Chapter 43: Pikon

378K 12.8K 5.4K
                                    

Hailey's POV

Sinugod ko si Nate sa bahay nila para magpasamang kumain. Game naman siya kaya isang ayaan lang nakaalis agad kami.

"Libre mo 'to, ha."

Napapairap na lang talaga ako dito kay Nate. Ang yayaman yaman naman niya. Hindi naman siya nauubusan ng pera. Kaya lang di ko gets kung bakit sobrang kuripot niya. Wala namang kuripot sa pamilya nila.

"Kalalaking tao nagpapalibre."

"Nananahimik kasi ako sa amin tapos bigla kang mag-aaya."

"Sige, umuwi ka na."

"Sige. Ingat ka na lang," sagot naman niya.

Magpapakipot lang 'tong lalaking 'to. Babalik 'to for sure. In 3, 2, 1..

"Hindi mo ba ako pipigilan? Pilitin mo kaya akong samahan ka?"

Hindi ko talaga alam kung maiirita ako o matatawa sa lalaking 'to?

"Arte mo, Nate."

"Iisipin ko na lang na walang nangyari. Tara na."

Baliw talaga.

Nagpunta kami sa resto ng bestfriend ng tita ni Nate. Favorite ko talaga ang mga pasta nila dito. Saktong sakto sa cravings ko.

Pumwesto kami sa isang table at naghintay ng lalapit para kuhanin ang order namin.

"Tammy!" sigaw ni Nate kaya napatingin sa amin ang ibang customers.

Sinipa ko ang paa niya at tiningnan ng masama, "Wow, Nate. Hindi nahihiya? Sisigaw lang talaga sa public place? Tubuan ka naman ng hiya. Please lang."

"Sorry naman," sarkastikong sagot niya. "Dito pala nagtratrabaho si Tammy?"

"Ha? Sinong Tammy?"

"Tamara," nakangiti niyang sagot na para bang sobrang naaaliw.

Since when nagkaroon ng nickname si Tamara? Pauso talaga 'tong si Nate. Lahat na lang binigyan ng nickname. Hails, Pipes, Guevarra. Tapos Tammy naman ngayon.

"What's up with you and giving nicknames? Si Warren na lang ang hindi mo binibigyan ng nickname, ha."

"Sinubukan ko na. Triny ko ang Evans kaya lang minsan si Tito Xander ang humaharap. Kaya iniba ko. Ginawa kong Wars kaya lang minsan kapag tinatawag ko siya tapos naririnig ng ibang tao ang sama ng tingin sa akin ng ibang tao. Akala ata naghahamon ako ng gera."

Oh, so that's explain it. Gets ko na kung bakit wala si Warren.

"Okay, fine. Kumain na lang tayo kasi seryoso gutom na ko."

Hinintay namin na may lumapit at kumuha ng order namin. Saktong si Tamara naman ang  kumuha.

Tinanong namin siya kung gaano na siya katagal dito. Ito kasing babaeng 'to kapag hindi mo tinanong, hindi magsasalita.

One week na rin pala siyang nagtratrabaho at si Piper ang tumulong sa kaniya sa pag-aayos. Malakas kasi ang charm ni Piper kaya madali niyang maipapasok si Tamara dito. Magaling din kasi ang persuasive skill niya. Bagay talaga sa kaniya ang pangalan niya. Parang siya 'yong anak ni Aphrodite na demigod.

"Thanks, Tammy," pahabol ni Nate nang makuha na ni Tamara ang orders namin.

"Kadiri. Huwag mo kong tawagin niyan," inis na sagot ni Tamara sa kaniya.

"Sungit mo naman. Reklamo kita kay Tita Marga, eh. Respect the customers," lalong pang-iinis pa nitong isa.

"Respect my name. Respect begets respect. Bwisit 'to. Makalayas na nga," irap sa kaniya ni Tamara.

The Trouble with the RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon