Chapter 39: A mystery

430K 13.8K 5.8K
                                    

Nate's POV

"Kung ano man 'yang pinag-iisipan mo huwag mo nang ituloy."

Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Mama at saka siya tiningnan. Hindi ko alam kung ako ba ang kausap nito o may ibang elemento siyang hindi ko nakikita.

"Kapag nag-iisip kang ganiyan medyo nakakatakot, anak."

"Wow. Thank you, Ma. Thank you talaga. Nakakatouch ka."

Natawa siya at inilapag ang magazine na hawak niya saka ako ginitgit sa sofa at niyakap.

"Anong problema?"

"Wala po."

"Sige. Ano na lang ang binabalak mong gawing problema?"

"Ma!"

Natawa na naman siya at bumitaw na. "Ano nga ang pinag-iisipan mo ng mabuti?"

Sandali akong natahimik at pinilit hanapan ng sagot ang tanong ko. Kaya lang kahit anong pilit kong paghahanap ng sagot, hindi ko magawa.

"Ano ang happiness para sa 'yo, Ma?"

"Kayo ang happiness ko. Ikaw pati 'yong Papa mo. Family natin. Pati grandparents mo at iba pang relatives. Pati sila Tita Yannie mo, Tita Sab, Tita Ayu at mga tito mo. Pati na rin 'yang mga kababata mo. Kayong lahat happiness ko. Mas nangingibabaw nga lang kayo ng Papa mo."

Hindi man lang siya huminto para mag-isip. Dirediretsyo lang siya sa pagsasalita. Halatang sigurado siya sa naging sagot niya. Alam na alam talaga niya.

"Paano 'yon? Paano mo po nalaman na ayon ang happiness mo? Paano mo po nalaman ang definition ng happiness?"

"Alam ko lang. Alam mo, Nate, maraming definition 'yang happiness. Pwedeng maiba rin 'yan as time goes by. Kung ano ang nakakapagpasaya sa 'yo ngayon, ayon ang definition sa 'yo ng happiness for now. Pwedeng maiba pa 'yan. Kung gusto mong malaman ang definition niyan, tingnan mo mamaya bago ka matulog."

"Ha? Paano po 'yon?"

"Kung ano ang pumasok sa isip mo mamaya at makapagpangiti sa 'yo, baka ayon ang nagpapasaya sa 'yo. Kung ano ang bagay na magpapaexcite sa 'yo para bumangon kinabukasan, baka ayon ang happiness mo."

Ganoon nga ba 'yon? Paano kapag wala akong naisip? Ibig sabihin walang nagpapasaya sa akin? Ibig sabihin hindi ako masaya? Ah! Bahala na. Ang simple ng buhay bakit ba ginagawa kong kumplikado?

"Phone mo nag-riring," turo ni Mama sa phone ko.

Bumungad ang pangalan ni Piper doon kaya sinagot ko.

"Nate! Are you free? Let's go somewhere."

"Saan?"

"Sa clubhouse. I'll call them after. Bring your guitar. Let's jam!"

Mukhang nasa mood 'tong si Pipes ha.

Ilang minuto lang ay nakarating na ako sa clubhouse. Nandoon na si Warren. Sumunod na dumating si Hailey tapos ay si Piper saka si Tamara. Hindi ko na tinanong kung nasaan si Hunter.

"Anong naisipan mo at nag-aya ka dito?" tanong ko kay Piper.

"I just want to hang out. Sige, uwi ka na lang kung ayaw mo," biro niya at saka nagbelat.

Ginulo ko ang buhok niya at saka siya inipit sa braso ko. Panay hampas naman siya sa akin dahil sa ginawa ko.

"Ano, no match ka sa muscles ko."

"Muscles? What? Where?"

"Aba – "

"Nah, stop talking. Anyway, let's just jam."

The Trouble with the RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon