CHAPTER 5

341 17 0
                                    

Zashi's POV

Nandito ako ngayon sa harap ng bahay ng mga Cruz kung saan nakaburol si Ate. Hindi ko magawang pumasok sa loob. Kasama ko si Paula at ang mga body guard ko.

"Zash, kailangan mong pumasok sa loob." ani ni Paula. Hindi ako sumagot dahil wala akong ganang makipag-usap sa kahit na sino.
Nakatayo lang ako sasakyan habang nakatingin sa mga dumadating.

"Anong ginagawa mo dito?!" rinig kong sigaw ni Mrs. Cruz pero hindi ko ito pinansin. "Ikaw ang dahilan kung bakit namatay ang anak ko! Salot ka!" Hinarang siya ng mga body guard ko. Hindi ko siya pinansin at tumitingin parin sa mga dumadating. Baka biglang lumitaw si Ate at sabihin na hindi siya ang naroon.

"Ma'am, huminahon po kayo. Nandito po kami para makiramay. Wala po kaming balak na manggulo." akmang lalapit si Paula ng buhusan siya ng tubig ni Mrs. Cruz na i-kinakulo ng dugo ko.

Sa galit ko ay tinulak ko siya. "Wala kang karapatan na saktan ang mga taong mahal ko! Bakit ngayon ka gumaganyan eh nung nabubuhay si Ate wala ka ngang pakielam sa nararamdaman niya! Wala kang kwenta!" Dinuro duro ko siya bago ako hilahin ni Paula at papasukin sa kotse.

"Lumayas kayo dito mga salot!" Nakita ko ang mga tao na naglalabasan.

"Babalik ako at sisigurdauhin kong mag-durusa ka! Ibabalik ko sayo lahat ng ginawa mo kay Ate!" I look at the crowd flatly. "Lahat ng nanakit kay Ate, kahit gaano pa kaliit ang ginawa niyo. Sisiguraduhin kong gagapang kayo sa lusak!" Tuluyan ng sinara Paula ang pinto at pinaandar ang sasakyan.

Hinilot ko ang sentido ko dahil nararamdaman ko ang pagka-hilo. Nakatingin lang ako sa bintana sa buong biyahe. Nang mapadaan kami sa bahay namin ni Ate ay puno na ito ng abo. Wala na ang kotse niya doon, siguradong napunta na iyon sa pamilya niya.

Naalala ko kung paano kami mag-kulitan. Kung paano niya ako pagalitan. Kung paano niya ako yakapin at halikan sa pisngi ko. Kung paano kami mag-tabing matulog at pag hindi kami makatulog ay nag-hahampasan  kami ng unan o di kaya'y manonood ng horror movie dahil pareho namin gusto ang may thrill. Kung paano niya ako asikasuhin at i-paghanda ng pag-kain. Kung paano niya ako pagalitan kapag makalat ang kwarto ko at minsan pa ay pabiro niya akong hinahampas ng walis kapag inuutusan niya akong mag-linis. Kung paano kami mag-tulong sa pagluluto hanggang sa pag-ligpit ng mga plato.

--

Naramdaman ko na naman ang luha na kanina ko pa pinipigil. Pinipilit kong magpaka-tatag dahil sa mga bilin niya sa akin. At dahil sa panaginip na 'yon. Paulit ulit kong tinatanong kung dito na ba talaga mag-tatapos. Pero hindi, kailangan kong malaman ang tunay na nangyari. Kailangan kong gumanti sa mga taong umapi sa kaniya.

"Stop the car!!" mabilis akong bumaba kahit na tinatawag ako ni Paula.

Hindi ako pwedeng magka-mali. Nakita ko si Ate na nakatayo sa gate!

"Ate!" Tawag ko sa kaniya pero hindi niya ako nililingon. "Ate!" Nang lapitan ko siya ay bigla siyang nawala.

"Pau si Ate! Nakita ko si Ate." nakatingin lang sakin si Paula. Nakita ko siyang tumingala at hindi rin nakatakas ang luha sa mata niya.

"Zash...you're hallucinating." napa-upo ako sa sahig dahil sa sinabi niya.

"No...Pau nakita ko siya. Buhay si Ate. Buhay siya!"

"Zashini." Napalingon ako sa tumawag sa akin. Hindi ko siya masyadong maaninag dahil malabo ang paningin ko. "Zashini nakikiramay ako."

"A-ate F-fhey...si Ate." niyakap ako ni Ate Fhey, ang kaisa-isang kaibigan ni Ate. Siya din ang secretary ni Ate.

"Zashini. Celeste is gone, we have to accept it. Sigurado akong hindi siya matutuwa kung nasaan man siya hanggat nakikita ka niyang ganyan." iginiya ako ni Ate Fhey patayo. Dinala niya ako sa lugar kung saan nila ako unang nakilala ni Ate.

Ito yung rooftop sa tapat ng comapny ni Ate. Dito ko muntik tapusin ang buhay ko nang mamatay ang family ko. Malinaw parin sa akin ang alaala na 'yon.

"God, why did you do this to me?!" I shouted while standing at the edge of the rooftop. "I'm too young to suffer! Bakit kailangan niyo pa 'kong buhayin kung ipaparamdam niyo lang sa'kin na unti unti akong namamatay!"

I looked at the sky. I'm hoping na sana ay umulan. "Ayoko na!" Biglang bumuhos ang ulan na hinihintay ko. Handa na akong tumalon ng may humila sa laylayan ng damit ko dahilan para mabuwal at makababa ako sa sahig ng rooftop.

"Anong ginagawa mo?! Hindi lang ikaw ang naghihirap sa mundo na toh. Kung ano man ang pinag-daraanan mo ay sigurado akong malalampasan mo yon!" I'm just staring at the woman who saved me from death.

Nasa ibabaw niya ako at yakap niya ako na parang pinipigilan niya ako. Hindi ako nakagalaw at nakatingin lang ako sa kaniya. Dinala nila ako sa company nila at doon ko siya nakilala.

"What's your name?" Tanong niya sakin habang pinupunasan niya ako. Walang salitang lumalabas sa bibig ko.

I was captured by her beauty and kindness. The moment na niligtas niya ko kahit na umuulan.

"I'm Celeste Ryle Villanueva Ruiz. The owner of this company. Nasaan ang mga magulang mo?" bumuhos ang mga luha ko na kanina lang ay huminto.

"Hey! Okay ka lang?" she's worried. Ang unang tao na nag-alala sakin nang mawala ang parents ko.

"Patay na sila." Niyakap niya ako at pinakalma.

"Shhh! I'm sorry!"

Sinama niya akong umuwi dahil delikado na sa daan. Tinanong niya ako kung may bahay pa akong uuwian pero umiling ako.

"Sige, total wala naman akong kasama dito. Dito ka nalang sakin. Pero ano nga ba ang pangalan mo?"

"Zashini...Zashini Louise Belza Pallan."

"Nice! From now on, I'll call you Zashi."

"Zashini?" bumalik ako sa huwisyo ng tawagin ako ni Ate Fhey. "Are you listening?"

"Sorry, ano po yon?"

"I was with your Ate before the accident. Sa tingin ko ay hindi lang aksidente iyon. Pauwi na ako non pero may nakalimutan ako. Bumalik ako sa bahay niyo at doon ko nakita ang napaka-laking apoy. Isn't it suspicious na sa sandaling oras ay ganon na kalaki ang apoy?"

"What are you saying?"

"Zashini...may nakita ako. Tumalon sila sa bakod at sinundo ng isang itim na van. Nakasuot sila ng mask. Hindi ko nakita ang mga mukha nila. Sigurado akong hindi aksidente ang pagka-sunog ng bahay niyo.

"Ate why didn't you tell it to the police?"

"May pamilya ako. Natatakot akong madamay sila. Wala akong kakayahan at kapangyarihan para ipag-tanggol ang sarili ko. Patawarin ako ng Ate mo kung hindi ako nag-salita." hinakawan niya ang kamay ko. Kita ko ang pagsisisi sa mukha ni Ate Fhey. Naiintindihan ko siya.

Gagawa ako ng paraan para malaman ang totoong nangyari.

"Ate Fhey, I'll do everything para mahanap kung sino ang mga tao na 'yon."

TBC...

MY UNBIOLOGICAL SISTER (G×G) Where stories live. Discover now