More Info.

417K 10K 1K
                                    


Q: Anong title ng book 2?

A: The Relationship Code

Q: Kailan ipopost ang book 2?

A: (Edited) Completed na ang book 2. Kung hindi siya lumalabas kapag sini-search, check niyo na lang sa profile. Nasa works ko. :)

Q: Bakit mo binago ang title nito? Hindi ba Teen Clash 3?

A: Hindi ko siya binago. Tinanggalan ko lang. (Same lang ba 'yun? Hahaha.) Dati, kasama sa title ang words na "Teen Clash 3". Tinanggal ko lang 'yung words na 'yun kasi may ibang nagrereklamo na Teen Clash 3 ang title pero hindi sila Ice ang bida. Kaya para iwas questions and explanations, tinanggal ko na. Teen Clash New Generation na siya. (Though may mga nagtatanong pa rin kung bakit hindi sila Ice ang bida.)

Q: Inspired ba 'to sa First Day High?

A: Hindi. Inspired to sa The Breakfast Club. Ganda ng movie na 'yun. Makakarelate ang mga teens. :)

Q: Anong mangyayari sa book 2?

A: Papasok ang romance. (Ayan na ha.) Ilang years na rin ang lilipas.

Q: Nasaan na po sila *insert character's name from Teen Clash 1 and 2*?

A: Nasa bahay nila. Wala talaga sila dito kasi hindi nila story 'to. Hindi man magandang pakinggan/basahin, pero irrelevant sila sa TTWTR. :)

Q: Bakit ayaw niyo ipaalam kung sino nagpoportray sa kanila?

A: Hassle kasi 'yung ibang gumagawa ng account. ('Yung iba lang.) Iniiba kasi nila ang flow ng kwento at medyo nastrestress ako kasi ang daming nagrereklamo. (P.S. May mga gumagawa pa rin ng account pero kung sino lang ang friend ko, ayun lang ang official.)

Q: May side story ba si Zane?

A: Wala akong balak gumawa SA NGAYON. (Depende sa magulo kong isip kung magbago.)

Q: Anong theme song nila?

A: Thank You by Jason Chen

Q: Mapapublish din ba 'to as a book?

A: Yes, yes.

Q: Naging sila ba?

A: Malalaman mo sa book 2. ;)

Q: May bagong characters ba sa book 2?

A: Meron. Matutuwa ba kayo o hindi? Ewan ko. Hahaha.

Q: May POV ba magulang nila sa book 2?

A: WALA. Wala talaga. Hindi na kasi nila story 'yun. Ang bastos naman kung magkakaPOV sila. Aagawan pa nila ng eksena mga anak nila. Para silang nanghiram ng diary ng iba tapos nagsulat ng sariling entry nila.

Q: Pwedeng pakilista kung may mga kapatid sila?

A: Naguluhan ba kayo sa paglabas ni Zane? Hahaha. (May hint naman na sa mga naunang chapter kung sino siya. Hindi niyo lang napansin. :P ) Si Hailey at Nate only child. Si Piper may bunsong kapatid (Jarvis. Lumabas siya sa mga naunang chapters). Si Warren may kuya (Zane).

Q: Si Migs ba 'yung Migs na bata sa Wanted: Someone to Love?

A: Hindi. Kung siya 'yun, dapat mas matanda siya kila Warren. Kaya lang hindi eh. 3rd yr palang 'yung Migs na nandito. Nakalimutan ko lang na may napaggamitan na nga pala ako ng name na Migs kaya nagamit ko ulit. :) (P.S. Ang galing mo. Naalala mo pa 'yun. Hahaha.)

Q: Bakit ang slow ng pacing ng story? Bakit hindi nakafocus sa lovelife?

A: Nabagalan ka lang siguro kasi hinihintay mo 'yung romance part. Nilagay ko siya sa Teen Fiction at hindi sa Romance kasi wala akong balak magpakilig or manakit ng sobra. Nakafocus kasi ako sa friendship nila pati na rin sa angst nila sa buhay (which nararanasan ng most teenagers) pati na rin kung paano sila nag-grow as a person. Isa pa, bata pa naman sila. Sabi nga ni Ice, "Enjoy your youth."

Q: Anong pinopoint mo sa story?

A: Marami pero bibigyan kita ng iba. Like, una, wag mong ijudge ang isang tao base lang sa nakikita at naririnig mo sa kaniya. (Like what most of you did kay Piper, Hailey at Tamara. Pero napatawad na raw nila kayo. Lol.) Pangalawa, don't be afraid to be different. Huwag kang matakot humiwalay sa mga nakasanayan. Huwag ka rin matakot ipaglaban ang tingin mong tama. Pangatlo, when you're young, pakiramdam mo ang daming pressure ng life sa 'yo. Kung ayon ang nararamdaman mo, huwag kang mahiya lumapit sa mga kaibigan at pamilya mo. Huwag kang mahiya makipagcommunicate sa kanila.

'Yung ibang point ko, kayo na ang bahalang umalam. Kaya niyo 'yan. Fighting! ~

'Yung ibang questions na hindi nasagot, check niyo 'yung mismong comment niyo, doon ko rereplyan ang iba. 'Yung mga nasa in line comment lang ha. Mahirap kasi makita 'yung iba pa.

THANK YOU SO MUCH SA LAHAT NANG NAGBASA NG THE TROUBLE WITH THE RULE. THANK YOU NG SOBRA. :)

Love,
Ai/iDangs


The Trouble with the RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon