CHAPTER 29

335 22 0
                                    

Zashi's POV

"Zoe! What the hell are you doing?!" Kaagad ko siyang sinalo sa mga binti niya para pigilan siya na gawin ang gusto niya. Nakasuot parin ang ulo niya sa lubid at ayaw niyang tanggalin 'yon.

"Bitawan mo 'ko..." Hindi ko siya binitawan kahit na nahihirapan ako.

"Zoe please! Tanggalin mo 'yan, mag-usap tayo!"

"Wala na tayong dapat pag-usapan. Hayaan niyo nalang ako! Gusto ko ng matapos lahat paghihirap ko!"

"Hindi kita bibitawan kahit abutin tayo ng ilang oras dito. May pamilya kang naghihintay sa labas. Parang awa mo na bumaba ka na. Mahal na mahal ka nila." nakapikit ako habang pilit siyang inaangat para hindi dumiin ang lubid sa leeg niya.

"How about you? Do you love me?" natahimik ako sa sinabi niya. Pero ito lang ang paraan para bumaba siya.

"Yes, I do. Kaya please bumaba ka na diyan."

Mahal kita bilang kaibigan. Patawarin mo ako pero kahit anong mangyari isa lang ang laman ng puso ko. Kailangan kong mag-sinungaling sa'yo, pero h'wag kang mag-alala. Matatapos din 'to.

Gamit ang paa ko ay hinila ko ang bangko habang hawak hawak parin ang binti niya. Itinapat ko iyon sa kaniya para ilapat niya ang paa niya at makababa.

Magdamag ko siyang binantayan at naka-uwi lang ako ng madala na siya sa facility. Pagdating ko ay kaagad kong hinanap si Ate. Para akong binuhusan ng malamig na tubig, akala ko totoo na. Nakakatakot siyang mag-biro.

Tumakbo ako sa taas dahil nag-iinit ang pisngi ko. Ngayon lang ako kinilig ng ganon.

She asked about Zoe kaya sinagot ko siya at nagpaka-totoo ako. Tapos na rin naman na, dahil nadala na siya. Bibisitahin ko nalang siya pag may time.

Now, it's time for me ask...

"How about you? Ano ba talagang rason bakit ka nawala?"

"Your assh-le uncle—"

"Skip that part."

"Okay. Noong nagkita tayo sa garden. Wala ako sa sarili ko, ang daming gumugulo sakin. Pumunta ako sa US para kausapin si Dad. Doon ko lang nalaman lahat. Ang uncle mo at si Lita ang dahilan ng pagkamatay ni Mama. At ang pagkamatay ni Mama ang dahilan ng pagkamatay ng buong pamilya mo."  Humugot ako ng malalim na hininga dahil bumabalik na naman sa'kin ang alaala na 'yon.

Niyakap niya ako. Pakiramdam ko ay ligtas at payapa na ang buhay ko ngayon.

"Your step mom told me na kasabwat ka nila. Pati si Ate Fhey..."

"A-ano?! Paanong si Fhey? At hindi ko kayang gawin 'yon sayo." Napatayo siya at hindi makapaniwala.

"Pinuntahan ko si Ate Fhey and she told me na nagawa mo 'yon dahil kailangan mo ng pera at ikakasal ka na. I know that was a lie. But I used it to stay away from you. To escape with this feeling. To escape from the pain. But when I saw the picture, yung may suot kang singsing kasama si Tristan—"

"He's gay! Ikakasal na siya next month sa lalaki. Lahat ng sinabi nila sa'yo ay kasinungalingan. Tristan is my bestfriend!"

Napanganga ako sa sinabi niya. The heck?! But they look like a real couple. Nawalan ako ng imik dahil doon.

I wasted my time for believing that f-cking story!

"I wonder why Fhey did that. She'll never betray me for nothing. Ilang malalaking company na ang nag-alok sa kaniya na gawin siyang secretary but she chose to stay with me, kahit hindi gano'n kalaki ang sahod. I''ll talk to her."

"You need to invite her in this house. I've found suspiciously noong nasa restaurant tayo. Nakita ko sa CCTV na may kausap siyang lalaki. At itong bahay ko lang ang pinaka-safe para tanungin siya."

Muli siyang umupo at pinakalma ang sarili.

"Ate. About what happened last night. I'm sorry, nag-take advantage ako sa kalasingan mo." Our eyes met at ito na naman ang bilis ng tibok ng puso ko.

"I'm not drunk." pag-amin nito. " Hindi ka nag-take advantage. Ginusto ko 'yon." mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya.

God! Is this true?

"Pero bakit?" imbis na sagutin ay nag-iwas siya ng tingin at ibinalik ang tanong sakin.

"Ikaw ang dapat kong tinatanong. You kept on kissing me. Why?" kinakabahan ako. Para akong nawalan ng boses.

"Why baby?" She asked with a seductive voice!

"Since the moment you saved me. I felt this feeling. Hindi ko namalayan na..." hindi ko matuloy ang sasabihin ko. Pakiramdam ko ay namumula na naman ang pisngi.

"Na?"

Hindi niya ba talaga napapansin?

"Zashi?" Hindi ako makapag-salita. Nakaramdam ako ng hiya lalo't hindi niya inaalis ang tingin niya sakin. Kinabig niya ang baba ko at pakiramdam ko ay sasabog ako sa hiya at kilig.

"Do you love me?" Tumango ako bilang sagot. Hindi ko maibuka ang bibig ko.

"As a friend?" umiling ako.

"As a sister?" umiling ulit ako.

"Do you want me to be your girlfriend?" Nahihiya akong tumango. Gumuhit ang ngiti sa labi niya.

"Pero hindi 'yon madali." Tinanggal niya ang pagkakahawak sa baba ko. At nag-iwas ng tingin.

Nagkaroon ako ng lakas ng loob na mag-salita ng tumahimik siya. "But I love you. I can do anything you want just...just give me a chance." Hinawakan ko ang kamay niya dahilan para muli siyang tumingin sa'kin.

"Ang daming kailangan i-sacrifce. Pareho tayong babae at isa pa ang laki ng age—" pinutol ko ang sasabihin niya.

"Age gap? Love has no age and love has no gender." Mahina kong sabi. Nasasaktan ako, hindi ko alam kung bakit. Napayuko ako dahil nararamdaman ko ang luha na gustong lumabas sa mata ko. Tumayo ako at lalabas na sana ng mag-salita siya.

"Zashi...I feel the same way but I'm scared...I'm scared of losing you." pumihit ako paharap at lumapit sa kaniya.

"You won't lose me. Just give me a chance..." niyakap ko siya mula sa likod. She sighed.

I can see her face in the mirror. She look so worried.

"Okay. Court me then..." Napatalon ako dahil sa sinabi niya.

"Yes!" Natawa pa siya reaction ko.

I hope this wasn't just a dream. And if it's a dream. Please, don't wake me up.

TBC...

MY UNBIOLOGICAL SISTER (G×G) On viuen les histories. Descobreix ara