CHAPTER 56

230 9 2
                                    


Celeste's POV

She's here. I can't believe it. I'm so happy to see her!

Pero hindi pa rin siya makakalusot...hmp!

She was about to speak when her phone rang.

"Be right back, let's talk later." dinampot niya agad ang phone niya ng hindi tumitingin sa caller ID.

Hinawakan ko ang braso niya at pwersahan siyang pina-upo kahit na nanghihina ako.

"Babe." nagtatanong ang mga mata niya.

"There..."

Kinuha ko ang phone sa kamay niya saka tinignan kung sino iyon.

Hmm...Kuya Evren. Looks like it's important.
Ini-loud speaker ko iyon na tama lang para marinig naming dalawa.

"Zashini, they already took them down. Papunta na rin ang mga pulis doon. Hinihintay na ni Kino ang code." bigla namang nataranta si Zashi dahil sa sinabi nito.

"Kuya, binigay ko sa'yo yung kwintas diba?" kunot noong tanong ni Zashi. Ako naman ay naguguluhan sa kanila.

"No, you didn't. Sabi ko itago mo na."

Hinalukay nito ang mga gamit niya saka nagmamadaling bumaba.

"Wait for her. Baka naiwan sa sasakyan."

Ilang minuto lang ang naka-lipas at humahangos na naman ito pabalik. "Kuya wala sa kotse. Wala din sa gamit ko."

"Baka naibaba mo lang kung saan?"

Umakto ito na nag-iisip. Pabalik balik siyang nag-lalakad at hindi mapakali.

"Zashi, maupo ka nga. Nahihilo ako sa'yo. Hindi mo maiisip kung hindi ka magpo-focus."

"Wala akong masyadong nilapitan pag-tapos kong makuha 'yon. Tinanong pa ni Tito Philip kung para saan 'yon."

"Si Philip?!" sigaw ni Evren sa kabilang linya. " You told him that it's important?!"

"Y-yes. Why?" nagulat kami ng malakas na tumunog ang pag-hampas ni Evren sa lamesa.

"I just found out na siya ang mole sa company. Yung mga nawawalang funds ay sa kanya napupunta. Narinig ko silang nag-uusap ni Clint at gusto kang palitan ni Philip bilang CEO." Evren sighed in frustration.

"Kuya, are you sure about this? He's the most trusted person in the company." hindi makapaniwalang tanong ni Zashi.

"Noon ko pa napapansin ang mga kilos niya. Nag-ipon lang ako ng mga ebidensya. Pupunta ko riyan. Kailangan nating makuha yung code."

He ended the call...

"Ang tanga ko." napansin kong kumuyom ang kamao ni Zashini. Bakas sa mukha niya ang galit. Para bang may apoy sa mata niya na anumang oras ay maaaring sumiklab.

Pinag-siklop ko ang kamay namin. Nilingon niya ako ng may malambot na ekspresyon sa mukha niya.

"Hindi ka tanga. Sadyang busilak lang ang puso mo pero sa susunod huwag kang mag-tiwala sa kung sino-sino.

"I hate this."

"Kailangan mo pa bang sumama? Pano kung may mangyari na sa'yo?" ini-angat ko ang isang kamay ko para haplusin ang pisngi niya.

"I have to. Nangako akong ibabalik ko sa'yo si Yaya. Kailangan ko din siguraduhin na ligtas silang lahat."

"Kung ganon—" dumako ang tingin ko sa mga labi niya.

I miss her kisses...I missed her so much!
But I respect her decision.  I just gave her a peck kiss.

"Mag-iingat ka." tumango lang ito sa'kin habang naka-simangot. "Why?"

"I wanted to stay by your side. But I trust Amery, she'll make sure na gagaling ka." sinuri niya ulit ang mga kamay ko.

"Bakit siya pa? Hinayaan mo nalang sana 'ko." kaya pala parang nang-aasar pa ito ng sabihing si Zashi na ang magpapakilala.

"Chill. She means no harm." She said as she look straight into my eyes.

"Just make sure." humiga na ako dahil ramdam ko agad ang pagod.

"I love you." ani niya bago halikan ang likod ng palad ko.

"I love you too." I felt the butterfly in my stomach. I still can't believe that Zashi will make me feel like this.

Pinaglaruan niya ang mga daliri ko habang tahimik lang kami dalawa at ngingiti kapag nagka-tinginan kami.

Umusog ako ng kaunti para maka-higa siya sa tabi ko.

She's brushing my hair while humming.  Nakaramdam ako ng antok hanggang sa tuluyan akong maka-tulog.

Paggising ko ay wala na si Zashi. Nag-iwan lang ito ng note sa table.

'I'll be back as soon as I can. Don't forget to drink your medicines. Amery will take care of you. I love you!" - Yourcutebabe

Bahagya akong natawa sa codename na nilagay niya.

Tinago ko ito ng may kumatok.

"Come in!"

She smiled at me like we were close enough.

"How are you?" umupo siya sa stool sa gilid ng kama habang tinitignan ang mga kamay ko.

"I'm still alive." walang emosyong sagot ko.

"Parang may galit ka sa'kin ah. Well, do you wanna hear a secret?"

Nagkibit-balikat lang ako.

"Zashi told me that I'm her first love. But I kept on teasing her na baka hindi talaga ako yun."

"Why do you say so?"

"Kasi hindi niya nagawa sa'kin yung mga bagay na ginagawa niya para sa'yo. She almost died just to make you happy. She even swallowed her pride just to help you and make sure that you'll be fine."

"What do you mean?"

"Hindi naman talaga kami lumipat ng bahay. Ako lang. Naiwan sila Dad dito sa Pilipinas. Pinadala nila ko sa Spain para ilayo kay Zashi. I can't do anything about it. Kaya kahit na masakit para sa'kin—lumayo ako. Saka para na rin sa ikabubuti niya dahil hindi ko kayang ibalik yung nararamdaman niya para sa'kin." Tumayo si Amery at kita ko ang bigat sa loob niya.

Kasi sino ba namang hindi? Ang laking adjustments nung nangyari. Bukod sa nalayo siya sa bestfriend niya, nalayo din siya sa bansa na naka-sanayan niya.

"Zashi told me na bibisitahin niya ako dun. Kasi sobrang dali lang naman para sa kanya. Hindi na problema ang pera pero wala akong nakitang Zashi. Walang dumating at kumatok sa bahay namin."

Ngumisi ito pero bakas ang lungkot sa mukha niya.

"Pero bigla siyang nag-pakita sa'kin. She's begging for me just to help you. I didn't hear anything from her about us but I know hindi naman niya kasalanan. Ako yung umalis at nang-iwan sa kanya."

Kinuha niya ang frame na may litrato namin ni Zashi at pinaka-titigan ito.

"Lumuhod siya sa harap ng parents ko para lang tulungan ka. Si Dad kasi ang may pinaka-malaking Pharmaceutical Company sa asia. Wala pang isang araw ay nahanap na namin ang gamot na kailangan mo. Hindi ka pinabayaan ni Zashi, planado lahat ng kilos niya."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Noong gabing nadukot ka at umuwi ka. Pina-check up ka niya hindi lang dahil sa laceration. May ibang test sila na ginawa sa'yo."

"What?! Kaya pala ganun katagal? Na-weirduhan ako sa mga test na ginawa nila saka madaling araw pa nila ginawa."

"They found out that you got poisoned. Hindi lang nila pinahalata dahil lilihis ang plano nila. Pero hindi ka niya pinabayaan kagaya ng iniisip ng pamilya mo."

A/N: Sorry sa mabagal na update guys. Pero tuloy lang ang daloy ng story.

MY UNBIOLOGICAL SISTER (G×G) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon