Chapter 48: Weird people

379K 13.9K 8.8K
                                    

Warren's POV

Buong buhay ko parang ngayon lang ako naexcite pumasok sa school. Ganoon siguro talaga kapag nasuspend ka. First time 'to kaya ngayon ko lang nalaman.

Kaya lang sa sobrang pagka-excite ko, peste, nakalimutan kong mag-alarm kagabi.

"Ma, bakit hindi mo ko ginising?!" tanong ko pagbaba na pagbaba ko.

Petiks na petiks sila ni Papa samantalang ako nagmamadali na huwag lang ma-late.

"Kinakatok namin kwarto mo. Hindi ka naman sumasagot. Maaga-aga pa naman, kumain ka muna."

"Doon na lang po. Kapag na-late ako baka hindi ko pa makuha ID ko sa POD."

"Hindi ka ba sasabay?" tanong ni Papa na hanggang ngayon ay kumakain pa rin. Mukhang wala pa siyang balak umalis sa pwesto niya kaya umiling na ako. "Ingat!"

Nagpaalam na ako sa kanilang dalawa at tumakbo palabas ng bahay. Nakahinga ako ng maluwag nang makita sila Nate at Piper na nasa may labas ng bahay nila Nate. Ayos 'to! Kung malate man ako, hindi lang ako mapapagalitan. Tatlo kami.

"Sino hinihintay niyo?" Nagulat silang dalawa sa biglaang pagsulpot ko. "Si Hailey?"

"Hindi. Si Papa. Sasabay kami sa kaniya pagpasok para mabilis. Hindi pa hassle. Sumabay ka na rin."

"Sasabay naman talaga ako. Si Hailey ba?"

Halos mapatalon ako nang biglang tinusok ni Piper ang tagiliran ko,"Yii. You're looking for her, ha. For your information, sabi ni Tita Sab, she went to school na kanina pa."

Sabagay. Anong oras na nga naman. Hindi naman madalas ma-late 'yon. Punctual 'yun.

Kung sweswertehin ka nga naman, hindi kami na-late at nakuha namin agad ang ID namin. May oras pa kami para tumambay at makipagkulitan. Pero bago 'yon ay dumaan muna kami sa canteen para bumili ng pagkain.

Pagpasok ko ng room, binati agad ako ng teammates ko at pinagtatapik sa likod at ginantihan ko naman sila.

Nang makita ko si Hailey na nakaupo sa pwesto niya at nagbabasa ng libro, agad akong umupo sa katabi niyang upuan na pagmamay-ari ni Piper saka ko siya inakbayan na mukhang ikinagulat niya. Dahil sa naging reaksyon niya, hindi ko napigilan na guluhin ang buhok niya.

"Hindi kita nakita kahapon, ha? Akala ko naman tuloy tuloy pag-aalaga mo sa 'kin," biro ko sa kaniya.

Si Nate naman ay ubo ng ubo kaya napatingin na kami sa kaniya ni Hailey. Tumingin din siya sa amin at ngumiti ng pagkalaki-laki, "Kati ng lalamunan ko. Baka ginagapangan na ng langgam sa loob."

Bigla namang siyang pinalo ni Piper ng bag kaya napakamot siya sa ulo niya at saka ulit kami nginitian, "Joke lang. Baka nahawa lang ako sa ubo mo, Warren. Ah. Teka. Hindi naman ako pwedeng mahawa. Hindi naman ako ang nag-alaga sa 'yo noong may sakit ka."

"Ha?"

"Hindi naman - " Hindi natuloy ni Nate ang sinasabi niya nang pinakain ni Piper sa kaniya 'yung hawak niyang sandwich.

"You're hungry, right? Ayan. You should eat."

Ang gulo ng mga 'to.

Nabalik ang atensyon ko kay Hailey nang tanggalin niya ang pagkakaakbay ko sa kaniya at saka ako nginitian, "Malapit na mag-start ang klase kaya pupunta na ako sa CR."

Ha? Parang.. magulo?

Nang matapos na ang morning class at mag-lunch na, sa halip na sumabay ako sa mga kagrupo ko na madalas ko namang ginagawa, kila Nate na lang ako sumabay. Dinudumog na 'yung side para sa mga lunch at mukhang patayan bago pa makarating sa harapan.

The Trouble with the RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon