Kabanata 18

28K 1.2K 741
                                    

Kabanata 18

Cabin

"Ms. Vargas," narinig kong boses ni Mrs. Siguenza mula sa labas ng masikip na banyo ng maliit na cabin naming dalawa ni Savi.

Lumabas ako habang nagsisipilyo pa rin, nakabihis naman na ako at nakabalot pa ang puting tuwalya sa buhok ko.

I raised both of my fresh morning brows when I met Mrs. Siguenza's solemn gaze. Indirectly telling her to 'go on, speak up and I'll listen'.

Early in the morning huh, and she was in her reserved and very serious manner.

"May darating na idadagdag nilang Assistant Diving Safety Officer. Babae. Nagamit na lahat ng cabin maliban doon sa mga cabin para sa dadalaw na magsu-supervise ng project," wika niya habang binabalewala ang ginagawang kaswal na pagsisipilyo ko.

"Puno na po yata lahat ng cabin dito sa Accommodation Area para sa diving team, Mrs. Siguenza?" takang pagpapaalala ni Savi.

"Yes, Savi," tango ni Mrs. Siguenza. "Ipagtabi ko sana itong si Kaleidoscope kay Aleshien. Kaso ay kaming dalawa na roon. Hindi naman siya puwede sa mga lalaki. Sila Grego at Henrik."

"Pa'no po 'yan?" Savi asked.

Bumalik na muna ako sa loob ng banyo nang makapagtapos na sa pagsisipilyo dahil ayaw na ayaw ko talaga ang magsalita habang may nakapaloob sa bibig ko.

"The captain offered his private cabin since he won't be occupying it that much. Sa at-sea cabin ang kapitan magpapahinga," rinig kong tugon ni Mrs. Siguenza na muntikan ko nang ikalunok ng tubig pangmumog.

"Ako na lang po, Mrs. Siguenza!" It was Savi's beaming voice.

"No, Savi. You stick with the new ADS Officer," Mrs. Siguenza disagreed to her. "Kaleidoscope will occupy the captain's private cabin."

I gritted my teeth that made my jaw clenched.

Lumabas ako ng banyo at sumandal sa malapit na pader. "Mrs. Siguenza, puwede po ba'ng 'yong bagong ADS Officer na lang ang gagamit ng private cabin? Maayos na po ako rito."

Pareho silang napabaling sa akin. Marahil nagulat dahil kanina pa ako hindi nagsasalita.

"As much as possible, I want everything be organized, Ms. Vargas. They relate to each other's job. Mas magandang sila ang magsama sa iisang cabin nang makapag-usap din dahil pareho naman sila ng trabaho," paglilinaw ni Mrs. Siguenza.

She was calling me 'Ms. Vargas'. That just mean she did not want to hear any excuses. Tinatawag niya lang ako sa pangalan ko kapag hindi naman gano'n kahigpit ang kaniyang utos.

Ano na naman 'to? Ayos na ako rito sa cabin na 'to. Hindi naman masikip iyong space talaga. It just felt like that because of Savi. Kahit gaano pa kalaki iyong silid, hangga't may dumadaldal ay sumisikip iyon para sa akin.

Isa pa ay ayaw ko ring manatili sa private cabin ni Daumier. Masyado'ng maganda roon.

"But it would take time for me to transfer, Mrs. Siguenza. I already have my things settled here," I flatly argued in disapproval. I wanted to protest so bad.

"I'll ask Grego and Mr. Maradiaga to help you," she answered in finalization. Leaving me no other choice.

Umalis sila. Si Mrs. Siguenza na may aasikasuhin pa. Si Savi ay inutusan niyang tawagin ang dalawang lalaki. Iniwan nila ako rito na sinimulan na ang pag-iimpake sa paglipat matapos kong ayusin ang sarili ko na kagagaling lang sa pagligo.

Right. If there's a will, there's a way.

How cute of Mrs. Siguenza.  Wala. Hindi ako makaangal, siya ang masusunod eh.

The Captain's Only Sea (Cavanaugh #4)Where stories live. Discover now