Kabanata 2

30.7K 1K 235
                                    

Kabanata 2

Transfer

Wala akong ideya na iyon na rin pala ang huling interaksiyon namin ng apo ni Senyor Saturnino. Matapos kasi ang araw na 'yon, kinabukasan ay nabalitaan ko na lamang na lumuwas ito pabalik daw ng Manila para magbakasyon bago pupunta sa isang probinsiya na malapit sa dagat para mag-aral.

One month went by as if it was just one day that past.

Naglalaro sa pandinig ko ang ingay ng bawat pagyapak ko sa mga nalalayang mga damo rito sa daan patungo sa aming munting kubo. Hapon na kaya ay hindi na masyado'ng mainit, nagiging kulay kahel at maputlang kulay ng rosas ang kalangitan dahil sa umaambang paglubog ng araw. Nagsiliparan din ang mga panghanging insekto gaya na lang ng iilang kulay puti at itim na maliit na paru-paru at saka tutubi. Dumadagdag din sa pampagaan ng emosyon ang marahan huni ng panghapong mga ibon.

Mapayapa rito sa malawak na bukid. Nakakakalma rin ang presko'ng simoy ng hangin na may saktong temperatura.

Galing ako sa lupain ng Cavanaugh. Tinulungan ko lang si Manong Karlito sa pagre-repack ng mga bigas. Ang haba ng tinahak kong daan dahil sa kalsada ako dumaan. Pero nasanay naman na ako sa paglalakad ng malayo. Hindi na bago sa akin 'yon.

Papauwi na ako at ilang metro pa nga lang ang layo ko mula sa dalawang puno ng bayabas na pinagsabitan ng hammock duyan kung saan hindi lang naman malayo ang munting kubo namin ay dinig ko na ang umalingawngaw na boses ng isang matandang babae. Base sa tono at taas ng boses nito ay alam kong may sinisigawan ito kaya ay binilisan ko ang paglalakad.

Humigpit ang pagkakahawak ko sa strap ng aking dala'ng backpack na may lamang pabaon ni Manong Karlito.

"Ano na, Fernan? Dalawang linggo na 'yong utang mo, hindi mo pa rin binabayaran! Dalawang libo 'yon! May tubo pa 'yon!"

"Pasensya na po talaga, Aling Mirasol. Pwede po ba'ng palugit ng tatlong araw? Babayaran ko na po talaga pagkatapos ng tatlong araw." Narinig kong pagmamakaawa ng mahinahon na boses ng aking ama.

Bumungad sa akin ang mainit na senaryo sa labas lang ng munting kubo namin. Si Papa na kalmado at maayos na nakikiusap kay Aling Mirasol. Hawak ni Papa ang kaniyang lumang sombrero habang nakasuot ito ng kulay asul na long sleeves na damit tuwing magsasaka ito sa maliit na lupa na pag-aari ng kaniyang kapatid.

Lumipat ang aking paningin kay Aling Mirasol na nakasuot ng mukhang bagong biling kulay pulang daster. Nakapameywang pa ito, taas noo, at ang mga mata ay nanlilisik na nakatitig kay Papa na para ba'ng nanghahamon ng gulo. As usual, her hair was pulled up with those pink hair plastic roller curlers. She was also wearing a white coloured facial mask. Nagmumukha lamang itong multo sa paningin ko.

Mukhang kagagaling niya lamang sa pagre-relax at sinadya talagang sugurin si Papa rito?

At maliban kay Aling Mirasol ay may mahigit limang lalaki ang nasa likuran nito. Tahimik na nakatayo at marahil naghihintay ng utos. Looking like a backup or bodyguard. Malalaki ang katawan pero mas malaki ang kanilang tiyan.

"Hindi! Ngayong araw lang! Ilang beses mo na ba akong pinakiusapan! Pinalampas ko lang!" Maldita nitong pag-ayaw. Hindi sumasang-ayon.

Dahil sa kasalukuyan ko pa'ng sinaulo ang mga nangyayari sa harap ng maliit na kubo namin ay hindi ko namalayan ang pagdaan ng nakababatang kapatid ko. Nilagpasan ako nito at nilapitan ang aming ama na nanginginig ang mga kamay.

Sumunod ako.

May katangkaran din itong dose anyos kong kapatid, hanggang leeg ko lang ito. Isang taon lang ang agwat namin. But that did not stop me to treat her as my little baby sister.

The Captain's Only Sea (Cavanaugh #4)Where stories live. Discover now