Kabanata 4

25.4K 934 416
                                    

Kabanata 4

Turtle

I avoided him the whole week after what happened at Sir Everardo's residence. Kahit sa paaralan ay iniiwasan ko itong makatagpo. Why? I really had no idea what was happening to me.

He was half naked that time. Droplets of water dripping down his skin. So wet. Ang hirap na alisin, o 'di kaya'y burahin sa isip ko ang mga nakita. It was not like it's my first time seeing boys and men shirtless, swimming or taking a dip in a pool.

Marami naman na akong nakita. Lalo na noong sa Santa Fe pa kami nakatira. Mas maraming dayuhan doon, magaganda at malalaki ang katawan, matso, matipuno, at makisig. Hindi naman na bago 'yon. Wala lang naman sa akin ang makakita ng gano'n noon. It was normal back then.

But when it came to him. . . it felt strange. I did not understand. It was so difficult.

Pakiramdam ko ay nasisiraan na ako ng bait noong araw na 'yon. Mabuti at nakauwi naman agad si Sir Everardo kaya ay isinuli ko na sa kaniya ang sobra'ng pera. Hindi niya iyon tinanggap. He said that it was Papa's bonus. I thanked him before I left his home in a haste.

Nakakahiya na. Ayaw kong makaharap ulit iyong pamangkin niyang nagpupunas ng katawan sa poolside.

I was never this affected to a boy before. What happened to me?

Lilipas din siguro ito. Hahayaan ko na lang at iiwasan na lang siguro siya. Mawawala rin itong kakaibang nararadaman ko tuwing nakikita siya o 'di kaya'y napapalapit sa kaniya.

Buong linggo, kapag umuuwi kami galing school ay lagi ko na talagang nakikita si Daumier na pumapasok sa loob ng mamahaling kotse. He even caught me looking at his direction. Umuuwi siya ng maaga? Hindi ba at may galaan pa 'yan sila ng mga kaklase niya? At napapadalas na rin ang pagpunta niya sa dalampasigan tuwing tumutulong akong mag-aayos ng lambat.

Dahil nga sa iniiwasan ko siya ay sinasadya ko talaga'ng mag-ayos ng mga gamit sa pangingisda sa kung saan malayo sa kaniya. Kapag nararadaman kong balak niyang lumapit sa akin ay agad akong umaalis at lilipat ng ibang puwesto. Sa huli ay hindi siya nakakalapit sa akin.

Something was up to him too. Why would he want to be near me? I was a boy in his eyes. It would look weird.

Baka ay gusto niya lang talaga'ng makipagkaibigan, 'di ba? Nag-iisip lang ako masyado. Hindi kasi talaga maiiwasan. Bagama't may kakaiba akong nararadaman na hindi ko maipaliwanag.

"Ano ba 'yan, Kalei. Aga aga nanggigising," Kaia grunted in her sleepy morning voice. Nagtalukbong ito ng kumot matapos kong bahagyang yugyugin ang katawan. "Sabado naman e'. Tulog muna ako."

"Magwalis ka sa labas," utos ko.

Kakatapos ko lang kasing magsaing at pansin kong may iilang dumi sa maliit na bakuran namin.

"Alas singko pa lang e'. 'Di pa sumisikat 'yong araw oh. Gisingin mo'ko ulit mamayang alas sais," kondisyon niya at malakas na humikab. "Inaantok pa ako. . ."

She was right. Mahirap din naman magwalis nang walang masyado'ng liwanag. Hinayaan ko na lang muna siyang matulog. I was never the cruel big sister. I always considered things.

Maagang umalis si Papa. Alas kuwatro pa lamang ay nagpaalam na ito at sinabihang 'wag na raw akong mag-alala sa almusal niya dahil madalas naman silang pinaghahandaan ng mga katulong ni Sir Everardo ng pagkain. Nag-iwan din siya ng barya para sa pananghalian at meryenda namin ni Kaia.

Every morning, I would do my stretching and warm-up routine. Nakakalusog at nakakabuti kasi talaga sa katawan ang magpapapawis sa umaga.

Lumabas ako ng bahay at nilakad ang kaunting distansiya hanggang sa malagpasan ang iilang mga puno at tanaw ko na ang dalampasigan. It was a little cold since the sun was just about to rise. Luckily, I was wearing an old sweatshirt. Mabuti at hindi naman mahamog ang umagang 'to.

The Captain's Only Sea (Cavanaugh #4)Where stories live. Discover now