CHAPTER 9

273 18 0
                                    

Paula's POV

"I'm sorry." pag-hingi ko ng tawad kay Zash na ngayon ay nakahiga sa kama niya. Mabuti nalang ay weekend ngayon. Kundi ay hindi siya makakapasok.

"It's okay." walang ganang sagot nito.

"No, it's not. Kung hindi ako nag-aya hindi mangyayari sayo 'yan."

Zash decided to keep it a secret. She will distance from Carmela because of what she did.

Ayaw niya ng palakihin pa iyon dahil masasayang ang oras namin. Pero ramdam ko na nasaktan siya sa nangyari.

Inilapag ko ang forridge at gamot niya saka nag-paalam na kukuha ng bimpo at maligamgam na tubig para punasan siya.
Pag-balik ko ay hawak na naman niya ang isang makapal na libro.

"Zash, you have to rest." hindi ito nakinig at tuloy lang sa pag-babasa. Tapos na itong kumain. Bakit parang ang bilis?

I looked at her suspiciously.

"Kinain ko, wala akong sinayang. Kailangan kong mag-palakas dahil hindi pwedeng hindi ako papasok." pag-depensa niya sa sarili. Inumpisahan ko siyang punasan ng agawin niya sa akin ang bimpo.

"Ako na. Paki-abot nalang ng damit ko." sinunod ko ang sinabi niya para naman maka-bawi ako.

"Zash galit ka ba?" tumingin siya sakin saka umiling.

"Hindi ako galit. Nasayang lang ang oras ko dahil sa babae na 'yon. Sana pala dinala ko yung libro at sa kotse ako nag-basa habang gumigiling ka don." Alam kong biro lang 'yon dahil hindi niya ako hahayaang mag-isa.

"Masakit ba?" tinuro ko pa ang parte ng katawan niya na tinutukoy ko. Nagulat ako ng ibalibag niya sa akin ang bimpo na tumama sa mukha ko.

"Of course! First time ko yun. I'm looking forward pa naman na buhay si Ate tapos siya ang makaka-una sakin at ako ang makaka-una sa kaniya." seryoso ba siya?

"Sa tingin ko tumatalab na yung gamot na pina-inom sa'yo." pagbibiro ko pero sinamaan niya lang ako ng tingin.

"Mag-basa ka narin. Ayokong mag-tagal ka dito kung sakaling bumagsak ka. Iiwan talaga kita." Na-offend ako sa sinabi niya pero hindi ko nalang pinansin. Sabi ko pa naman hindi niya ko hahayaang mag-isa. Hayst! Bakit ba kasi sobrang seryoso niya. Gusto ko ng bumalik yung dating kami.

Iniwan ko na siya roon at bumalik sa kwarto ko. Napagawi ako sa laptop ko at nakita kong may nag-video call.

Ate Celeste???

Kaagad kong tinakbo ang laptop at mabilis na sinagot iyon.

"Ate?! Buhay ka?" mabilis akong bumalik sa kwarto ni Zash para ipakita iyon.

"Yes, pinahiram lang sakin ni Maning Lorna yung phone niya saglit. Si Zashi? Pwede ko ba siyang maka-usap kahit saglit?"

Kaagad kong hinarap ang laptop kay Zashi na nakatingin parin sa libro niya.

"Nakitang nag-babasa yung—" Napahinto siya sa sasabihin niya at napatayo ng makita niya ang laptop ko.

"A-ate?! I-ikaw ba y-yan?" nanginginig ang boses ni Zashi habang hawak niya ang laptop ko. Ako naman ay na-upo sa gilid niya at hinayaan silang mag-usap.

"Zashi. I miss you!" naiiyak na sabi nito.

"I m-miss y-you too. N-nasan ka ba? Ang buong akala namin ay patay ka na." Pinalis ni Zash ang luha niya at kita ko ang saya sa mga mata niya.

"Hindi ko alam kung nasaan ako at kung anong ginagawa ko rito. Pero kinuha nila 'ko at kinulong, hindi nila ko sinasaktan at maayos ang trato sakin. Pero kinukuha nila ang mga gamit ko na pwede kong gamitin para maka-tawag sa inyo."

"Pero paano? Sino ang i-binurol nila?"

"I don't know pero alam ko ang nangyari sa bahay natin. Sigurado akong may kinalaman si Mom dito. Alam ko rin na wala ka sa pilipinas para tapusin ang pag-aaral mo. I'm so proud of you! Huwag ka ng mag-alala pa sakin at bilisan mo riyan para maka-uwi ka na dito." Napangiti si Zash sa sinabi nito. Hindi niya mapigilan ang mga luha niya gayon din si Ate Celeste.

"I'll do everything para maka-uwi ng maaga. Babawiin kita at doon tayo titira kung saan hindi ka na nila makukuha."

"But don't forget to take a rest. Tignan mo ba't ganyan hitsura mo. Parang pumayat ka, may sakit ka ba?"

"Wala po. I just lose my appetite to eat." pag-dadahilan nito. Inagaw ko sa kaniya ang laptop para sabihin kay Ate ang totoo.

"She's sick Ate and it's my fault. Inaya ko siya na mag-bar kagabi. But the worse is she got molested by her own friend." I felt guilty about what happened. But I know Ate Celeste has a power to ease her pain.

"Zashi is that true?" Nakayukong tumango si Zash. "You should report them to the police!" sigaw nito at kita namin ang galit sa mukha niya.

"Hindi na po. Gusto ko ng umuwi. Gusto na kitang makita." she's sounded like a baby.

"Paano kung maulit 'yan?!" hinampas ni Ate Celeste ang lamesa dahilan para mapapitlag kaming dalawa.

She brushed her hair using her hand and the anger is visible in her face.

"Next time wag ka na kayong iinom. I forbid you to drink, didn't I?" Tumango ako dahil iyon ang huling sinabi ni Ate sakin noong ihinatid ko si Zash na lasing na lasing.

Hindi alam ni Ate kung bakit ganon si Zash. Pinipigil niya lang ang nararamdaman niya. Pero sa tuwing makikita niya silang magka-sama nung Elmo na 'yon ay puno ng sakit at selos si Zash.

"Hindi na po mauulit." Ani namin.

"I have to go na. Baka dumating na yung nag-babantay samin. I'll call you when i get the chance to. Zashi mag-iingat ka diyan. Kumain ka sa tamang oras kukutusan talaga kita pag-uwi mo. Ikaw man Paula, iwasan na ang pagba-bar hah."

"Yes po."

"Goodbye! I-ayos mo na 'yang mukha mo. Magkikita pa tayo at nasisiguro ko iyon. I love you!" pilit namang ngumiti si Zashi. Alam kong nangungulila siya. Palagi pa naman siyang bine-baby ni Ate.

"Goodbye po. I love you!" dahan dahan itong humiga sa kama.

"Aba! Parang kanina lang ang lakas mo ah." Pagbibiro ko sa kaniya. Balak ko sana siyang kilitiin dahil kahit papano ay nabawasan na ang iniisip niya.

She just rolled her eyes before going back to reading.

Ako naman ay naligo na at pagka-tapos ay tatawagan ko pa sila Mama.

TBC...

MY UNBIOLOGICAL SISTER (G×G) Where stories live. Discover now