Kabanata 17

36K 621 57
                                    

Sana

It has been two weeks since my visit to the Hospital. Troi became more busy and I was always left alone here. Sa nagdaang lingo, hindi ilang beses akong nagkaroon ng sakit. Nahihilo, nahihimatay.

Nang nagpatingin ako sa espesyalista sa mga kaso ng brain injury, sinabi nitong masyado kong pinupwersa ang sarili ko. Naghahalo na ang stress at pagpipilit kong makaalala.

She warned me that I shouldn't force myself often or else magkakaroon ng cons iyon at maaring mas matagalan pa ang pagbalik ng mga alaala ako. She told me to wait until something trigger it once again.

Nagpapasalamat ako na wala si Troi noon dahil may ilang sunod-sunod na sanggol at bata ang kinailangan niyang gamutin agad. Hinatid niya lang ako at tumalima na.

"You should unwind, Rosalie. Huwag ka munang mag-isip nang sobra. Pagpahingahin mo rin ang sarili mo. Avoid stress."

As much as I want to be disobedient, sinunod ko ang payo noon lalo at nangako ako sa kaniya na kapalit ng pangako niya ring hindi siya magsasalita sa asawa ko tungkol sa kaalamang nagbalik na ang ilan sa alaala ko.

I also asked for advice about some pills that could help me recover fast. Nanghingi din ako mismo ng opinion about the medicine that Troi's been giving me since then. Hindi ko nga lang sinabi iyon sa Doctor. Nagkunwari na lamang akong napulot iyon.

The Doctor wasn't that nosy so she didn't ask about it at sinagot lang ako sa lahat ng tanong ko.

Avoiding stress means avoid thinking of anything. Hindi ko iyon magawa noong una dahil na rin sa wala akong magawa rito kapag naiiwang mag-isa. Troi have someone who'll do the laundry and the cleaning two times a week. All I could do was read books, watched series and cook for us.

Sa gabi lang ako ukopado dahil narito si Troi. Sa dami ng ginagawang medical mission at pag-aasikaso sa pasyente, ang kalayaan niyang mag-half day noong nakakaraan ay nawala.

Hindi aalis dito nang hindi siya nagbubuntong-hininga na tila kung may magagawa lang siya ay ipagpapaliban na lamang ang pagpasok. Paulit-ulit ko lamang pinaaalalahan na buhay ng mga bata ang nakasalalay sa kaniyang kamay.

Maiiwan akong malungkot at napapangiti nang mapait. Nagbabalik lang ang sigla ko tuwing narito siya. Miski ako sa sarili ko, hindi ko na rin alam kung pagpapanggap lang ba iyon para 'di siya makahalata o talagang sa kaniya na nakadepende ang saya ko.

Ang buhay ko.

Nakakalungkot isipin iyon dahil alam kong siya rin ang may kakayahang wasakin ako nang husto. Saktan ako ng sobra. Natatakot man para sa sarili pero tanga na nga rin yata ako katulad ng mga babaeng nababasa ko lang sa libro. Because I choose to enjoy our moments while it last.

Kinastigo ko ang sarili kong magalit o magtampo pero may sariling isip ang puso ko. Natatangay nito ang utak at katawan ko na tuluyang ipaubaya ang sarili sa kaniya. Na manatili sa kaniya sa kabila ng mga sikretong alam kong nakakubli sa malambing na pagtrato niya sa akin.

Sa nagdaang dalawang lingo, talo ako mismo sa sariling kagustuhan. Paglabas pa lang ng silid niya na may multo ng ngiti sa labi, alam kong kayang-kaya nga akong paikutin ni Troi.

Kaunting lambing. Ilang matatamis na salita. Ilang masusuyong halik at yakap, nabubura lahat ng agam-agam ko. And that's the worst thing because I'll be doomed once everything came to an end.

Ikiniling ko ang ulo nang mahuli ang sariling nalulunod muli sa kaiisip. Nasobrahan na rin ako sa paghalo ng brownies mixture kaya naiiling na kinuha ko ang lagayan nito at mabilis na ipinasok sa oven.

I was in the middle of making coffee when my phone rang. Kinuha ko iyon sa bulsa ng apron na suot ko.

Napapikit ako nang mariin nang makita ang pamilyar na numero sa screen. It's been weeks since I got a chance to talk to him. Tyron.

Del Rico Triplets #2: Retracing The StepsWhere stories live. Discover now