Kabanata 34

28.6K 986 528
                                    

Kabanata 34

Gossips

"What's up with you and that Cavanaugh man?" tanong ni Hawk matapos inihinto ang sasakyan sa parking space ng malaking bahay na pag-aari ni Dad dito sa Madridejos malapit sa bangkaan at dalampasigan.

"He's my boyfriend, Hawk," I answered and unbuckled the seat belt.

"That explains it," pinatay nito ang makina ng kotse.

Napailing na lamang ako. "You don't know how that man gets jealous."

"All men turn into a different person when they get jealous," walang emosyon nitong salita.

I scoffed. "Speak for yourself."

Bumaba na ako ng kotse at dumiretso na sa loob ng malaking bahay. Sinalubong ako ng matandang babae na siyang pumalit kay Manang Sonya rito. She informed my Dad about my arrival.

May sariling kuwarto na kaming dalawa ni Kaia rito na laging nakahanda at malinis kapag sakaling mangyaring dadalaw kami. Now that I'm here again, I will use that room. Hindi na iyong guestroom dati.

Groaning in displeasure, I sat on the side of my large bed. I was busy trying to contact and reach Daumier, but his phone was out.

Kanina ko pa talaga sinusubukan na makausap ito. I did not text him. Text would only lead us to misunderstanding. Dapat talaga ay mag-usap.

The tables have turned in just one call earlier. With the wrong person speaking to him.

Mihawk apologized to me. Nakatikim kasi talaga siya sa akin ng suntok matapos niyang sabihin iyon at binabaan siya ni Daumier ng tawag.

Babalik na naman ba ako sa Maynila? Hindi ba ako iyong may nararadamang inis at galit kay Daumier? Bakit tila ngayon ay ako na itong kabado at hindi mapakali?

After another try calling my boyfriend, I gave up when he did not pick it up. It was ringing now, but I guess his phone was in silent mode or 'do not disturb'.

I let my body collapsed on the bed, it bounced because of the impact. I decided to stop calling Daumier and will try again later.

Searching for my Dad's number in my phone contact, I hit the dial button when I found it.

One ring, and he answered.

"Dad," I greeted.

"I heard that you're in Madridejos? You're staying at our house near the shore?" bungad tanong nito.

"Yeah, I need some air," kumpirma ko. "Why, Dad?"

Nasa sampung segundo rin na tahimik ang kabilang linya bago ko muling narinig ang kaniyang boses.

"Ikaw kasi itong malapit sa Compostela Valley. Sa hacienda ng mga Cavanaugh. There's a special event that will be held there, and I'm invited. Will you go there in behalf of me, anak?"

Napaisip ako habang nakatitig sa kulay kremang kisame.

How many years have passed? I haven't came back to Compostela Valley. I wondered how was Manong Karlito doing?

"Okay," payag ko. "When?"

"Thursday evening."

With a simple 'good bye' and 'take care', we ended the call.

Huwebes ng gabi? It's Tuesday today. Miyerkules lang ang mayro'n ako rito sa Madridejos bago aalis para tutulak papuntang Compostela Valley? Medyo nakakapagod bumiyahe kung iisipin. Lalo na kapag walang kasama, hindi ba?

Tinawag na ako para maghapunan sa baba. Pinaglutuan pala talaga ako. Medyo nakakahiya dahil naabala ko pa ang gabi nila rito na sana ay ipagpahinga nila.

The Captain's Only Sea (Cavanaugh #4)Where stories live. Discover now