Kabanata 18

37.4K 654 128
                                    

Deja vu

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Deja vu

Nanlalabo ang mga mata ko habang nakatitig sa mga larawang nagkalat ngayon sa kandungan ko. Mga larawang hindi ko alam kung paano tatanggapin ng utak ko.

Ilang sunod-sunod na pagtunog ng cellphone ang tanging maririnig sa loob. Nawalan ng lakas ang kamay ko at hindi na iyon nakagalaw. Nanatili na lamang na nakahawak sa larawang bumasag sa akin mula loob hanggang labas.

Halo-halo ang mga iyon pero lahat ay iisa lang ang kayang gawin. Ang durugin ako nang pinung-pino.

Nagsisimulang manikip muli ang dibdib ko pero balewala ang sakit na iyon. Walang kapantay ang nararamdaman ko ngayon.

"Troi," hirap na hirap ang pagtawag ko sa pangalan niya.

Humihiling na sana nandito pa siya. Baka maipaliwanag niya pa sa akin ang lahat ng 'to. Baka maintindihan ko pa. Kasi ganoon ako katanga sa kaniya. Ganoon ako magpapakatanga sa kaniya dahil mahal ko siya.

Sumara ang kamao ko na dahilan nang pagkalukot ng larawang hawak ko.

These pictures, there are compilations of Eve and Troi, seen together. Dining, drinking, kissing and much worst is them, on a bed. Nasisiguro kong hindi iyon basta lamang pagkakamali kung iba't-ibang pagkakataon iyon kinuhaan. Ilang beses naulit.

Naroon ang nakayapos ang dalawa sa isa't-isa at tila mauubusan. There are dates! Dates na noon pa kinuha. Noong panahong nasa Bulacan ako at narito si Troi. What hurts me more is, there are also pictures of them entering this penthouse. Together!

Magkahalong galit at sakit ang nararamdaman ko. Parehas iyong sumusunog sa kakaunting kabutihang mayroon ako.

"Putangina..." nagngingitngit ang mga ngipin ko sa galit.

I picked my phone and canceled Tyron's call. Sa halip ay nagmamadali kong hinanap ang spare laptop na naiiwan palagi rito sa akin. Binuksan ko iyon at nagmamadaling isinaksak ang flash drive na kasama sa envelope na pinadala sa akin ng hindi ko kilalang tao. It took a second before the files was loaded.

Binuksan ko kaagad iyon. There are only three folders on it.

Troi Del Rico's secret affair.

Buo ang loob na pinindot ko iyon. Tumambad sa akin ang video files na sa tingin ko ay alam ko na ang nilalaman. Sa thumbnail pa lang noon, winawasak na ako. Gayunpaman, tanga na nga yata ako at masokista dahil nagawa ko pa rin iyong buksan.

Sunod-sunod na pag-ungol ang naririnig ko. I heard cursing and moans all over. Madilim ang paligid pero sapat na ang kakaunting liwanag para makita ang ginagawa ng dalawa doon. Bagay na ginawa lang din namin bago siya umalis ngayon!

"Let's open the lights, please," I heard Eve's voice. Mas malamyos iyan kaysa sa normal na boses niya. Lalong pinalalambing.

Nasundan iyon ng pagtawa na kaparehong-kapareho ng kay Troi.

Del Rico Triplets #2: Retracing The StepsWhere stories live. Discover now