Kabanata 5

39K 666 108
                                    

He left

Pinanood ko siyang ipinatong ang cellphone sa may bedside drawer. Mukhang naramdaman niya ang tingin ko sa kaniya kaya ako nito binalingan.

"Any problem, love?"  he asked.

Umiling ako. I don't really have one. I was just wondering if he'll sleep here. Kasi... parang hindi ako makakatulog kung ganoon. If ever he does, this would be the first time na makakatabi ko siya.

"Uh... s-sa office ka?" hindi siguradong tanong ko.

He pressed his lips and nod.

"I need to check our business. Medyo napabayaan ko na dahil sa hospital."

Tumango-tango ako. Inayos ko ang blanket sa katawan.

"S-sige na. Matutulog na ako," paalam ko.

Nagtagal ang titig niya sa akin pero pagkuway tumango.

Itinulukbong ko ang blanket sa ulo ko para hindi na siya makita. The truth? It's awkward to spend the night in this house with him. Hindi ako sanay ng ganito. Wala akong nakasanayan!

He's so used to go home almost at midnigiht. Tulog na ako. Masisilayan ko lang siya kapag kagising ko sa umaga pero aalis din naman siya agad. We never had a normal encounter as a husband and wife. Hirap na hirap tuloy ako sa iaakto!

Inalis ko ang talakbong sa ulo nang hindi na ako nakakakuha ng sapat na hangin. Nilibot ko ng tingin ang buong silid at nakitang tahimik na uli iyon. Wala na nga siya.

I won't sleep with him again. We never shared intimacy like what a normal couple should had. We don't make love. Minsan ay napapaisip ako kung paano siya nakakatagal? He is a man! Imposible sa akin na hindi naghahanap ang kaniyang katawan. That's why I can't stop myself from thinking that maybe he has someone in Manila!

Why does he want me to stay here and he's there almost everytime? He never kiss me! It's not normal for married couples not to do that unless they're a product of arranged marriage or they have a problem.

A man won't initiate if he has someone to fulfill his needs! Kami pa? Ilang buwan na?

Nagpabiling-biling ako sa kama nang hindi dalawin ng antok. I looked at the clock in our bedside table. Alas diyes na. Hindi pa ako makatulog dahil sa mga iniisip na wala namang kwenta.

Umupo ako at bumuntong-hininga. Uminom na ako ng gatas na ang asawa ko mismo ang nagtimpla pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako inaantok. Hindi rin naman ako nakatulog kaninang tanghali dahil inaya ako ni Troi na pumasyal sa grocery para mamili ng mga kulang dito sa bahay.

How come I can't still sleep?! Nakatulog ako nang maayos kagabi!

Tumayo ako at nagtungo ako sa may bintana at saka hinawi ang kurtina noon. Binuksan ko ang isang sliding window at hinayaang pumasok ang sariwang hangin.

Lumabi ako at naisipang hubarin na lang ang suot na puting bestida. Wala akong suot na bra at tanging underwear na lang. Hindi naman ako nangangamba na makita ako sa ganitong estado ni Troi. Una ay asawa ko siya at pangalawa, hindi na siya bumabalik sa silid namin kapag alis niya. Aabutin na siya ng umaga doon sa may office niya.

I decided to pull out my underwear, too. Mas komportable ako sa ganoon. Sinunod kong ginawa ay pinatay ang aircon. This must be good. Siguro naman ay makakatulog na ako.

I turn off the lampshade and finally rest myself in bed. Luckily, dinalaw nga ako ng antok. Hindi naman ganoon kalakas ang hangin kaya hindi ko na rin naisipang magkumot. Pakiramdam ko ay noon ko lang naramdaman ang pagod sa pag-iikot sa grocery store.

Del Rico Triplets #2: Retracing The StepsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon