CHAPTER 43

280 21 1
                                    

Celeste's POV

Pinakita ko sa kaniya ang dokumento na ibinigay nila sa'kin. Pagkatapos ng usapan namin ay kinalagan nila ako. Isa pa sa kundisyon nila ay hindi ko pwedeng iwasan si Elmo.

Ihinatid nila ako malapit sa bahay ng nakapiring ang mga mata ko at pinasakay sa sarili kong sasakyan. Siguro ay para hindi ko malaman kung saan sila nagtatago.

Nanginginig ang katawan ko habang nagda-drive ako pauwi. Pahinto hinto ako dahil sa takot. Kinakain ako ng takot para sa bukas.

God please help me to decide.

Gabayan mo ako sa lahat ng desisyon na gagawin ko.

Zashi blew out a loud breath while reading the papers.

"Gusto nilang ako mismo ang mag-dala niyan sa kanila. Pero hindi mo kailangan pilitin ang sarili mo kung ayaw mong pirmahan. Naiintindihan ko dahil karapatan mo iyon. Iisip nalang ako ng ibang paraan dahil ako rin naman ang dahilan kung bakit sila napahamak." Pinilit kong umupo dahil hindi ako komportable. Parang may kung ano sa lalamunan ko na pumipigil sa paghinga ko.

Tumingin siya sa mga mata ko at kita ko ang lungkot doon.

"No, it's because of this f-cking wealth! May ibang nadamay. Pero hindi tayo nakasisigurong magiging ligtas ang lahat sa oras na makuha nila ang gusto nila."

She's right. Hindi kami nakasisiguro.

"Stop cursing, ang pangit pakinggan." naiinis ako sa tuwing naririnig ko siyang mag-mura.

"Sorry, I cannof stop myself." malambing itong yumakap sa'kin.

"I have to try. I have to save them." napayuko ako. Ayos lang naman kung iwanan niya ako sa gitna ng laban na 'to. Alam kong mahalaga ang mga iyon sa kaniya.

"We have to. Kasama mo ako. I'll talk to Atty. Roxas bago ko pirmahan ito. Alam ko ng mangyayari 'to kaya matagal ko ng napaghandaan." Hinawakan niya ang kamay ko.

I felt guilt dahil hindi ko pa nasasabi sa kaniya na gusto nilang pakasalan ko si Elmo. Doon daw kami sa ibang bansa maninirahan.

"May isa ka pang kailangang malaman." nagtaas ako ng tingin. Pakiramdam ko ay masamang balita na naman ito.

"A-ano yun?"

"Buhay ang mama mo." Namilog ang mata ko at napanganga ako.

"A-anong—Pap-papaano?!" napadiretso ako ng upo at napa-igik ako ng makaramdam na naman ako ng sakit.

"Ate Pina called me. Kaibigan niya si yaya. Pinadalhan niya ako ng litrato." Pinakita niya sa'kin ang litrato ng isang babae. Kamukhang kamukha ito ni mama. May mga litrato pa niya sa kwarto na kapareho ng pinakita ni Zashi sa akin.

"Pero nasaan siya?" Hindi ako mapalagay. Bakit ba sabay sabay? Parang hindi ko na kakayanin. May isang litrato pa siya na yakap yakap ang frame na may picture ko na kailan lang kuha.

"Hindi ko din alam. Sa ngayon, pinapahanap ko pa si Ate Pina."

Muli kong tinignan ang litrato at napansin ko ang disenyo ng pader. It looks familiar.

"The design of the room, it looks familiar." Hinalukay ko ang isip ko dahil para talagang nakita ko na ito.

"Have you seen it before?"

Tumango ako. Nag-isip pa ako ng nag-isip.
"Parang kapareho siya ng design ng room kung saan nakakulong ang pamilya ni Fhey."

"Are you sure? It's possible dahil baka hawak din nila ang Mama mo. Sila lang naman ang huling kasama niya ng ibalita na patay na siya. Sa tingin mo posibleng itinago siya ni Uncle sa loob ng dalawang dekada?"

"H-hindi ko alam. Pero—pero parehas talaga ng design yung kwarto. Oo, tama!" Naalala ko na. Masyado kasi akong nagpadala kaya hindi ko masyadong napansin. "Yan talaga yung design ng kwarto pero hindi ko alam kung saang mansion."

"Baka sa mansion ni Lolo? Sa kaniya ipinamana iyon at doon din nagtatrabaho si Ate Pina noon."

Pinaabot ko sa kaniya ang ballpen at sticky note. Isinulat ko ang bawat detalye na maaaring mag-tugma sa kinaroroonan ni Mama. At kung pareho silang naroon sa mansion na 'yon ay kailangan kong sumunod sa kanila.

Nabawasan ang kirot sa puso ko. Kahit na litrato lang 'yon ay alam kong siya yun. Naniniwala ako sa lukso ng dugo. Pero bakit hindi pa noon? Nabigyan nga ako ng pagkakataon pero desidido na ako na sumunod sa mga utos nila at mag-sakripisyo.

Mama sana mag-kita pa tayo...

Niyakap ako ni Zashi. Sunod sunod ang mga hikbi na kumakawala sa labi ko. Hindi ko masabi sa kaniya na natatakot ako at alam kong unfair sa kaniya ang desisyon ko.

Pansamantala naming kinalimutan ang problema dahil iyon ang gusto ko. Sa oras na magpatali ako kay Elmo ay siguradong masasaktan ng sobra si Zashi. Walang kasiguraduhan kung makakabalik ako sa piling niya. Pero kailangan kong subukan kung ito lang ang tanging paraan para mailigtas ko sila.

Nagpaluto ako ng popcorn na may caramel at cheese flavor. Nanood kami ng horror movie. Nakasandal ako sa dibdib niya at tahimik na nanonood. Weird dahil umaga palang ito na ang pinapanood namin. Pero para mas ma-feel ko ay sinara niya lahat ng ilaw at bintana at ang kwarto ay naging madilim.

"Babe?" pagtawag niya sa akin. Tumingala ako para lingunin siya.

"Hmm?"

"Why did you change your password?" Napalunok ako sa tanong niya at nakaramdam ng kaba. Lahat talaga napapansin niya.

"Utos nila." palusot ko pero ako talaga ang gumawa no'n. Kagabi pa nagtetext si Elmo at nangungulit. Hindi niya pwedeng makita 'yon.

"Can you open it for me?" umalis ako sa pagkakasandal at tumingin sa mga mata niya.

"Wala ka bang tiwala sa'kin?" I'm sorry...I'm sorry for manipulating your emotions. Pero hindi mo pwedeng malaman.

Isang maling galaw ko lang ay siguradong isa sa pamilya ni Fhey ang mawawala. At hindi ko kakayanin 'yon.

"It's just that—" I kissed her lips to shut her mouth.

"Don't worry about it. Babaguhin ko ulit pag maayos na ang lahat."

Bumalik na kami sa panonood pero wala doon ang atensyon ko. Bumubuo ako ng conclusion sa isip ko at plano kung paano ko sila ililigtas.

Kung pera lang ang usapan ay hindi ako magdadalawang isip na isuko iyon. Pero sa oras na mawalan ng kapangyarihan si Zashi. Wala na rin siyang magagawa para ipagtanggol ang sarili niya.

Hindi lang basta pera para sa kanya iyon. Dahil iyon ay ginagamit niya sa mabuting paraan.

TBC....

MY UNBIOLOGICAL SISTER (G×G) Where stories live. Discover now