PROLOGUE

1.9K 23 2
                                    


_________________________

Warning!!! Matured Content!🔞

"Sino ang may sabing gumamit ka nito?!" Hinablot ko ang vape na hawak ni Zashi at ibinato iyon sa pader. Hindi ko mapigilan ang inis ko at bakas sa mukha ni Zashi ang pagkagulat.

Matagal ko na siyang binawal sa paggamit nito dahil makakasama iyon sa kalusugan niya! Tumigil naman siya pero hindi ko alam na mayroon pa siyang ganito.

I brushed my hair in frustration. I blew out a loud breath and try to calm myself pero mas lalong uminit ang ulo ko nang isuot niya ang headphone niya at tumayo.

"Where are you going?! I'm talking to you——"
Hinawakan ko siya sa braso para pigilan siya. Dahil sa inis ko hindi sinasadyang bahagyang bumaon ang kuko ko sa braso niya.

Kaagad kong binitawan ang braso niya kung saan nagmarka ang pagkakabaon ng kuko ko. Hindi siya gumalaw sa kinatatayuan niya dahilan para pumunta ako sa harapan niya.

The guilt filled me when I saw her crying silently.
I was about to hug her nang umatras siya palayo sa akin.

"Ate, I need some space. Please! Don't follow me." Naiwan akong nakatingin lang sa kaniyang naglalakad papalayo.

Hindi ko alam kung bakit siya ganito. Parang kaninang umaga lang ay maayos pa kami. Bumalik ako sa bahay at pag-dating ko ay narito parin si Elmo.

I simply wipe my tears and fix myself.

Inaya ko ito sa loob para doon kami mag-usap.
"May nakalimutan ka?" I sat in the single couch in front of him and put my phone on the table.

"Ahm...Celeste, I forgot to ask you and give this to you." Kinuha nito ang isang maliit na green box. Handa na akong tanggihan ang necklace na hawak niya pero naunahan niya akong mag-salita.

"Please, accept this. I bought this just for you and I'm not expecting anything in return." Hinayaan ko siyang isuot iyon. Napangiwi ako ng biglang tumunog ng malakas ang speaker. Galing ang tunog na yon sa kwarto ni Zashi at siguradong naka-todo ang volume ng speaker.

Sinabihan ko si Elmo na 'wag nalang pansinin.
"Oh, you said you have something to ask?"

"Are you free tomorrow?" Napa-isip ako dahil sa sinabi niya. Wala naman akong meeting for tomorrow.

"Anong oras?"

"9 am."

"Ahhh, why are you asking pala?"

"May binili kasi ako na ticket for cinema. Remember yung hinihintay mo na film?" Ipinakita niya sakin ang ticket. Peke akong napangiti ng makita kung ano ang movie na iyon. Comedy ang genre ng movie pero horror yung hinihintay ko. Itinuro ko sa kaniya iyon noong last time na nag-date kami.

Nag-dalawang isip ako kung papayag ako o hindi but I end up saying yes to him after he persuade me.
Sa tingin ko ay kailangan ko din ng mapag-lilibangan.

Ihinatid ko na siya sa gate. Huminto ako nang huminto siya. Hiniwakan niya ang kamay ko at gusto kong tanggalin iyon lalo na ng halikan niya ang likod ng palad ko.

"Hindi ako mag-sasawa na ligawan ka. I'll wait for you 'til the day that you're ready." I smiled at him and pulled back my hand.

"Umm...mag-ingat ka sa pag-uwi." Akala ko ay tatalikod na siya para sa sumakay sa kotse pero nagulat ako dahil papalapit ng papalapit ang mukha niya sa mukha ko.

I thought he will kiss me but he just whispered something that gives me a goosebumps.

"I love you!" Umatras ako at pareho kaming napalingon ng may bumagsak na dalawang magkasunod na vase galing sa balcony kung saan naroon si Zashi na may kausap sa phone niya.

"Sumakay ka na baka gabihin ka pa. Delikado sa daan mag-iingat ka." Nginitian ko ito bago isara ang gate at umakyat sa taas.

Naabutan ko si Zashi sa balcony na may kausap parin.

"Sa Hyme Bar? I'll be there in twenty minutes. Nandyan ba si Nicole?" Si Nicole ang bestfriend niya na kung makayakap sa kaniya ay parang wala ng bukas.

Hinablot ko ang phone niya dahil sa inis. Napakunot ang noo nito at bakas ang inis sa mukha niya.

"Walang aalis!" Tinalikuran ko siya dala ang phone niya. Hindi pa ako nakakalayo ng sigawan niya ako.

"Ate, you have no right to do this to me!" Hindi ko nalang iyon pinansin at dumiretso na sa kwarto ko.

I heard a sound coming from my laptop. Nag-suot ako ng bathrobe at nilagyan ng tuwalya ang buhok ko saka tinignan kung sino ang tumatawag.

Lil bro is calling…

Kaagad kong sinagot iyon.

"Geno, I'll put my clothes on first. Huwag mong patayin!" Geno is my half brother and he's in the US with his family. Binilisan ko nalang ang pagbibihis. Minsan lang kasi kami mag-usap.

"How are you?" sambit ko ng makabalik ako sa harap ng laptop.

"I'm fine, how about you?"

"Ganon din. Napatawag ka, do you need something?" Sa US na ito lumaki at hindi masyadong nakakaintindi ng tagalog.

"I do. Remember the filipina girl that I've told you before?"

"Yes, what about her?"

Nag-kwento ito tungkol sa babae na lagi niyang pinupuntahan sa cafe. Hindi ko namalayan ang oras dahil napasarap ang kwentuhan namin. Nang tignan ko ang wrist watch ko ay 7:30 pm na.

Sh*t! I forgot to cook for dinner!

Nagpaalam agad ako kay Geno at nagmadaling bumaba. Inumpisahan ko agad na mag-luto dahil nahiwa ko naman na ang mga sangkap. Habang hinihintay ko itong maluto ay hinanap ko si Zashi.

I knocked on her room and scream her name pero walang sumasagot. Kinuha ko ang spare key at binuksan ang kwarto niya. Hindi naman talaga ganito si Zashi kaya hind ko ito maintindihan.

Hinanap ko siya sa loob pati sa cr pero wala siya doon. Inikot ko pa ang buong bahay, lumabas pa ako sa garden. Babalik na sana ako sa loob ng mag-vibrate ang phone niya na nasa bulsa ko dahil ibabalik ko na sana.

I know her password and she knows mine 'coz I'm treating her as a real sister.

Binuksan ko iyon at nagulat ako sa nakita.

It was a video that was sent from her friend! Nasa bar sila ngayon at mas lalo akong nagulat dahil sa nakita ko dahilan para mabitawan ko ang phone ni Zashi.

Nicole was kissing her torridly! Nakaupo pa ito paharap sa kaniya and she looks so drunk! I've never seen her kissing a woman, is she bisexual or lesbian? I thought I knew her that much.

Kaagad kong kinuha ang susi para sana pumunta sa Hyme bar at sunduin si Zashi pero nang buksan ko ang pinto ay nakarinig ako ng sunod sunod na tunog galing sa doorbell.

Tinakbo ko ang gate at nagmamadaling binuksan ang pinto ng makita ko si Zashi na lasing na lasing habang inaalalayan nila Paula.

"Ni-nicole sh-shtop k-kishing me! I h-have sha-shamwan I l-like!" Tinulungan ko na silang alalayan si Zashi paakyat sa taas. Ako narin ang nag-asikaso sa kaniya dahil kailangan ng umuwi nila Paula.

Tinanggal ko ang mga saplot niya para punasan ang buong katawan niya. Hindi naman ako naiilang na gawin iyon dahil minsan narin kaming nag-sabay maligo. Mabilis ko siyang binihisan at pagkatapos ay iniligpit ko na ang mga ginamit ko.

Aalis na sana ako ng marinig ko siyang mag-salita.

"Ate, I hate t-this. This m-makes me w-want to s-stay a-wa-way f-from y-you."

Hindi ko alam kung bakit niya nasabi iyon. But all I know is she's in pain. She's in pain because of me!

I'm sorry...I'm really sorry.

Buong gabi akong hindi nakatulog dahil sa sinabi ni Zashi.

MY UNBIOLOGICAL SISTER (G×G) Where stories live. Discover now