagiging malinaw sa akin ang mga alaalang bumalik. Mas nagiging masakit.

I can hear my husband's calm breathing pero ang tibok ng kaniyang puso ay sunod-sunod.

"Are you okay now?" he asked calmly.

'No, I'm not, love. And I don't think I'll ever be okay after what I remembered!' I wanted to tell him that.

"Somehow... I am," I lied.

Umahon ako sa pagkakayakap sa kaniya. Nakasunod sa akin ang kaniyang mga titig. Tila kinakabisado ang bawat galaw ko.

"Anong oras na?" kiming tanong ko.

"It's past three in the morning."

Naramdaman kong muli ang lamig kaya naman kinuha ko ang makapal na blanket at ikinumot iyon.

Troi's sighed made me look at him.

"Do you want to eat?"

Umiling ako. Wala akong gana sa lahat. This is the first time that I felt the need to be alone. Katulad noong nabubuhay akong mag-isa sa apartment ko. Iyong walang nagmamasid sa akin, walang makakakita kung gaano ako durog na durog.

I pressed my lips into thin line.

"I just wanted to sleep..."I murmured.

For now, I just want to rest my mind. I just want to get away with everything. By sleeping.

Nagpapasalamat akong agad niyang naunawaan ang gusto ko. Ni hindi siya nagreklamo o kinumbinsi akong magsalita tungkol sa nangyari.

The truth is I am afraid that he'll start asking me and I wouldn't be able to give him an answer.

Namaluktot ako sa kama. Nakatitig lang ako sa kawalan. Mayamaya pa, naramdaman ko ang paglundo ng kama at pagpatay ng ilaw. Troi's arms pulled me closer to him and he hugged me from the back.

Napapikit ako nang mariin nang makaramdam ng guilt. This man... if he knows about what happened to me, ano ang naramdaman niya noon? Gaano kasakit para sa kaniya iyon? At kung hindi niya alam, what would he feel upon knowing it?

I was in coma for months. Three months to be exact and I woke up without memories about the accident. Parang kalahati ng pagkatao ko ay nawala.

Ilang buwan nga bago ako dinalaw ng mga alaalang nakalimutan ko? At bakit ngayon lang? And everytime that I collect my memories, Troi's the reason for them to be triggered.

The first time is when we first made love. All of a sudden, after he passed out, a part of my memories came back. And just now, halos magkakasunod ang pagdagsa ng mga alaala ko. Could it be? Si Troi talaga ang susi sa lahat?

Nakatulugan ko na lamang ang pag-iisip.

Nang magising ako kinabukasan, sinag ng araw ang bumungad sa akin. Hindi katulad kahapon na nakasarado ang mga kurtina, ngayon ay nakahawi iyon.

"Good afternoon..."

My husband came in from the door. Holding a tray of food. Sumulyap akong muli sa glass window bago lumabi. Hindi ko inakalang tanghali na pala.

"Napasobra ang tulog ko..." mahinang sambit ko.

Troi smiled at that. Pinanood ko siyang inilapag ang food tray sa harap ko. Iba't-ibang klase ng pagkain ang naroon. Sa dami noon, pwede pa ang iba para mamayang gabi.

Del Rico Triplets #2: Retracing The StepsWhere stories live. Discover now