Chapter 60: Solution

379K 13K 7.9K
                                    


Warren's Point of View


Hinahanap ni Nate 'yung mga nakuhanan niya noong araw na may nakaaway si Hunter. Sabi nila doon daw kami magsisimula – sa pag-alam kung sino ang mga taong nandoon ng panahon na 'yun.

Hindi kami close ni Hunter. Hindi ko maalala kung ilang beses na kami nag-usap o kung nag-usap na nga ba kami. Sa totoo lang hindi ko rin siya gusto dati. Ayoko na kasama siya sa grupo. Siguro dahil 'yun dati kay Piper. Kasi naiinis ako na magkasama sila.

Kaya lang sa tuwing naaalala ko kung paano niya sinamahan ang mga kaibigan noong mga panahon na hindi ako sumasama sila kasi may grupo pa ako, nadadagdagan ang respeto ko sa kaniya. Kaya nandito ako ngayon at tinutulungan na makabalik siya sa Kingdom High.

Isa pa, hindi rin naman siya kasing sama ng akala ko. He's a good person.


"Ito. Ito," turo ni Nate sa camera niya. Ihinarap niya 'yun kay Hunter. "Dito 'yun 'di ba? Tingnan tingnan mo lang 'yan."


Kinuha ni Hunter ang camera at seryosong tiningnan ang mga litrato. Nakaabang sa kaniya sila Nate, Hailey at Tamara. Samantalang si Piper na kanina pa tahimik ay nagbabasa lang. Nahilig din 'tong si Piper sa pagbabasa. Kaya nagkakasundo sila lalo ngayon ni Hailey eh.


"Bakit hindi ka na lang sa inyo magbasa?" tanong ko sa kaniya pero hindi niya ako sinagot. "Ano ba kasi 'yan at mukhang kinakaadikan mo? Ihinto mo na 'yan. Magbasa ka na lang kapag nasa inyo ka na, huwag dito."


Pumikit siya at huminga ng malalim saka ibinaba ang libro, "Rule No. 1: Don't disturb a person when he or she is reading. Rule No. 2: Don't tell a reader to stop reading a book. You don't know our struggle. Rule No. 3: Don't tell a reader where to read. We'll read where and when we want."


"Sungit naman nito."

"Not really. I'm just giving you tips. Para when the time comes na you know... you and Hailey... alam mo na what to do."

"Anong you know? Hindi ko alam. At bakit napasok si Hailey sa usapan?"


Pumikit siya at huminga ng malalim saka hinawakan ulit ang libro, "I want to slap you with my book right now, but I won't because I don't want my book to get hurt."

Sinabi ko lang na hindi ko alam pero ang totoo alam ko talaga. Magbuhat nang sinabi niya sa akin na tanungin ko ang sarili ko kung bakit walang spark kapag magkasama kami kahit na ang tagal kong ginusto na masolo siya, parang naguluhan ako. Ang labo lang. Gustong gusto ko siyang makasama pero ng makasama ko na siya bigla na lang akong may hinahanap na ibang presensya. Presensya ng taong laging nasa tabi ko. 'Yung laging nandiyan kahit noong mga panahon na problema ako. At 'yung tao na hindi nahihirapan pagaanin ang loob ko.

Sa makatuwid kahit na si Piper ang kasama ko, si Hailey ang hinahanap hanap ko. Hindi kaya...

Naputol ang usapan namin ni Piper nang magsalita si Hunter. Nakita na niya 'yung mukha ng lalaki na sinasabi niya. It turns out na nasa grupo pala ng Nerd ang sinasabi ni Hunter at kilala siya ni Hailey. That's a pretty nice lead.


"Ngayong alam na natin kung sino 'yan... ano na?" tanong ni Nate.

"Kakausapin natin siya," sagot naman ni Hailey.

The Trouble with the RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon