CHAPTER 49

362 17 3
                                    

Celeste's POV

Hinanap ng mata ko si Niesel dahil siya lang ang wala rito. Magtatanong sana ako kay Zashi ng mapadako ang tingin ko sa kamay niya na mahigpit ang hawak sa isang phone.

Nasa akin ang phone niya na naiwan niya kanina. I wonder kung kanino yung hawak niya. Umangat ang tingin ko at malungkot ang mga mata niyang naka-tingin sa'kin. Isa lang ang ibig sabihin nito—may hindi magandang nangyari.

"What happened?" Tinabihan ko siya ng upo at hinawakan ang ulo niya para isandal sa balikat ko.

"Naiwan siya sa mansion." maikling sagot nito.

"Everything will be fine." Tumango lang siya at tumayo. Hinawakan niya ang kamay ko at pinangko ako papunta sa kwarto namin.

Ihiniga niya ako sa kama saka siya pumatong sa'kin at isinuot ang ulo niya sa oversized
t-shirt na suot ko. Doon nag-umpisang tumulo ang luha niya. Randam ko ang kabog ng dibdib niya.

"My family d-died. Ate Niesel's brother, Kuya Kino's sister, Kuya Evren's fiancee, Kuya Carlo's son and Ate Pina died because of them. Who's next?" She sighed. "N-natatakot ako na b-baka may sumunod pa sa kanila."

Niyakap ko siya. Naramdaman kong tumulo ang luha ko sa isiping baka ganon din ang nangyari o mangyari kay Mama.

"God will help us." Yun lang ang tanging nasabi ko dahil hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin. Bago lang din sakin ang ganitong mga kaganapan.

Mahina akong kumanta para pakalmahin siya. Naramdaman ko nalang tumigil ang pag-hikbi niya. Ramdam kong basa ang balat ko ng mga luha niya. At ng masiguro kong tulog na siya ay dahan dahan ko siyang inalis sa pagkaka-patong sa akin. Dumiretso ako sa banyo para mag-half bath.

Pagkatapos ko ay bumaba muna ako. Nakita ko sila Fhey habang isa isang tintignan ng doctor at ni Kino kung may mali ba o nilagay sa katawan nila dahil mabilis silang pinaalis na nakapag-tataka.

Nasa sala naman sila Evren at tinitignan ang blueprint dahil plano nilang pasukin ang bahay. Si Geno naman ay kausap sila Pau.

Lumapit ako sa kanila at tumikhim.

Tsk! Mukhang binubugaw nila ang kapatid ko.

"Hoy! hindi marunong uminom 'yan." Ngiting aso lang ang tugon ni Pau sa'kin saka bumalik sa pagka-usap kay Geno.

"I won't drink po."

"Good."

Well, if magkakaroon man ng girlfriend si Geno ayos lang na kaugali ng mga kaibigan ni Zashi lalo na si Pau. Lagi silang maaasahan sa lahat ng bagay kahit sobrang daldal at pasaway.

Hindi ko na sila pinansin at nag-punta sa kusina. Nakita ko si Nay Yen na nagluluto ng tanghalian. Nakaramdam ako ng gutom kaya ako na ang nag-hain.

Kami lang ang kumain dahil si Zashi ay tulog parin hanggang sumapit ang gabi. Nagpaalam na sila Evren na aalis na.

Papalabas na sila ng pinto ng mapatingin kami sa hagdan. Malakas ang yabag ng mga paa nito at tila ba nagmamadali. Nakita namin si Zashi na humahangos at dire-diretso, hindi man lang kami nito pinansin. Gulo gulo pa ang buhok nito at halatang kagigising lang.

"Zashi! where are you going?!" sigaw ko sa kanya. Binuksan niya ang pinto ng sasakyan at hindi man lang ako nito sinagot.

Malakas at sunod sunod ang busina para pagbuksan siya ng gate ng guard. Nang bumukas ito ay pinaharurot niya ang sasakyan.

"Anong nangyayari?!"

"Sumakay na kayo!" napalingon kami kay Carlo na nasa driver seat ng pulang van.

"Celeste, maiwan na kayo. Susundan namin siya." tumango lang ako at nawala na ito sa harap ko.

Nilukob ako ng kaba at nakaramdam ng pagka-hilo. Naramdaman kong nanghina ang buong katawan ko. Bago ako bumagsak ay naramdaman kong inalalayan ako ni Geno at ng mawalan ako ng malay ay pinangko niya ako patungo sa kwarto.

Nang magising ako ay rinig na rinig ko ang sigaw ni Geno. Hindi na rin ito ang kwarto ko at nanunuot ang amoy ng hospital sa ilong ko.

"Doc, you might be mistaken! She was poisoned, but how?"

"Anong lason?"" I curiously asked. I pushed myself up. Nilapitan naman ako ni Pau para ayusin ang unan na sasandalan ko. Parang naubusan ako ng lakas sa hindi ko malamang dahilan.

"Ate." lumapit sa akin si Geno at mahigpit akong niyakap na ikina-kunot ng noo ko. Nilibot ko ang paningin ko.

Bumukas ang pinto at iniluwa nito si Daddy.
"Celeste! Mabuti naman at gising ka na." Pinakawalan ako ni Geno at si Daddy naman ang pumalit sa pagkaka-yakap.

"Akala ko po busy kayo? Saka kailan pa kayo umuwi ng pilipinas?"

Nakita ko din si Tita sa likod niya. Nag-aalala ang mga tingin nito.

"You're more important. Kahapon pa kami naka-uwi. You've been unconscious for three days."

"P-paanong?—Teka si Zashi? Nakauwi na ba sila? Nasaan sila?" sunod sunod ang tanong ko habang hinahanap ito ng mata ko. Walang sumasagot sa kanila. "Nasaan si Zashi?!" hindi ko mapigil ang inis ko dahil walang sumasagot sa tanong ko.

"Ms. Ruiz kumalma ho kayo. Mas bibilis ang pag-kalat ng lason sa katawan ninyo kapag sumisigaw at naglalabas kayo ng lakas." ani ng Doctor.

"Anong lason? Wala po akong ibang kinakain kundi ang lutong bahay."

"It's based on scientific results—" I cut him off.

"Uulitin ko po wala po akong nakain na kahit ano. Hindi rin po ako masyadong lumalabas para malason." Natahimik ang Doctor na nasa harap ko. May kinuha itong folder at inabot sa akin para basahin ko.

"Ilang ulit na po kaming nag-test at iisa lang ang naging resulta. Hindi pa namin alam kung paanong napunta ang lason sa katawan ninyo. At gaya ng sinabi ko ay kailangan ninyong kumalma para hindi masyadong bumilis ang pagkalat nito. Kailangan pa namin ng maraming oras dahil ang lason na nasa katawan ninyo ay bihira at madalang lang ang pharmaceutical company na nagbebenta ng gamot para rito. Kadalasan sa lason na ito ay inaabot ng isang buwan bago tuluyang kumalat sa katawan ninyo at bibilis ang pag-kalat nito kapag pinapagod niyo ang sarili niyo at naglalabas kayo ng lakas. Mawawalan ng pakiramdam ang buong katawan ninyo at hindi niyo ito maigagalaw hanggang sa unti-unti kayong bawian ng buhay."

Nabitawan ko ang folder na hawak ko. Hindi ako makagalaw. Naramdaman ko nalang ang pag-daloy ng luha sa pisngi ko.

"T-this can't be...No. No. Hindi yan totoo." Nanginginig ang labi ko. "Hindi yan totoo!" Itinapon ko ang folder na 'yon.

Paano akong kakalma?! Hindi ko man lang namalayan na manganganib ang buhay ko. Si Zashi?! Kanina pa ko tanong ng tanong tungkol sa kanila pero walang sumasagot.

"Celeste, huminahon ka!" Tatanggalin ko sana ang dextrose na nakakabit sa'kin ng hawakan ako ng mga ito. Naramdaman ko nalang na may tumusok sa braso ko.

At dahil sa ginawa nila ay may isang bagay akong naalala.

"El-Elmo." Ang huling salita na lumabas sa labi ko.

Si Elmo. Mayroon silang pharmaceutical company. Hindi ako pwedeng mag-kamali!

Si Elmo lang ang nag-turok sa akin ng syringe...

Para akong nabingi at kusang sumarado ang mga mata ko.

TBC...

MY UNBIOLOGICAL SISTER (G×G) Where stories live. Discover now