CHAPTER 6

323 14 1
                                    


Paula's POV

I never thought na magkakaroon ako ng mayaman na kaibigan. Namangha ako sa unang pagtungtong ko sa mansion nila.

Pero bakit nag-tiis pa siya doon sa bahay ng Ate niya?

Nasagot lahat ng tanong ko matapos namin mabalitaan ang nangyari kay Ate Celeste. Akala ko ay aalis lang siya ng huli siyang tumawag sakin.

Napakalaki na ng pinag-bago ng kaibigan ko. Napapabayaan na niya ang sarili niya at ginugugol ang lahat ng oras sa pag-aaral.

One and a half years ago since I met her at the Skyvard University. Napaka-cold niyang tao at hindi siya nakikipag-usap sa kahit na sino. At ngayon ay parang bumalik kami sa panahon na 'yon pagkatapos mamatay ni Ate Celeste.

Napakadalang niya na akong kausapin. Kung hindi sa pag-aaral ay nakatuon ang atensyon niya sa pag-inom ng alak. Isang buwan narin mula ng mangyari ang trahedyang iyon.

Hindi na kami lumalabas na mag-barkada. Binibisita nalang namin siya sa bahay niya, kung saan ang mga kasama niya lang ay ang mga kasambahay at ang tinuturing niyang pangalawang ina.

She decided na mag-aral sa ibang bansa and we only have five days para makasama siya. Mas mabilis daw kasi siyang makaka-graduate doon. Magkakaroon siya ng special class at 4 months lang ay makaka-graduate na siya. Palagi niyang sinasabi na wala siyang interest sa mana na matatanggap niya mula sa Lolo niya pero ngayon halos isubsob na niya ang sarili niya sa pag-aaral.

Nandito kami ngayon sa bahay niya. Katulad ng palagi niyang ginagawa ay nasa balcony siya habang hawak ang phone niya at umaaktong may kausap.

"Ate alam mo nakatulog ako kagabi habang nagbabasa. Puro makakapal na libro ang binabasa ko dahil gusto ko na talagang makapag-tapos." ani nito habang hawak ang phone niya. Tumatawa itong mag-isa na para bang ang saya saya niya.

Madalas siyang ganito na kinakausap ang sarili niya. Hindi namin siya masisi dahil alam naming nahihirapan siya. Kapag kakain kami ng sabay ay palagi niyang tinatanong kung si Ate Celeste ba ang nag-luto no'n. Oo, ang laging sagot namin dahil bigla siyang nagwawala.

"Paula bakit hindi ka sumama sa kaniya at doon nalang din kayo mag-aral para naman may kasama siya?" tanong sa akin ni Manang Yen.

"Naku! Manang mahal po ang tuition doon panigurado. Dito pa nga lang po hirap na hirap na kami."

"Pwede kong kausapin ang abogado na nangangalaga sa kaniya. Total naman eh ang hinihintay lang nila ay matapos siya ng kolehiyo bago basahin ang will ni Sir Federico."

"Nakakahiya po."

"Ako ang mag-babayad ng lahat ng kailangan mo. Mag-paalam ka na kila Tita." nagulat ako sa biglang pag-sulpot ni Zash sa likod ko. Malamig pa ang boses niya sa yelo.

"Naku 'wag na nakakahiya."

"Please!" napalitan ng malambot na expression ang mukha niya. Ganito siya kapag may gusto siyang makuha.

Wala na akong choice kundi pumayag. Kakausapin ko nalang ang parents ko pag-uwi ko mamaya.

Sumunod ako kay Zash paakyat sa kwarto niya. Palagi ko siyang binabantayan dahil baka kung anong maisip niyang gawin.

-

Kinuha niya ang jacket na binigay sa kaniya ni Ate at isinuot iyon. Kumuha siya ng litrato at isinend iyon sa group chat namin.

"Look! Binigay sakin ni Ate kahapon. Bagay na bagay daw sakin ang puti dahil sa kutis ko." Hindi ko na mabilang kung ilang beses niya sinabi iyon sa gc. Sumasang-ayon nalang kami na mga kaibigan niya.

Ang huling sinabi niya sa amin bago siya magka-ganito ay sana man lang daw nasabi niya sa Ate niya ang totoong nararamdaman niya. Na hindi lang basta bilang kapatid dahil gusto din niya ito bilang babae ngunit huli na.

Nag-paalam na 'ko kay Manang Yen dahil kailangan ko ng umuwi. Nasa sasakyan na ako dahil ihahatid ako ng driver niyang ng makita kong tumatakbo si Zash papunta sa akin.

"Sama ako!" paiba iba ang ugali niya minsan ay para siyang bata.

Sinama ko siya pauwi at doon ko narin siya patutulugin sa amin. Nang makarating kami ay tumitingin tingin siya sa paligid.

"Bakit?"

"Baka kasi hanapin ako ni Ate. Pinag-paalam mo naman ako diba?"

"O-oo." Nahihirapan ako sa nakikita ko. Nasasaktan ako dahil nagkakaganito ang kaibigan ko. Pero isa lang ang tanging magagawa ko para sa kanya, yun ay ang manatili sa tabi niya hanggang sa maging maayos siya.

Nang makapasok kami sa loob ay sinalubong kami ni Mama at Papa. Niyakap niya si Mama.

"Mama na-miss ko po kayo."

"Na-miss din kita Zashini. Halina at kumain na tayo ng hapunan."

Habang kumakain kami ay si Zash ang nag-salita tungkol sa balak ko na pag-sama sa kaniya sa ibang bansa.

"Mama pwede po ba akong samahan ni Pau? Nakakalungkot po kasi mag-aral kung walang kasama na kakilala." napatingin sa akin sa Mama at nagtatanong ang mga mata niya.

"4 months lang naman Ma. Mas mapapabilis din ang pag-aaral ko."

"Huwag po kayong mag-alala Mama. Ako na po ang mag-babayad ng mga gagastusin ni Pau." tuumango naman si Mama bilang sang-ayon.

"Basta mag-iingat kayo dun."

Tabi kaming natulog ni Zash. Nakayakap siya sa akin at kinakausap niya ako pero hindi Pau ang tawag niya sakin ngayon.

"Ate, gusto ko araw araw kitang katabi. Ang bango mo kasi tapos mas soft ka pa sa unan."

"Sleep na." Kinantahan ko siya habang nakaunan siya sa braso ko. Sinuklay ko ang buhok niya gamit ang kamay ko. Pagkatapos ng ilang minuto ay nakatulog na din siya.

Pipikit na sana ako ng tumunog ang phone ko. Kinuha ko iyon at sinagot ang tawag ng hindi tinitignan ang caller ID.

"Hello?"

"Paula! Si Ate Celeste 'to...kailangan ko ng—ano ba akina yan!" Namilog ang mata ko. Biglang  namatay ang tawag. Kaagad kong tinignan ang number na 'yon pero hindi 'yon naka-save sa contacts ko.

Nakaramdam ako ng kaba dahil kilala ko ang boses ni Ate! Pero paano?

Hindi ako nakatulog sa kakaisip sa nangyari kagabi. Hindi ko pwedeng sabihin kay Zash iyon dahil sigurado akong mas lalala ang sitwasyon niya.

Sinabi ko iyon kay Ate Fhey at ang tanging sagot niya lang sa akin ay kailangan muna na makagraduate si Zash. Kailangan namin ng kakayahan para malaman ang tunay na nangyari.

Pero paano kung buhay si Ate at nasa peligro ang buhay niya ngayon?!

Parang sasabog ang utak ko dahil sa dami kong iniisip. Hanggang sa makaalis kami ng bansa ay hindi ko parin alam ang gagawin ko.

TBC...

MY UNBIOLOGICAL SISTER (G×G) Where stories live. Discover now