Kabanata 25

57.2K 792 169
                                    

My Tarian

Mahigpit ang kapit ko sa hospital gown na suot. Wala akong mapagbalingan ng sakit kundi iyon. Halos mapigtal ang ugat ko sa leeg kakasigaw dahil sa sakit. I didn't know that giving birth would hurt like this.

Walang kapantay ang sakit ng pagl-labor. This will be my last. I promise that!

"Push, Ma'am. Malapit na po."

Masakit na ang dibdib ko sa pagpipigil ng hininga makaire lang ako katulad ng inuutos ng doctor. Kanina pa siya sabi nang sabi na malapit nang mailabas ang bata pero hanggang ngayon ay 'di ko pa rin magawa.

Halos mawalan ako ng ulirat nang pwersahang itulak ng nurse ang tiyan ko pababa. Isang bugsuang pag-ire bago ako parang hinugutan ng lakas.

"Okay na, Ma'am. Nandito na si baby..." The voice was faint and vague.

Namimigat ang talukap ng aking mata at bahagyang nahihilo dahil sa matingkad na ilaw sa ibabaw ng kisame. Masyadong maraming nakapaligid sa akin na nagkakagulo at hindi ko na maintindihan kung ano na ang nangyayari.

I heard the sound of slap, not just one but thrice.

"Doc, hindi umiiyak..." I heard a man's voice.

"Check the pulse of Mrs Del Rico. Check the baby's heartbeat. Same way, same way!"

I tried my best not to sleep but I didn't succeed. Darkness swallowed me as soon as I heard beeping sound.

I felt a calloused hand caressing my cheek. There are voices beside me, talking secretly.

"She'll be okay..." said by a feminine voice. Yanna.

"I'm glad to know that both of them are safe, Bjorne."

My breathing almost hitch as I heard that familiar voice. I haven't heard that for months. I've been in peace without knowing how is he or where he was. Ngayon, ang marinig ang boses niya at malamang malapit siya sa akin ay nagpapagulo muli ng tahimik kong sistema.

The only man who can cause chaos to me. The only one who can ruin me in just a snap. Taong hindi na dapat makapasok pa sa buhay ko.

"You should go now, Troi. Baka magising siya at madatnan ka. She wouldn't like it," Bjorne spoke.

I heard him breathing heavily. Parang nagpipigil ang klase ng kaniyang paghinga. Sa sobrang lapit niya sa akin ay amoy na amoy ko ang pamilyar na pabango niya. Something tugged inside my heart.

To feel his warmth... to  hear his voice... to smell him. A voice inside my head asked me if seeing him would still feel the same.

"Can I visit here whenever she's asleep?"  Halos bulong na lamang ang katanungan na iyon. Sa akin na lang pandinig naging malinaw.

I heard Bjorne's tsked.

"Troi, you can't. Ilang araw lang siya rito at lalabas na. The baby... he'll be given to your parents. Rolly made it clear that she doesn't want anything to do with your son. She'll fly to Finland after she recovered. As soon as possible..."

Hirap na hirap sabihin ni Bjorne ang mga salitang iyon. At alam kong hindi niya gustong sabihin iyon sa harapan ng pinsan. Kung mayroon lamang siyang choice. If Blake is here, Bjorne would be silent as hell. Dahil alam ko, kahit na naging kaibigan ko na sila, malakas pa rin ang kapit ng dugo kaysa sa akin. That they will still side with Troi if everything comes to an end.

Kaya nga ginusto kong isipin na naroon lamang sila sa akin dahil sa bata at matapos iyon ay mapuputol na ang ugnayan namin. Dahil ayokong magkaroon ng pagpipilian sila. Between me and Troi.

Del Rico Triplets #2: Retracing The StepsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon