Kabanata 22

26.8K 1K 649
                                    

Kabanata 22

Pirate

'@ruin, 'yan. wala kang ganiyan kasi 'di ka makapili. dala-dalawa pa.'

'nauubusan na ako ng cavanaugh. si @saul, may nurse na. si @isaiah, may flight attendant na. si @zanoah, nakatuluyan niya 'yong mommy ni hermiah na attorney, naalala ko nga pinag-agawan pa nila 'yong bata. si @ruin na lang siguro agawin ko tutal dalawa 'yong nag-aagawan sa kaniya.'

'babe, kung ipapakita ko na lang kaya sa kanila 'yong full photo? bakit mo pa ni-cropped. ayaw mo ba'ng makilala nila ako?'

I was scrolling down the comment section of Daumier's day on Facebook. Iyon ang mga nabasa kong komento na galing sa mga account na hindi ko kilala at hindi naman kamag-anak ni Daumier. There's a lot of comments but I skipped some of it.

Then I came into some short comments from those accounts who have the same surname as Daumier's. Cavanaugh. Hula ko ay mga pinsan niya ito.

'naglalayag na ang boang'

'sisid marino'

'lulubog ka niyan'

The bathroom's door here in the cabin opened, and without delay, I turned off my phone.

Lumabas si Daumier na nakasuot lang ng kaniyang boxer briefs at nagpupunas ng kaniyang buhok. May iilan pa'ng patak ng tubig ang tumutulo sa kaniyang matipunong katawan. Presko at bagong ligo. Tumungo siya kaagad sa aparador kung saan may iilan siyang uniporme roon na iniwan.

"Good morning," he greeted coldly but it gave me warmth though.

Tinanguan ko lang ito at tumayo na rin upang kunin ang sariling tuwalya. Tumabi ako sa kaniya sa harap ng aparador upang mamili rin ng susuotin ko.

"If you want to visit me on the bridge, just chat me. My officers wouldn't mind," he said it like an invitation.

"Kapag may vacant time siguro ako," I grabbed a dark baggy pants.

"I can't wait for us to finish this voyage and go back in the Philippines. I want to bring you in the hacienda. Grandpa is so old, I want him to meet you before something else happen."

Natigilan ako at napabaling dito na nakasuot na ng slacks at inaayos na iyong zipper. I looked away from the zipper. A forbidden sight.

Came up with a plan already? Hindi pa nga ako talaga sigurado na may kami na pala talaga? Parang ang bilis na ang tagal? We just met again like two months ago in a conference meeting back in the Acuaverde Consulting Company office building in the Philippines? This instant relationship was because of our agreement. Nothing else.

Bukod doon ay may hindi maipaliwanag na nararadaman ako para sa kaniya. I could not name it yet. Maybe I already liked him too since before? Hindi ko lang maamin?

"Hindi pa siguro ako makakabalik sa Pilipinas, Daumier. Marami pa kasing gagawin sa museum pagkatapos nito. Sabi rin nila ay may ten-day voyage celebration daw gamit ang cruise ship ng mga Gantuangco," I cleared that for him as I look for my underwear.

"Yeah, they want me to be the captain of that cruise ship," he grumbled.

"At?"

Sinulyapan ko lang siya sa tabi ko. He was currently wearing a sando shirt. Naaamoy ko rin ang bango niya. Ginamit niya siguro 'yong shower gel, sabon, at shampoo ko na panlalaki. Amoy na amoy ko ang sarili ko sa kaniya.

Hindi ko kasi gusto iyong amoy ng body wash para sa mga babae. Too sweet and strong that would irritate my nose.

Nang nahanap ko na ang underwear ko ay pinailalim ko iyon sa hawak kong baggy pants dahil ayaw kong makita niya iyon. I stood straight and faced him.

The Captain's Only Sea (Cavanaugh #4)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang