Kabanata 14

22.8K 1.1K 864
                                    

Kabanata 14

Died

"Kamusta, hija? Nagsalita ba siya sa'yo? Nakipag-usap? Nagkaayos na ba kayo?" bungad ni Manang Sonya nang naglakad ako patungo sa engrande'ng hagdanan.

"Nakapag-usap na po kami pero mukhang hindi na po maayos sa ngayon, Manang Sonya. Galit po siya sa akin at kinakain siya ng konsensya niya. Gusto niyang isipin na lalaki talaga ako," paliwanag ko sa kaswal na boses.

I remembered. Daumier did not even turn to look at me. Nilabanan ko talaga ang maluha kanina bago lumabas nang walang paalam.

"Hayaan mo muna, hija. Maayos din 'yan. Kailangan niya lang ng oras, distansiya at panahon para makapag-isip," hinagod ni Manang Sonya ang likod ko habang sabay kaming naglakad pababa. "Ang lakas ng ulan at gumagabi na. Gusto mo ba'ng dumito muna? Ipapaayos ko 'yong dating tinutuluyan mo'ng guestroom? Tara at kumain ka muna ng hapunan. Nagugutom ka na siguro."

Agad akong umiling. "Uuwi na po ako, Manang Sonya. Baka ay nag-aalala na 'yon si Papa at Kaia sa akin."

Sa pagkakabanggit ko sa pangalan ni Papa ay natigil sa paglalakad si Manang Sonya. We were in the middle of the stairs now, I was one step ahead of her when I stopped on my tracks too.

I faced her, puzzled why she suddenly halted.

"Kaninang madaling araw, nakita ko iyong Papa mo kausap si Daumier sa dalampasigan bago sila pumalaot," ngumuso ito na tila ay hindi pa sigurado sa sinasabi o kung dapat niya ba'ng ipaalam sa akin iyon. "Hindi ko sinabi sa mga magulang ng bata na nakita ko itong lumabas para kausapin ang Papa mo. Ngayon ko lang din nasabi sa'yo dahil pakiramdam ko ay may karapatan ka namang malaman iyon."

Why would Daumier talk to my father? To ask for forgiveness of what he have done to me? Bakit hindi siya humingi ng tawad mismo sa akin kanina? Sure, he was angry at me, but guilty and sorry at the same time?

I raised my gaze at Manang Sonya. "Alam niyo po ba kung ano ang posible'ng pinag-uusapan nila?"

"Hindi ko alam, hija. Pasensya na pero naging abala ako roon sa paghahatid ng almusal nila," malungkot na tugon nito sa akin.

Nagtataka tuloy ako. Tatanungin ko na lang si Papa tungkol doon pagbalik ko sa bahay.

Kakababa lang namin ni Manang Sonya sa hagdan at naabutan naming naroon pa rin ang mag-asawang Cavanaugh. Si Madam Lauren ay pabalik-balik ang lakad sa harap ni Sir Augustus na nakaupo sa pahaba na sofa. Pinapanood ang kinikilos ng hindi mapakaling asawa.

Madam Lauren stopped from pacing back and forth when she caught sight of me.

She was just about to come near me, and probably ask things about how my conversation with their son went.

Hindi iyon natuloy nang isang pagtawag sa pangalan ko ang narinig namin sa may bukana ng tanggapan.

"K-Kalei!"

I turned to the voice and saw my sister, hurrying to come towards me.

She did not seem wet from the heavy rain outside. Kung tricycle lang iyong sinakyan niya patungo rito ay mababasa siya kahit may payong. Looking at her, she obviously doesn't appeared like she went through the harsh rain.

May sumunod ba sa kaniya na kotse?

Nalukot ang noo ko nang nakita ang maliit at munting alaga naming pagong. She was hugging Testudo tightly.

"Kaia? Bakit ka nandito? Nasa'n si Papa? Hindi ba't sinabi ko naman sa'yo na babalik din ako? Iniwan mo ba si Papa sa bahay?" sunod-sunod kong tanong nang tuluyan siyang nakalapit sa akin at mahigpit akong niyakap.

The Captain's Only Sea (Cavanaugh #4)Where stories live. Discover now