CHAPTER 39

262 18 1
                                    

Zashi's POV

Nagmadali akong umuwi dahil sa narinig ko. Naputol ang sasabihin ni Ate sa hindi ko malamang dahilan.

Pinaharurot ko ang sasakyan hanggang sa maka-uwi. Tinakbo ko ang pagitan ng garahe at pinto. Pag-pasok ko sa sala ay naroon si Nanay At si Ate Fhey.

"Nay si Celeste po?!" habol ang hininga ko. Napahawak pa ako sa pader na malapit sa akin para doon humugot ng lakas.

"Hindi pa siya umuuwi. Kanina pa nga naghihintay si Fhey dito dahil tinawagan daw siya at pinapadala itong mga dokumento." Napagawi ang tingin ko kay Ate Fhey na balisa.

"Wala siya sa company?!" Inabutan ako ni nanay ng tubig.

"Isang oras na mula nung umalis siya. Nauna pa nga ako sa kaniya." nakayukong sabi nito.

"Baka may dinaanan lang." Dahil sa sinabi ni nanay ay naisip ko siyang tawagan. Pero ring lang ito ng ring. Napatayo ako at hindi mapakaling nagpabalik balik sa paglalakad. Pang-sampo na tawag ko na pero wala parin.

"Hindi sumasagot eh." Sinubukan ko pa ulit. Napahinto ako ng makita ko si Ate Fhey na umiiyak.

"Zashini, p-patawarin mo ako." Nakayuko lang siya at nanginginig ang mga kamay niya.

"Anong ibig mong sabihin?!" hindi ito nag-salita. Kumuyom ang kamao ko at biglang nakaramdam ng kaba.

"Ate Fhey magsalita ka!" Inalog alog ko siya. Hinawakan ako ni Nanay para ilayo.

"Buhay ng pamilya ko ang nakasalalay sa impormasyong ibibigay ko sayo. Patawarin mo ako, hindi ako pwedeng mag-salita."

"Tapos buhay ko yung sisirain niyo?! Nasan si Celeste?! Nay bitawan mo po ako." patuloy lang ito sa pagpigil sakin.

"Zashini huminahon ka."

Tumayo siya at akmang aalis na. Mas lalong nadagdagan ang galit ko dahil sa ginawa niya.

"Hindi ka makakalabas ng bahay na 'to kung hindi ka magsasalita. Ate Fhey wala kaming ginawa sayo, alam mo yan. Bakit kailangan na isa ka pa sa sumira ng buhay namin?!" Tuluyan akong nakawala sa hawak sakin ni Nanay.

"Zashini!" hindi ko pinansin ang sigaw nito.

Hinila ko si Ate Fhey sa braso at wala akong pakielam kung makaramdam siya ng sakit.

I forced her to sit on the couch.

"Ate Fhey mananatiling nasa panganib ang buhay ng pamilya mo kung hindi mo ako tutulungan. Pangako ko sayo na ililigtas natin sila. Ate Fhey parang awa mo na, dagan dagan na ang problema namin." Lumuhod ako sa harap niya. Hindi ko mapigilan ang luha ko sa isiping baka nasa panganib si Celeste sa mga oras na'to.

"Zashini h-hindi pwede."

"Ate Fhey, please! Buhay mo at buhay ko ang nakasalalay dito. Hindi ko kayang mabuhay ng wala siya. Kung natatakot ka para sa pamilya mo, natatakot din ako." hindi ako tumayo. Tumahimik kaming pareho at tanging mga hikbi lang ang maririnig samin.

"Ate Fhey, ligtas ka dito. Ano man ang sasabihin mo ay mananatili sa bahay na 'to. Alam na namin ang totoo. Sabihin mo, may kinalaman parin ba dito si Uncle?"

Tumango siya. Pumasok si Kuya Kino at tinututok ang baril kay Ate Fhey. Umiling ako para ibaba niya 'yon.

"It was your uncle. Kinuha nila ang p-pamilya ko." Pinainom ko ito ng tubig para maayos na makapag-salita. "Para gamitin nila iyon laban sa'kin. Totoo ang sinabi ko na nakita ko noong nasunog ang bahay niyo. Pero para patahimikin ako ay kinulong nila ako sa takot."

"Dalawang buwan na akong walang pamilyang inuuwian. Kung ano ano ang pinapagawa nila sa'kin. Ako ang nagnakaw ng funds ng company dahil sa utos nila. May plano pa sila pero hindi ko 'yon alam. Maniwala man kayo o sa hindi. Hindi ko ginusto lahat ng mga sinabi ko. Nakatali ako at para akong robot na kino-control ng mga hay-p na yon!" bakas sa mukha niya ang halo halong galit, lungkot at pagsisisi.

"Zashini, ako ang—ako ang..." Hindi nito matuloy ang sasabihin.

"Ate sabihin mo. Ano yun?"

"Ako ang nag-timbre sa kanila kaninang pauwi si Celeste. Siguradong sa mga oras na 'to ay hawak na nila siya." Nahampas ko ang lamesa dahilan para mapapitlag ito sa gulat.

"P-patawarin m-mo ako." Siya naman ang lumuhod sa harap ko.

I clenched my jaw and fist in anger. You f-ckin dem-n! You'll pay for this!

"Alam mo ba kung saan siya dinala?"

"H-hindi."

Parang sasabog ang ulo ko. Paano ko siyang hahanapin? Ni wala akong idea kung saan siya pwedeng dalhin.

Nilibot namin lahat ng mga rest house, resorts, farms and even the mansion. Pinuntahan din namin ang company at bar na pagmamay-ari ni Uncle pero dalawa lang ang sagot nila 'wala o matagal ng hindi bumibisita doon si Uncle.'

Nagbantay kami ng hiwa-hiwalay sa bahay at mansion pati sa company. Doon namin hinintay si Uncle. Sabi ni Nanay matagal na silang hindi nag-kausap ni Ate Pina. Kaya hindi niya alam kung nasaan na ito ngayon. Pinuntahan din namin siya sa dating bahay nila pero ang sabi ay nakalipat na raw ito at walang nakapag-sabi kung saan.

Napaghandaan ko na 'to pero kinakabahan parin ako. Nakatanggap ako ng tawag at mabilis pa sa alas kwatro kong sinagot iyon.

"Babe, I'm home." Nabuhayan ako dahil sa boses na 'yon. Agad akong umuwi pero hindi pa tapos ang paghihintay namin kay Uncle. Nangako akong ililigtas namin ang pamilya ni Ate.

Pagdating ko sa bahay ay nakita ko si Ate Fhey na nakaluhod sa harap ni Celeste.

"Tumayo ka na diyan. Alam ko na ang totoo. Huwag kang mag-alala tutulungan kitang ibalik ang pamilya mo." Hinawakan niya sa dalawang balikat si Ate Fhey at iginiya patayo.

Niyakap nila ang isa't isa.

I hope everything will be fine.

Napansin niya akong nakatayo sa pinto. Lumapit siya sa akin at dinaluhan ako ng mahigpit na yakap.

She whispered on my ears. "Babe, let's make love tonight." Napangiti ako dahil sa sinabi niya.

Nag-dinner muna kami kasama si Ate Fhey. Gutom na gutom siya at halos maubos niya ang mga nakahain. Madalang daw itong makatikim ng mga ganito kasarap na pagkain. Pagkatapos ay ihinatid namin siya sa guest room.

Kami naman ay pumunta na sa kwarto namin.

TBC...

MY UNBIOLOGICAL SISTER (G×G) Where stories live. Discover now