CHAPTER 30

361 21 0
                                    

Zashi's POV

I cannot explain this feeling. Parang sasabog ako sa saya. Hindi na ako nag-sayang ng oras.
Gusto niya munang umuwi but tomorrow, we will have our first date!

Kasama ko sila Pau ngayon. Inaasar pa nila ko keshu ilibre ko daw sila.

"Ilibre mo na kami. Doon tayo sa Hyme—"
Hindi ko na siya pinatapos dahil ayoko!

"Bawal."

"Ang kj mo naman!" Nakasimangot pa ito at umaktong nagtatampo.

"Oo nga! Kami kaya ang dahilan kung bakit ka nakangiti ngayon." Pagsang-ayon ni Nicole sa kaniya.

"Whay do you mean???" sagot ko habang tuloy parin sa pag-type sa phone ko.

"Kami kaya ang nag-suggest na i-seduce ka niya!" Sabay nitong sabi.

"Huh?" I pretend that I didn't know.

"Yes, kami lang naman ang gumising sa mga natutulog niyong feelings." Pau rolled her eyes. Nag-high five pa silang dalawa.

"Eh ano naman?" Nag-panggap ako na walang pakielam. Na-kwento naman na ni Ate sakin. Parang ang weird kung tatawagin ko pa siyang Ate?

I'm gonna call her Celeste from now on.

Bigla akong hinila ng dalawa sa pinakamalapit na supermarket. Naghila ito ng tig-isang cart habang ako ay nakasunod lang. Nahihilo ako sa kanila, hindi ko alam kung sino ang susundan ko.

Kung ano ano ang pinaglalagay nila. Muntik na yata nilang maubos yung mga chocolate. Ay juicekelerd!

Pati mga karne at gatas, kape at kung ano ano pa. Iginilid nila ang cart na napuno akala ko ay tapos na. Pinabantayan nila sakin iyon at umalis. Natanaw ko silang palapit at may hila hila na naman na tig-isang cart. Nilagay nila do'n ang mga snacks.

Halos tig-apat na cart din ang dala dala nila. At sa'n naman nila isasakay yan?

Itinutulak pa ako ni Pau para mag-bayad. Binigay ko na nga sa kaniya yung credit card. Nahihiya daw sila pero pag sa bar napakagaling mag-bayad.

Naiilang ako hindi ko alam kung ngumingiti ba siya o ngumingiwi. Napangalahati nila yung credit card ko.

"Mukhang type ka no'n ah." tinuro pa niya ang babae sa counter na napaka-kapal ng make-up at sobrang pula ng labi.

"Alin yung mukhang clown?" biro ko at nag-tawanan naman sila.

Mabilis pa sa alas-kwatrong dinukot ko ang phone ko na nasa bulsa ng marinig na may tumatawag.

"Ehem!" tinapik ko sa braso si Pau para patahimikin siya.

"Ahm...hello?" nilambingan ko pa ang tono ng boses ko habang sila naman ay nagpipigil ng tawa.

"Where are you? Tapos na 'ko." Nag-impake kasi siya ng mga gamit. Aalis na siya sa condo.

"I'm with Pau and Nic. Nasa—"

"Nasa bar po! Whooooo!" Binatukan ko si Nicole dahil sa inis ko. Lumayo muna 'ko sa kanila dahil nagtitinginan samin ang mga tao.

"Is that true?"

"Of course not. Binudol ako ng mga abusado na 'yon. Nasa supermarket kami muntik na nila ilagay sa cart lahat. Pupunta ako agad diyan, ipapahatid ko muna sila."

I have a driver pero kapag kailangan ko lang saka ko ito tinatawag. Sumasahod din ito kahit na hindi niya ako ipag-drive.

"Okay, bilisan mo. Naiinip na 'ko." napangiti ako.

"Sus! Na-miss mo lang ako eh." pabulong lang iyon at sinigurado kong hindi niya maririnig.

"Ano yun?"

Pinigil ko ang tawa ko. Nilayo ko po ang phone sa bibig ko. "Wala, sabi ko saan tayo magdi-dinner?

"Mag-luluto na ako. Basta bilisan mo." hindi ko alam kung naiinis ba siya o ano.

"Great! Na-miss ko yung luto mo." Ilang buwan ko din 'yon 'di natikman. Siguradong gaganahan akong kumain.

Pag-dating ng driver ay umalis na din ako.
Nakangiti ako habang nagda-drive. Pagdating ko ay tuloy tuloy akong pumasok sa loob. Binabati ako ng mga staff at ganon din ako sa kanila.

I used my key card para makapasok sa loob.
Nakita ko siya sa kusina na busy sa pagluluto.

I hug her from the back while she's cooking my favorite sinigang. Tinakpan niya ang kaldero at inilapag ang sandok saka humarap sakin.

Inamoy amoy niya yung damit ko. "Maganda ba yung babae sa counter?" ani nito.

Hayst! Sinasabi ko na nga ba. Kaya sila tawa ng tawa kanina pinag-tripan na naman nila 'ko.

"No...she looks like a clown." tinanggal niya ang mga braso ko na nakapalupot sa bewang niya. Dumiretso ito kung saan naroon ang mga plato.

"So, you look at her?" Parang may kung ano sa tiyan ko kapag naririnig ko yung boses niya at bakas ang selos doon.

"Ahm...kasi ano. Sila Pau kasi pinagbabayad ko eh ayaw niya." Sinusundan ko siya ng tingin habang hinahanda ang hapag.

"Pwede ka naman siguro tumalikod habang inaabot yung credit card." walang gana ang boses niya.

"I will next time." That's weird but if it makes her happy, I'll do it. "Ako na dito sa ulam. "

"Ako na."

" I insist." Nag-aagawan pa kami. "Ouch!" napaigtad ako ng mapaso ang daliri ko.

"Ako na kasi sabi." Maingat niyang inagaw ang kamay ko at hinipan niya ang daliri ko.

Hindi ko maiwasang mapangiti habang ginagawa niya 'yon. Nakatitig lang ako sa kaniya.

"You're smiling like an idiot." Bumalik ako sa huwisyo at nakaramdam ng hiya. Parang iba yung feeling ko ngayon than before.

Kumain na kami at dahil masakit ang daliri ko. Hindi naman talaga gaano. Sinubuan niya ako. Siya na ang nagpakain sakin. Tuwing itatapat niya ang kutasara sa bibig ko ay napapangiti ako.

Masakit na ang pisngi ko kakangiti.

TBC...

MY UNBIOLOGICAL SISTER (G×G) Where stories live. Discover now