CHAPTER 24

290 17 1
                                    

Celeste's POV

"Ate tingin mo ba ganon lang si Zash sayo napaka-sweet niya tapos alagang-alaga ka niya? Halos lahat gagawin niya para sayo. Tingin mo ba talaga kapatid lang ang turing niya sa'yo." napa-isip ako sa sinabi niya. Pero pwede naman diba?

"Yes?" napapikit si Pau ng sabihin ko 'yon. Si Nicole naman ay nagpipigil ng tawa. Ako dapat ang nauubusan ng pasensya sa kaniya. Hay naku!

"Kaya pala hindi mo masyadong napapansin. Tingin mo ate kapag ang isang tao nanghalik ng walang dahilan anong ibig sabihin no'n?"

"Trip niya lang?" hindi siguradong sagot ko.

"Ate gusto mo ba bumili ka nalang ng kausap?"

"Eh ano nga kasi!" naiinis na rin ako. Seryoso niyang inilagay ang mga kamay niya sa table. Mukhang totoo na 'to.

"Ate hindi ko dapat sinasabi 'to sayo pero...si Zash hindi siya basta basta nangyayakap lang ng walang dahilan kagaya ng ginagawa niya sayo. Kapatid na din yung turing niya samin pero never niyang ginawa 'yan. Isa pa yung pag-halik halik niya sayo. Hindi niya basta basta gagawin yan kung ate lang yung turing niya sayo, malaki ang respeto ni Zash."

Hinawakan ni Pau ang kamay ko.

"Ate wala ako sa posisyon para sabihin 'to. Pero hindi matatapos 'to hanggat hindi mo alam kung bakit ganyan si Zashi."

"Anong ibig mong sabihin?"

"She loves you. Hindi lang bilang kaibigan o kapatid."

"Huh?! Huwag mo akong biruin diyan ipupukpok ko talaga sayo 'tong baso."

"Ate seryoso ako. Sa tingin mo bakit ganon si Zash? Kapag may nanliligaw sayo halos ipag-tabuyan niya sa bahay niyo. Kay Elmo, hindi mo siya maintindihan dahil biglang nagbabago yung mood niya. Kay Tristan, bakit niya gagawin 'yon kung wala lang? Yung parang gusto niyang pumatay ng tao. Kasi hindi lang yon 'wala lang' , nagagawa niya 'yon dahil nagseselos siya."

Napa-isip ako dahil sa sinabi ni Pau. May point siya sa mga sinabi niya. Hindi ako hahalikan ni Zashi kung wala lang. Kaya ba ganito siya dati? Sinasabi niya sakin lahat ng problema niya pero pag-dating sa bagay na 'yon, hindi niya masabi.

Naguguluhan ako pero sa kabilang banda parang siguradong sigurado si Pau.

"Pau hindi ko alam kung paano mo 'yan nasasabi. Pero ang hirap maniwala kung hindi galing kay Zashi." Binitawan niya ang kamay ko. Tatayo na sana 'ko para umalis dahil naiinis ako. Kailangan ko ng tulong, hindi ng biro. Hinawakan ako ni Pau sa braso para pigilang umalis.

"Ate. Alam kong masyado na kong nakikielam. Pero ayokong nahihirapan kayong dalawa." binuksan niya ang phone niya at inilapat iyon sa table.

"Wala akong karapatan na pangunahan yung nararamdaman ni Zash. Pero nakikita ko din na hirap na siya. Pinipigil siya ng mga bagay na gumugulo sa kaniya. At tanging ikaw lang ang makakatanggal no'n."

Pinanood ko ang video na kuha sa kotse ni Pau. Ito yung gabing lasing na lasing na ini-uwi niya si Zashi. Pero dito sa video hindi pa siya lasing.

"A-ate m-mahal na ma-mahal k-kita. B-bakit hindi mo y-on maramdaman?!" paulit-ulit na hinahampas ni Zashi ang bintana ng kotse na parang doon niya binubuhos ang sakit nararamdaman niya.

"Zash keep quiet hindi ako makapag-maneho ng maayos."

"Pau. Nagseselos ako Pau! Nasasaktan ako...ang sakit sakit na Pau! Gusto ko ng lumayo kay A-ate. Ayoko ng ganitong pakiramdam. Alam kong kahit anong gawin ko hindi niya mararamdaman ang nararamdaman ko dahil pareho kaming b-babae! " hininto ni Pau ang kotse saka niya niyakap si Zashi na humagulgol.

Pinunasan ko ang luha ko. Nasasaktan din ako. Bakit hindi niya sinabi? Maiintindihan ko naman.

Nanginginig ang kamay kong ibinaba ang phone niya.

"Kelan pa?" pinunasan ko ang luha na dumadaloy sa mata ko. Ito pala yung ibig niyang sabihin na gusto niyang lumayo.

"Ate, si Zash lang ang makakasagot niyan. Bukod pa do'n bakit hindi mo tanungin yung sarili mo? The way you look at Zash. Yung matatalim mong tingin kapag may ibang tao na sobrang sweet sa kaniya at alam mong iba yung meaning no'n. Kagaya ni Nicole at Zoe. Nakikita ko sa mga mata mo, Ate. Hindi yan yung tingin na gusto mo lang pangaralan o gabayan si Zash. Kasi yung tingin na 'yan ay parang ayaw mong may lumalapit sa kaniya. Ayaw mong may humahalik sa kaniya. Ayaw mong may humahawak sa kaniya at iba pang bagay na alam mo sa sarili mong hindi lang dahil bilang kapatid mo siya. Yung ngiti mo pag nakikita mo siyang nakangiti. At isa pa muntik ng may mangyari sa inyo. Hindi ka magpa-paubaya kung kapatid lang din ang tingin mo sa kaniya."

Pau has a point at oo, tama ang sinasabi niya. Gusto kong lumayo siya kay Zoe at Nicole. Kasi kagaya ni Zashi, nag-seselos din ako. Alam ko yun sa sarili ko but I kept on saying na baka dahil lang 'yon sa kapatid ko siya. Nasasaktan ako kapag nakikita ko na ang sweet sweet nila. May pagka-inosente din ako sa ganitong bagay dahil never ko pang naramdaman sa iba.

I've never felt this unknown feeling. Pero tama ba 'to? Am I inlove with my sister?

Hindi ako pwedeng mag-padalos dalos. Seryosong bagay na ang pinag-uusapan namin. Tumayo ako dahil hindi ko na kaya ang mga naririnig ko kay Pau. Madaling sabihin pero hindi ko alam.

Ang gulo! Sa sobrang gulo anytime parang sasabog ako. Bago ako tumalikod ay tumatak sa isip ko ang sinabi ni Pau.

"Ate hindi mahirap mahalin si Zoe. Sa pag-aalaga palang niya kay Zash. Hindi malabong mahulog si Zash sa kaniya. At sana kapag napag-tanto mo na tama ako ay hindi pa huli ang lahat."

Umalis na ako do'n. Ilang araw akong wala sa sarili. Pumapasok lang ako pero lumulutang ang isip ko.

'She loves you. Hindi malabong mahulog siya kay Zoe'

Bumalik lang ako sa huwisyo ng kalabitin ako ni Fhey.

"Celeste you seem bothered." ani nito pero ayokong sabihin sa kahit na sino kung ano man ang tumatakbo sa isip ko. Masyadong komplikado, tama na yung mga sinabi ni Pau.

"Ahh wala may naalala lang." palusot ko.

"Are you sure?" tumango ako at iniwan na ako ni Fhey.

Iniisip ko kung kakausapin ko ba si Zashi. Pero tama si Pau, may pumipigil sa kaniya at kailangan ko munang malaman ang bagay na 'yon.

I don't know what to do basta ang alam ko lang ay ayokong mawala si Zashi.

Lumilipad ang isip ko kaya umuwi muna 'ko sa condo nang maisipan kong uminom. Alam kong hindi masosolusyunan nito ang problema ko. Pero gusto ko munang makalimot. Hindi pa ako lasing, nakadalawang baso lang ako. Hindi ako madaling malasing.

Pero imbis na makalimot ako. Natagpuan ko ang sarili ko sa harap ng bahay ni Zashi.

TBC...

MY UNBIOLOGICAL SISTER (G×G) Where stories live. Discover now