Kabanata 1

39.1K 1.1K 237
                                    

Kabanata 1

Land

"Sige na! Pumayag ka na, Kalei! Aakyat ka lang naman sa punong mangga tapos kukuha ka ng sampung hilaw na mangga! Kahit lima pa sa'yo tapos tig-iisa kami!"

Ni hindi ko minulat ang mga mata nang walang gana akong sumagot. "Bakit hindi kayo ang umakyat at kumuha? Kapagod."

"E' mas magaling ka!" giit ng isa.

"G*go ba kayo mas matanda pa nga kayo ng ilang taon kaysa sa'kin. Kalalaking tao niyo, 'di niyo magawang umakyat ng mangga," sermon ko sa mababang tono ng boses.

Medyo naiirita na ako. Kasalukuyan kasi akong nakahiga sa isang duyan dito na ginawa ni Papa sa pagitan ng dalawang puno ng bayabas. Low-budget hammock duyan.

Ang sarap na ng tulog ko at alas tres pa lamang ng hapon tapos nambubulabog sila? Ano'ng ka-pot*nginahan 'to.

Wala silang karapatan na isturbuhin ang pagtulog ko. Kapitbahay ko lang sila. Kung makapag-utos, wagas. Ni hindi nga ako masyado'ng inuutusan ni Papa sa bahay dahil madalas naman akong nagkukusang tumulong, tapos gagantuhin nila ako?

"Do'n kasi sa hacienda ni Senyor Saturnino."

Nagpantig ang mga tainga ko nang narinig iyon. Kasabay din no'n ang pagmulat ng mga mata ko at bumungad sa akin ang nagsusumamong mukha ng magkakaibigan. Kalmado akong napaupo sa duyan mula sa pagkakahiga.

"Alam mo na, katakot ang mga trabahador at magsasaka ro'n. Kahit magpaalam pa tayo na manghingi ng prutas ayaw tayong bigyan," pagpapaala sa'kin ng nakakatandang kapatid nila. "Ayos lang sana kung nandiyan si Senyor e'. Kasi mamimigay 'yon sa'tin. Kaso wala."

"'Yong nakakatakot pa e', nando'n sa hacienda 'yong isang apo niya," dagdag ng isa.

Pinagtaasan ko sila ng kilay sa ka ako muling humiga nang nag-iba ang isip ko. "Bahala kayo riyan."

Mag-iisang taon na kaming naninirahan dito ni Papa sa Compostela Valley. Malapit lamang sa lupain ng isang mayaman at kilalang pamilyang Cavanaugh. Alam ko naman na hindi kami magtatagal pa rito. May ibang plano si Papa sa susunod na buwan. Siguro ay babalik kami sa Madridejos.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kilala itong mga kapitbahay namin. Pamilyar lang sila, pati na rin ang pangalan nila pero hindi ko nga lang alam kung kaninong pangalan itong alam ko. Sadyang wala lang talaga akong pakialam sa paligid ko.

Ang importante lang sa akin ay ang Papa ko. Wala rin akong malapit na kaibigan.

Pero ito sila. Alam na alam ang pangalan ko.

"Kalei naman! 'Yong ate ko buntis! Pinaglihian 'yong mangga sa hacienda ni Senyor Saturnino! Konsensya mo pa kapag nakunan siya!"

"Pinaglihian ka rin no'n! Ang pogi mo raw tapos maganda pa!"

"T*ngina mo. Loko-loko ka ba? Suntukin kitang gunggong ka," I hissed and stood up from sitting on the hammock duyan. Kinuwelyuhan ko ito na agad namang nag-angat ng dalawang kamay sa ere.

Obvious naman na, pinapakonsensya at binobola nila ako. Iyan 'yong pinaka-ayaw ko sa lahat.

Iyong pinapakonsensya ako para lang magawa ko ang gusto nila. Hindi naman tama 'yon.

"Alam naming hindi ka papagalitan kung sakaling mahuli kang aakyat sa puno nila! Kaya sige na kasi, Kalei!"

Marahas kong binitiwan ang damit ng lalaking kinuwelyuhan ko at tinulak ito palayo sa akin. Nakakapanggigil ang pagmumukha nito kaya mas mabuti nang mailayo dahil baka ay mabasag ko pa iyon. Mas matangkad pa nga ako sa kanila ng ilang pulgada kahit pa pagtulungan nila ako.

The Captain's Only Sea (Cavanaugh #4)Where stories live. Discover now