CHAPTER 3

402 19 0
                                    

Celeste's POV

Bago ako pumasok ay nakita ko si Zashi na kunot noong nakatingin sa phone niya. She looks irritated.

"Zashi, may problema ba?" nag-taas siya ng tingin sakin. Instead of looking in my eyes, she look at my neck.

"Alam kong binigay ng uling na yon sayo ang kwintas na'to. Paanong napunta yon kay Czarina?" Hinarap pa niya ang laptop sakin para ipakita ang IG story nito na nakasuot ng kwintas.

Czarina is my eighteen years old half sister. Siya ang paboritong anak ni Mom.

"I gave it to Mom."maikling sagot ko. I saw her  clench her fist.

"I'll buy you a new one." may binulong pa siya pero ang naintindihan ko lang ay 'mabuti nalang'.

"Just save your money Zashi."

Nag-paalam na ako sa kaniya at binilin na isara ng mabuti ang bahay.

Pag-labas ko ng gate ay naroon ang kotse ni Mom. Ano na naman ang ginagawa niya rito?

Inilagay ko sa kotse ang bag ko at lumabas ng gate para tanungin ito. I'm wondering why she didn't use the doorbell.

Akala ko ay kotse lang ni Mom ang naroon pero kasunod nito ang kotse ni Elmo.

"Celeste sumama ka na samin." Lumapit sakin si Elmo dahilan para umatras ako. Kaagad kong sinara ang gate.

"No! I prefer to be with Dad than to be with you!"

"Celeste, open the gate." tahimik lang si Elmo na sumusunod sa bawat sasabihin ni Mom.

"No!" Tumakbo ako sa loob at ni-lock ang pinto.

"Ate? May nakalimutan ka." Imbis na sagutin ay sinara ko din ang mga bintana. "Ate bakit?"

"Mom is there with Elmo. She wants me to come with them." Napapikit si Zashi bago buksan ang pinto.

"Zashi! Don't open the door!" Nakita kong kumuha ng bato si Zashi. Wala akong choice kundi lumabas dahil lilikha 'yon ng malaking gulo.

"Anong ginagawa niyo rito? Oh, ma'am it's not nice to see you again." rinig kong sabi ni Zashi kay Mom. Nainis ito sa sinabi niya.

"Huwag kang makialam dito."

"Zashi, let's go inside." Pag-aaya ko sa kaniya.

"No...hindi pa po ba kayo kuntento na ginagamit niyo si Ate? Bakit po kailangan niyong pakialaman pati lovelife niya. Wala po kayong karapatan na gawin 'yon. Masyado niyo na siyang sinasaktan. Anak niyo rin po siya, Ma'am!" Nagulat ako ng ibato ni Zashi ang bato na hawak niya sa isang paso dahilan para mabasag iyon.

"At anong karapatan mo na mag-salita. Baka nakakalimutan mong ako ang ina niya?!"

"Yes, you are her Mom...But you're useless. Mark my words Mrs. Cruz, you'll regret this! Dadating ang oras na kailangan mong magpakumbaba kay Ate dahil wala ka ng matirahan, makain at ultimo damit mo ay sa kaniya mo hihingin!" Hinila ako ni Zashi papasok sa loob. Paulit ulit na sinisigaw ni Mom at Elmo ang pangalan ko.

"Ate, why don't you tell it to Tito? Bakit hindi ka nalang sa kaniya tumira. Sa tingin ko mapoprotektahan at magiging maayos ang buhay mo doon."

"Masyado na silang madami doon. Ayoko ng dumagdag pa intindihin ni Dad."

"But you are his daughter. May responsibilidad siya na alagaan at gabayan ka."

"Zashi ayoko! How about you? Kung aalis ako gusto ko kasama kita. You're the only person I have. Kaya kahit na pinag pipilitan ni Mom si Elmo, I can't do anything. Wala akong kakayahan para labanan si Mom, all I could do is to keep you."

"But..."

"No but's Zashi...If I have to sell this house para makalayo tayo gagawin ko." I walked out. Nasanay na ko na mag-kasama kami. I don't want to disturb anyone kung kaya naman mag-tiis.

I called my secretary na hindi ako makakapasok. Naiwan ako sa bahay dahil pinilit kong pumasok si Zashi kahit na ayaw niya. Pinag-tulakan ko pa siya palabas ng pinto.

-
I'm in front of my laptop. Iniisip ko kung anong pwede kong gawin. Siguro mas mabuting ibenta ko nalang ang bahay at bumili ng mas maliit at malayo kay Mom. Kami lang naman dalawa ang nakatira dito. Masyado 'tong malaki para sa dalawang tao.

I built this house for my future family. Ang dami ko na din magagandang alaala dito.

I'll talk to Zashi later. Kailangan ko pa pala siyang sunduin. Ayaw niya akong palabasin ng bahay pero hindi naman pwede iyon.

Nang i-park ko ang kotse sa school niya ay nakita ko si Zashi sa 'di kalayuan. Tinawag ko siya pero hindi niya yata ako napansin. Lalapit na sana ko sa kaniya nang may lumapit sa kaniyang lalaki.

Nakasuit iyon mas lalo akong nag-taka ng yumuko ang lalaki na parang isa siyang makapangyarihan.

Nag-tago ako sa poste malapit sa kanila at narinig ko ang usapan nila.

"Kamusta ang mansion? Ilang buwan nalang ay uuwi na ako roon. Siguraduhin niyong malinis at walang kahit anong kalat kaming maaabutan." Mansion? Anong mansion at bakit hindi ko kilala ang kausap ni Zashi?

"Yes, Ma'am. Bakit nagtitiis pa po kayo sa bahay na yon eh napakalaki naman po ng bahay ninyo?" Nag-rorole play ba sila? Tumingin ako sa paligid dahil baka may kumukuha ng video pero wala naman.

"Kahit anong laki ng bahay kung mag-isa ka lang parang wala lang din. Pakisabi kay Manang miss ko na siya. Dadalaw ako roon sa isang linggo."

Naramdaman yata ni Zashi na may nakatingin sa kaniya. Nag-tago agad ako sa mga halaman. Nakita ko siyang tinitignan ang kotse ko.

She was about to call me kaya I silent my phone. Pumasok siya sa gate para siguro itanong sa guard kung nakapasok na ako.

Nag-madali akong tumakbo malapit sa kotse at nilapitan siya.

"Zashi!" kinawayan ko siya at napansin naman niya 'ko. Tumakbo siya palapit sakin.

"Dapat hindi ka na lumabas. Pano kung nakuha ka nila?" She's worried.

"Hindi naman pwedeng mag-kulong nalang ako doon. Let's go home. May kailangan tayong pag-usapan."

Tahimik lang kami sa biyahe. Hindi ko na tinanong si Zashi tungkol sa nakita ko kanina. I want her to tell it to me directly.

Ang daming tanong sa isip ko na kailangan niyang sagutin.

Pinag-buksan niya ako ng pinto. Kung sana lang ganito ka-gentleman si Elmo. Kaso kailangan pa yata na ako ang mag-bukas ng pinto ng sasakyan para sa kaniya.

Nang maka-upo kami sa sala ay sinabi ko na sa kaniya ang plano ko.

"I want to sell this house and buy a new but small one. Tayo lang naman dalawa, ayos na siguro sayo yun diba?" Hindi niya sinagot ang tanong ko.

"Ate sumama ka sakin sa isang linggo. I think it's time for you to know the truth."

TBC..

MY UNBIOLOGICAL SISTER (G×G) Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα