CHAPTER 23

270 18 2
                                    

Celeste's POV

Unang tunog palang ng alarm ay nagising na 'ko. Naligo muna ko bago lumabas. Pakiramdam ko kasi ay masyado na 'kong tumataba kaya kailangan ko ng mag-ehersisyo. Sinuot ko ang sports bra at leggings na dala ko. Kinuha ko pa ang ka-isa isang rubber shoes na dala ko sa maleta. Lumabas muna ako para kumuha ng tubig.

"Where are you going?" Natulog ba siya? She has a dark circle under her eyes.

"Magja-jogging lang ako Zashi. Huwag niyo na kong intayin, mauna na kayong kumain."

"Ng ganyan ang suot mo???" umagang umaga hindi maipinta ang mukha niya.

"Yes, why? Do you want me to change it?" Conservative talaga si Zashi. Ayaw niyang nagsusuot ako ng masyadong maiksi pero sanay naman ako dito. Palaging ganto ang suot  ko kapag nagji-gym ako.

"Yeah." mabilis na sagot nito.

"Hug your ate first." Nag-iwas ito ng tingin. Lumapit ito sa akin at niyakap ako ng hindi tumitingin. Hayst!

Namimiss ko na yung dating kami. Yung kaming dalawa yung tabing matulog tapos yayakapin niya ako paggising niya. Paghahandaan ko siya ng pagkain tapos nagagawa pa naming halikan ang pisngi ng isa't isa. Binibiro niya pa 'ko at sobrang daldal niya. Sana bumalik na yun.

"Look at me." hindi siya tumingin sakin at tinanggal na ang yakap saka walang pasabing umalis. Ako naman ay nagpalit ng hoodie jacket.

Sa loob ng dalawang linggo ay kung saan saan kami nakarating pero hindi ko masyadong na-feel. Nilibot namin ang mga sikat na tourists spot. Si Pau lang ang lagi kong kausap habang si Zoe at Nicole ay bangayan ng bangayan. Keshu lulubay din si Zoe dahil malapit ng lumutang ang ship nila na hindi ko maintindihan.

Sobrang proud ako sa kaniya ng umakyat kami sa stage. Ang daming banner kahit hindi naman siya kilala. Katulad ng pangako ko ay ako ang umakyat sa stage. Ramdam kong iniiwasan niya 'ko. Hanggang sa maka-uwi kami ng pilipinas ay ganon siya. Pero hindi 'yon ang gusto ko. Gusto kong bumalik yung dating siya kaya nag-iisip ako ng paraan kung paano. At kung paano niya sasabihin sakin ang gumugulo sa kaniya.

Mag-kasama kami ngayon ni Paula dahil hihingi ako ng tulong sa kaniya. Pero kasama niya si Nicole. Mabuti nalang at wala si Hanna baka mamaya ipag-sigawan pa niya yung nangyari.

"Ate pasensya na pero wala talaga akong alam. Ang sinabi lang niya sakin ay buhay ka, hindi na niya na-kwento ang sumunod na nangyari. Ni wala nga kaming alam diyan kay Zoe."

"Kung ganon sinasarili lang niya ang mga problema niya." mas mahihirapan ako kung ganito. Napakahirap pa naman niya kausapin ngayon.

"Pero ate, I have an idea para mapalambot mo ulit siya." binalik ko ang tingin ko kay Pau.

"Ano?" I curiously asked.

"How if takutin mo siya. Kunware magpapakamatay ka or tatalon ka sa building ganon?" Binalibag ko ng panyo si Pau dahil sa sinasabi niya.

"That's too dangerous! Bukod pa do'n puro trauma na natatanggap ni Zashi, dadagdagan ko pa ba?" hindi ko alam kung natanggalan ba ng turnilyo sa utak 'tong si Pau. Parang naubos ang utak niya sa puspusan na pag-aaral.

"I have another idea. This is good and most effective way." heto na naman. Baka siya ilaglag ko sa building sa mga pinagsasabi niya.

"Ayusin mo Pau. Naku! talaga." uminom ako ng juice dahil naii-stress ako.

"Seduce her." naibuga ko ang ininom ko dahil sa sinabi niya. Mabuti nalang at hindi sa mukha niya.

"The hell?!" Seryoso ba siya.

"Ang dali po kaya no'n. Halikan mo lang agad agad siguradong 'di na papalag si Zashi. Nagchukchakan na nga kayo sa cr ng eroplano." pag-singit ni Nicole. Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sinasabi niya. Kinwento ko kay Pau ang nangyari, hindi ko naman alam na nakikinig pala 'tong isa na 'to.

"Bakit ba kasi sumama ka pa eh si Pau lang naman ang pinapunta ko." pagsusungit ko dito.

"Aray ah! Syempre po ako ang vice president ng Team Celshi. Layag!" napatingin samin ang mga tao dahil sa sigaw niya.

"Huh?" tanong ko rito pero hindi na sumagot.
Nahiya siguro dahil sa ginawa niya.

"Ate ang clumsy mo." pinamunas ni Pau ang panyo na ibinato ko sa kaniya kanina. Sumimangot pa ito.

"Are you serious?! Seduce her? Effective na yan? Mag-kapatid kami oy! Saka may girlfriend si Zashi."

"Ate do you think kapatid lang talaga yung tingin ni Zash sayo?" seryosong tanong nito bago ibaba ang panyo.

"What do you mean?"

"Have you ever been inlove?" she rolled her eyes. She looks irritated.

Aba! Isa pa toh mukhang nakakalimutan niyang mas matanda ako sa kaniya ng five years! Kung maka-irap eh napaka-sarap dukutin ng mata.

"Hindi pa." totoo naman kasi. Hindi pa 'ko nainlove dahil binubuhos ko yung sarili ko sa pag buo ng future ko kahit wala pa akong future husband.

Pero bakit nga ba wala akong magustuhan? Ang daming nanligaw sakin, hindi ko na nga sila mabilang. Kung ano-ano din binibigay nila sakin pero naiinis at naiilang lang ako sa kanila. Kahit magka-crush nga eh wala talaga maliban nalang sa mga korean drama artists. Ang masaklap pa do'n no boyfriend since birth ako. Hinahanap ko kasi yung matino dahil ayoko ng mangyari yung nangyari kay Dad.

Lalo na yung pinagawa sakin ni Lita. Ayokong magka-boyfriend o magka-asawa dahil lang sa pera. Gusto ko yung genuine pero sa kakahintay ko, mukhang tatanda akong dalaga.

"As in?? How about boyfriend nung teenager ka?" hindi makapaniwalang tanong nito.

"Never pa 'kong nagkaroon" Nag-tinginan pa silang dalawa ni Nicole at hindi makapaniwala. "But I'm open-minded." pag-depensa ko sa sarili ko. Dalawampu't anim na taong gulang na ako pero parang hilaw parin ako sa bagay na 'to.

Lumabas pa sila ng restaurant at doon nag-usap. Habang ako naman ay inabala ang sarili ko sa phone. Pag-balik nilang dalawa ay seryoso na naman ang mga mukha nila. Para silang lalaban sa digmaan.

TBC...

MY UNBIOLOGICAL SISTER (G×G) Where stories live. Discover now