CHAPTER 18

270 15 0
                                    

Celeste's POV

Naalimpungatan ako ng maramdaman kong may mabigat na dumagan sakin. Kinusot ko ang mata ko at nakita ko si Zashi na ginawang unan ang tiyan ko. Tingin ko ay lasing ito dahil  kahit malayo ay naaamoy ko.

Pinikit ko na ang mata ko dahil naramdaman ko siyang gumalaw. Nararamdaman ko parin yung dating Zashi masyado lang siyang natatabunan ng sama ng loob.

I pretend to sleep when I feel something's wrong.

Naramdaman ko ang hininga ni Zashi na tumatama sa mukha ko. Nakaramdam ako ng kaba dahil hindi malabong gawin niya ulit yung mga ginawa niya kanina.

Dumikit ang labi niya sa labi ko pero hindi ako gumalaw. Alam kong mali toh dahil mag-kapatid kami. Pero hindi ko siya mapigilan dahil ayokong maging cold ulit siya.

I know it's wrong but there's something in me saying 'kiss her back'. Pumasok sa isip ko kung anong ginawa nila ni Zoe. Nakaramdam ako ng inis habang iniimagine ang bagay na 'yon. Lalo na ng makita ko sila kanina sa kwarto.

Umalis siya sa pagkakadagan sa akin at tumabi nalang ng higa. Nakatulog na ako at paggising ko ay wala na siya dito sa tabi ko.

Naligo na ako. Kailangan ko siyang pilitin na palabasin ako. Hindi naman pwedeng hindi ako pumasok, ilang buwan din akong nawala. Hindi porket ako ang may-ari ay hindi na 'ko kikilos.

Pinuntahan ko si Zashi sa kwarto niya. Bahagyang nakabukas ang pinto kaya dahan dahan kong itinulak iyon.

Siya ba yung kumakanta?

Nakita ko siyang nakatalikod habang may hawak na gitara. Nakapasarap sa tenga ng boses niya. I think she's writing something? Saka parang hindi familiar yung song.

' Who cares 'bout overdose?
You're my pain killer,
You're a narcotic; I've become addicted,
and the fear was gone
Like a necklace, you're a half heart pendant🎶

You're my pain killer,
You saved me from drowning on my own tears. Like an angel who saved my eyes from burnin' .'🎶

She's composing a song while feeling every lyrics. She looks like deeply in love and whoever the person is, she's lucky.

Ngayon ko lang siya nakitang maggitara.  Napakarami ko pa palang hindi alam sa kaniya. Napansin niyang nakasandal ako sa hamba ng pintuan kaya agad niyang niligpit ang gitara at mga gamit niya.

"Why?" ang lamig na naman ang boses niya.

"Kailangan kong pumasok sa office." she sighed.

"Fine. But in one condition." ano na naman kaya ang kundisyon na toh. Mukhang nakakalimutan na niyang mas matanda ako sa kaniya. Ang sarap niyang batukan, hindi na niya ko tinatawag na Ate.

"Ano 'yon?"

"Sasama ako." Lagi ko naman siyang sinasama no'n sa office pag wala siyang pasok. Pero parang iba yung pakiramdam ngayon.

It feels like something's going to happen.

Gumayak na ako at nang matapos ay nakita ko si Zashi na nakaupo sa couch at pinapaikot sa daliri niya ang susi.

She look so bored.

"Tara na." Pagyaya ko sa kaniya. Pinasadahan muna niya ko ng tingin. Masyado siyang conservative. Gusto niya yata mag-suot ako ng turtle neck, pajama at longsleeves.

Pinag-buksan niya ulit ako ng pinto na ikina-ngiti ko. Nang makarating kami sa company ay binabati ako ng mga employee ko.

"Good morning po!" sabay yuko nito sa'kin.

Pag-pasok namin sa office ay naroon si Fhey. Bakas sa mukha nito ang pagka-gulat ng makita kami ni Zashi.

Nakatingin ito kay Zashi na walang emosyong nakatingin sa kaniya.

"Is there something wrong?" ani ko kay Fhey.

"Ahh wala naman, ngayon ko lang kasi ulit kayo nakitang mag-kasama." ngumiti ito at nag-paalam muna ng may tumawag sa kaniya. Sinundan siya ni Zashi ng tingin hanggang sa makalabas ng pinto.

"Huwag mong sabihin na type mo si Fhey?" biro ko sa kaniya.

"Ate Fhey is nothing compare to the person I love the most." parang may kung ano sa dibdib ko ng sabihin niya yon. Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan sa isiping si Zoe iyon.

Siguro dahil natatakot ako na baka mas mag-bago si Zashi balang araw. Natatakot ako na mawala yung kung anong meron kami.

Pinirmahan ko na ang mga kailangan ko ng kumatok si Fhey sa pintuan. Nag-charge na pala 'ko dito dahil ayaw talaga akong pagcharge-in.

"Ahm...Celeste may bisita ka." ani nito bago sumilip sa pinto ang bisitang sinasabi niya.

"Tristan! I missed you!" kaagad akong tumayo at dinaluhan ito ng mahigpit na yakap.

"I missed you too! May ginagawa ka pa? Sabay tayo mag-lunch?" Tristan is my bestfriend. He's gay and we've known each other since high school. Katabi lang kasi ng bahay nila ang bahay namin noon pero lumipat na sila at ako naman ay nagpatayo ng sarili kong bahay na kailan lang ay nasunog.

Madalang kaming mag-kita. Naalala ko nung huli ay binigyan niya ako ng isa sa mga collection nilang singsing. Biniro niya pa nga ako.

"Look! Eto yung mga newest design namin. Pili ka ng isa, you can have it." ani ni Tristan at ako naman ay hindi makapaniwala. Ito ang negosyo niya. Nagpapa-auction din siya ng jewelries.

"Ang ganda! Thank you! Hinihintay ko talaga yung lalaking magbibigay sa akin ng ganito tapos isusuot niya sakin sa harap ng altar." sinukat ko iyon at ililipat ko na sana sa isang daliri ko ng maisipan ni Tristan na mag-picture.

"Ay nako besh! Ako na muna ang magbibigay sa'yo hanggat wala pa 'yang makupad mong future hubby." tuwing kami lang saka siya ganitong mag-salita. "By the way, let's take a photo." itinaas ko ang kamay ko at nakangiting sumandal kay Tristan. Wala namang malisya iyon.

Maya maya pa ay sinundo na siya ng boyfriend niya. Sobrang swerte niya dahil foreigner pa ang nagka-gusto sa kaniya.

Pagkatapos ng last na pagkikita namin ni Tristan ay nakausap ko siya sa phone kahapon. Nababagot ako sa bahay na 'yon, mabuti nalang at tumawag siya. Gusto niyang tulungan ko siya na mamili ng mga designs para sa kasal nila ng fiancee niya. Sa ibang bansa pa ito gaganapin.

Tinignan ko si Zashi na naglalaro lang sa phone niya. "Wala na, tapos na nga eh. Tara na?" inaya ko na sila pati si Zashi.

"Hindi na 'ko sasama. Nandon si Zoe sa Lavina Cafe." ani nito. Malapit lang dito 'yon.

Mas gusto niya pa talagang kasama si Zoe kesa sakin. Hayst!

"Okay, take care." tumango lang ito at nauna ng lumabas samin.

TBC...

MY UNBIOLOGICAL SISTER (G×G) Where stories live. Discover now