CHAPTER 19

278 16 0
                                    

Zashi's POV

Hindi na ako sumama sa kanila dahil ayoko. Naiirita ako sa pagmumukha ni Ate Fhey. Ang galing niyang makipag-plastikan. Kung wala lang siyang pamilya at ina na kailangang ipagamot ay pinakulong ko na siya noon pa.

Tahimik na din si Mrs. Cruz at si Tito pero kilala ko si Tito. Para sa pera, lahat ay gagawin niya. Wala pa kaming nakukuhang ebidensya laban sa kaniya kaya kahit kasuhan ko siya ay makakalabas parin siya.

Kailangan parin nilang managot dahil sa pekeng pagkamatay ni Ate. Ayoko ng tawagin pa siyang ate kasi parang ang weird.

Nauna na ako sa kanila na bumaba ng building. Nag-tago ako sa poste at sinundan sila kung saan sila pupunta. Doon sila kumain sa restaurant na pagmamay-ari ko. Iba't ibang menu ang ino-offer doon. May chinese, korean, japanese at kung ano ano pang pagkain.

Dumiretso ako sa CCTV room para doon sila panoorin.

"Ma'am may kailangan po kayo?" ani ng guard na nag-babantay dito.

"Wala po. Kumain muna po kayo do'n. Ako na muna ang mag-babantay." napakamot ito sa ulo niya na parang nahihiya.

"Eh ma'am nakakahiya naman po. Trabaho ko po ito."

"Sige na kuya. Kumain na kayo, libre ko yun. Ayain niyo na din po si Manong Berto."

Sa huli ay pumayag din ito. Kapag nandito lang ako saka sila nalilibre ng pagkain. Malago naman at wala pang nalulugi sa mga negosyong hawak ko.

Nagtatawanan sila pero hindi ko masyadong marinig ang pinag-uusapan nila. I pressed the zoom in botton para mas makita ko sila.

Kanina pa tumatawag si Zoe dahil hindi ko siya pinuntahan kagabi. Nasa office lang ako buong mag-damag at naisipan ko lang uminom mag-isa dahil sa dami ng pumapasok sa isip ko.

Maya maya pa ay may dumating silang kasama.

Wait! I know her! Siya yung nag-organize ng wedding nila Kuya Kino. She's a famous event organizer at mas marami ang client niya na magpapa-kasal. Nakita ko silang pumipili ng mga designs.

Maybe their wedding is coming. Napatingin ako kay Ate na tawa ng tawa habang pumipili.

She looks happy. I think, I must let her go.

Pinanood ko sila at 'di ko namalayan na umiiyak na pala 'ko. Kundi pa ako tanungin ni Kuyang guard. Kinakain ako ng lungkot. Aalis na sana 'ko ng may mapansin ako.

The guy in the other table was looking at Ate Fhey. No, they're looking at each other suspiciously.

Kanina ko pa yun napapansin. Tumayo si Ate Fhey at pumunta sa table na 'yon. Hindi nila siya mapapansin dahil nakatalikod sila. May inabot itong sobre kay Ate Fhey na binasa naman niya. Hindi ko makita kung anong nakasulat.

Kinuha ko sa bulsa ang phone ko at tinawagan si Kuya.

"Yes, my little sister?" Ganito ang tawag niya sakin dahil wala naman siyang kapatid. Palagi akong nilalaro ni Kuya noong bata ako at sa murang edad ay nag-silbi na siya kay Lolo dahil iyon ay nakagawian na ng angkan nila.

"Kuya, I just found a guy here at the restaurant—" naputol ang sasabihin ko ng asarin ako nito.

"Oh! so you're into guys na?!" no way!

"That will never happen. He looks suspicious kasi. May inabot siyang envelope kay Ate Fhey."

"You want me to follow him, aren't you?" kilala na talaga 'ko ni Kuya.

"Yes" nagpaalam na si Kuya na pupunta dito sa restaurant. Wala pang fifteen minutes ay nakita ko na siya na nakasakay sa motor.

Nang makalabas ang lalaki ay sinundan ito ni Kuya. Ako naman ay tinext si Ate para mag-impake na kami. Two weeks din kami doon dahil gusto pa ni Pau na lumibot. Bukas pa naman ang alis namin. Ayoko lang na mag-tagal dito.

' Ate : Wait. Hindi pa kami tapos. '

Binulsa nito ang phone niya at ako naman ay nakaramdam ng inis. Tinawagan ko si Zoe para pumunta dito. Umalis na ako sa CCTV room at hinintay siya doon.

"Babe!" ang lakas maka-sigaw nito. Nakatingin tuloy samin yung mga tao.

"Zoe, lower your voice." humanap kami ng upuan na malapit kila ate.

"Oh! Is that your sister? Why don't we come and join them?" nag-dalawang isip pa ko pero tinawag kami ni Ate Fhey.

Ang kaharap ko ngayon ay si Ate at katabi ko si Zoe na katabi naman si Ate Fhey. Lumapit sa amin ang waiter at sinenyasan ko ito na 'wag na akong batiin. Hindi naman nila alam na ako ang may-ari nito.

"Babe, ako na pipili for you?" pagpe-presinta ni Zoe.

"Okay, 'wag masyadong marami."

Nakatutok lang si Ate sa laptop ni Tristan hanggang sa dumating ang mga pagkain.

"Babe, say ahh." ini-umang nito ang kutsara sa bibig ko. Naalala ko tuloy yung last birthday ko. Kung paano nila ako lagyan ng pag-kain ni Nicole.

Ate is staring at us and when I look back at her, she just rolled her eyes. May sinabi pa siya, mahina pero rinig na rinig ko.

"Malandi."

Kumain na 'ko ng sarili ko pero abot parin ang subo ni Zoe sa'kin. Ako yata ang makaka-ubos ng pagkain niya.

"Celeste, are you okay? Matigas ba?" tanong ni Tristan. Parang tino-torture niya yung steak kung makahiwa.

"Ay! Never po na nag-serve ng matigas na steak ang restaurant na toh. Lalo na at nandito sa table natin ang may-ari." ani ni Zoe. Pipigilan ko sana siyang mag-salita.

"So, you're the owner of this restaurant?" tanong ni Ate Fhey kay Zoe.

"No, she is." sabay turo nito sakin.

"Oh! really??" hindi makapaniwalang nakatingin sa akin si Ate Fhey na binigyan ko lang ng tipid na ngiti.

Bumalik na naman sa pagsusubo ng pagkain si Zoe sakin.

Napatingin kaming lahat ng padabog na tumayo si Ate Celeste.

"Magsi-cr lang ako..." walang gana itong nag-paalam. Sinundan ko siya sa cr at nakita ko siyang naghihilamos.

Niyakap ko si Ate pero malakas niyang tinanggal ang mga kamay ko na pumulupot sa beywang niya.

"Zashi ano ba! Stop hugging and kissing me. You have a girlfriend! Ano nalang ang sasabihin niya pag nakita ka niyang ganiyan? You're not a kid anymore. Kailangan mong iwasan yung mga bagay na ginagawa mo sakin noon dahil iba na ngayon!" naiinis itong umalis at binalibag pa ang pinto.

TBC....

MY UNBIOLOGICAL SISTER (G×G) Where stories live. Discover now