Chapter 17: Fantastic Four

546K 15.8K 4K
                                    

Hailey's POV

"Ayos ha. Magkasama na ulit kayong dalawa."

Nagbitaw kami ni Piper at saka napatingin sa dalawang lalaking nakatayo sa gilid namin. Si Nate at Warren. Parehas naglalakihan ang ngiti nung dalawa. Siguro 'yung smile nila nagmimirror din naman sa smile namin ni Piper.

"Pasali," sabi ni Nate at saka sila lumapit sa aming dalawa ni Piper at yumakap.

"Ouch. Let go. Masikip. Go away."

"Ang saya mo na siguro ngayon, ano?" biro ni Nate kay Piper saka kinurot ang magkabilang pisngi nito.

Pinalo naman siya ni Piper at saka tiningnan ng masama, "You lied. Nag-effort pa man din ako to look for your wallet tapos hindi naman pala 'yun nawawala."

"Busted," bulong ni Warren sa isang tabi at mukhang nagpipigil ng tawa.

"I can explain."

Nang makita ang naging reaksyon ni Nate, parehas na kami ni Warren na nag-ihit ng tawa.

"Dapat lang."

"Suggestion niya 'yun," hila ni Nate kay Warren saka ito inakbayan.

"Hoy, huwag kang sinungaling. Ikaw nag-suggest nun nakisama lang ako."

"Ah! So kasama ka pala dito, Warren."

"Busted," panggagaya ni Nate sa sinabi ni Warren kanina. "Takbo!" sigaw niya saka sila naghabulang tatlo na parang mga bata.

Napangiti ako ng hindi ko namamalayan dahil sa ginagawa ngayon nung tatlo. Ganitong ganito rin kami noong bata. Masayang naghahabulan na parang walang mga pinoproblema. Nakakamiss talaga sila. Sobrang saya ko ngayon na hindi ko na sila kailangan pang tiisin ulit at pwede ko na sila ulit makasama at makatawanan.

Kung alam ko lang na ganito kasaya ang magiging kapalit ng paghingi ko ng tawad, sana noon ko pa 'to ginawa.

"Hailey! Tara na! Uuwi na tayo!" sigaw ni Piper nang matapos na silang maghabulan.

Napangiti ulit ako saka tumakbo papunta sa kanilang tatlo na nakatingin lang sa akin at naghihintay.

***

Bumaba kaming apat sa may supermarket sa labas ng subdivision. Plano namin na mag-sleepover kila Piper para manuod ng movies. Matagal na rin kasi naming hindi nagagawa 'yun kaya naisipan bigla nilang magkaayaan. Kaya ngayon ay bibili kami ng mga pagkain para mamaya.

"My gosh, I missed this. For the past years kami lang ni Nate 'yung nanunuod. And now kasama na ulit kayong dalawa," excited na kwento ni Piper.

"Oo nga ang dami ko na tuloy hindi napanuod na films niyan kasi wala akong kasama. Ang boring kaya manuod mag-isa."

"So I guess mas mapapadalas ang panunuod natin ng movies ngayon?"

"Dapat lang. Para mapanuod ko na 'yung lahat ng napanuod niyo ni Nate. Ang dami kaya nun."

Napatigil kami sa pag-uusap ni Piper nang mapahinto siya dahil nabunggo siya sa likod ni Warren.

"Si Tamara ba 'yun?" turo niya sa babaeng nasa may kabilang kalsada.

"Is she from here?"

"Parang hindi naman. Tara na nga."

"Sigawan mo. Tawagin mo."

Sumunod naman si Warren sa utos ni Piper, "Tamara!" sigaw niya saka ito kinawayan.

Ginaya namin ang ginawa ni Warren. Itinaas lang ni Tamara ang kamay niya sa amin at tumango saka na siya sumakay sa jeep na nagdaan.

The Trouble with the RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon