CHAPTER 15

268 17 0
                                    

Celeste's POV

"No, she's not the reason why your mother died."

"Pero yun ang sabi ni—"

"Huwag na huwag kang maniniwala sa kaniya. She's good at manipulating people's emotion."
Napayuko ako dahil doon. Masyado na ba akong kinakain ng emosyon?

"Si Zashini lang dapat ang kailangan nila. Mga pinsan ni Lita ang may gawa no'n, para sa pera. Pero si Lita, siya ang nag-utos na iligpit ang Mama mo dahil akala niya ay mahal ko pa ang Mama mo. Madalas kitang dalhin sa kaniya noong bata ka. Iyon ay dahil may karapatan din siya bilang ina mo. Nang makuha nila si Zashini ay hindi nila hinayaan ang Mama mo. Ini-utos ni Sir Federico kay Mack na balikan si Jane dala ang karagdagan na pera. Itinakas ni Mack ang pera dahilan para tuluyan nilang patayin ang Mama mo."

Mahigpit ang hawak ko sa litratong iyon habang nanginginig ang kamay ko.

"Ibinigay nila sa amin ito. Balak ko ng itapon pero tinago ko parin dahil alam kong darating ang araw na 'to. Pero hindi lang yan ang kailangan mong malaman. Ang pagkamatay ng mama mo ang dahilan ng pagkamatay ng pamilya ni Zashini." ini-abot niya sa akin ang blue notebook na sa tingin ko ay diary ni mom.

"A-anong ibig mong sabihin Dad?" tumatayo ang balahibo ko dahil sa mga nalalaman ko. Paanong umabot sa ganito?

"Nang makalaya ang asawa ng mama mo. Pinlano nila ang pag-ganti sa pamilya ni Zashini dahil sa nangyari sa Mama mo. Inamin nila 'yon bago sila bitayin."

Parang may malaking bato na dumagan sakin. Hindi ako ang dapat na magalit kundi si Zashi. Wala akong karapatan na mag-tanim ng sama ng loob sa kaniya. Uncle man niya ang may gawa non pero hindi nila yon ginusto.

Nanlalambot akong lumabas ng office ni Dad. Paulit ulit na tumatakbo sa isip ko ang napag-usapan namin. Sobrang gulo ng isip ko.

Zashi don't deserve this. But instead of thinking about her, I leave her behind. But the worse is I hurt her even more.

Pinag-pahinga lang ako ng isang linggo ni Dad. Siya na ang humikayat sakin na umuwi. Binigyan niya ko ng pera at tinulungan na humanap ng condo.

Tumatak sa isip ko ang sinabi ni Dad na
'Ang taong may pusong nasasaktan ng lubusan ay mabilis lang na malalason ang isipan.' Iyan ang nangyari sakin at hindi malabong mangyari kay Zashi.

I have to talk to Zashi as soon as possible. I need to explain everything.

Pag-uwi ko ng pilipinas ay kaagad kong pinuntahan ang mansion nila Zashi. Hinarang ako ng guard at hindi nila 'ko pinapasok.

"Kuya. Kailangan kong makausap ang may-ari ng bahay na 'to. Parang awa niyo na!"

"Pasensya na po Ma'am. Hindi po kasi nagpapasok ng bisita na hindi kilala." ani nito. Naupo ako sa isang gilid para hintayin nalang siyang lumabas. Kahit harangin ko pa ang sasakyan niya, kausapin niya lang ako.

"Celeste?" Napalingon ako sa ginang na tumawag sa akin.

"Manang Lorna?"

"Akala ko ay malabo lang ang mata ko, ikaw pala talaga yan. Halika at sumabay ka na sakin." Sa wakas ay pinapasok ako ng mga guard. Napakalawak ng mansion na 'to. May fountain pa sa labas at napakalaki ng garahe. Walang sinabi ang garden sa nasunog kong bahay sa garden nila.

"Hindi Lorna ang pangalan ko, Tessa. Pasensya na at itinago ko iyon sayo. Pareho kasi tayong mapapahamak kung sakali." pag-hingi nito ng paumanhin.

"Ayos lang po. Pero ano po bang ginagawa niyo rito?" I curiously asked.

"Kapatid ko si Yen, ang mayordoma at tumayong ina ni Zashini." napatango ako dahil doon. Nang makarating kami sa malaking pinto ay nakaramdam ako ng kaba.

Parang nawala ang mga sasabihin ko. Pero nandito na ko, wala ng dahilan para umatras pa 'ko.

Nagtatanong ang mga mata ni Nay Yen na tumingin kay Nay Tessa. Sabi niya ay tawagin ko nalang siyang nanay dahil hindi naman na ako iba sa kaniya.

"Nandito siya para kay Zashini." tumingin naman ito sakin.

"Naku! Iha sa tingin ko ay hindi ito ang tamang oras para kausapin mo siya."

"B-bakit po?" mas lalo akong kinabahan dahil sa sinabi nito.

"Hindi na siya ang Zashini na nakilala mo noon. Palaging mainit ang ulo niya. Marami na ang katulong na umalis dahil sa kaniya." iginaya nila ako papunta sa couch para maupo.

Binigyan ako ng juice ni Nay Yen.

"Pwede ko po bang subukan? Kailangan ko po talaga siyang makausap. Lahat po gagawin ko para makausap siya."

"Lahat?" Napalingon kami sa nag-salita. Napalunok ako at hindi ko maalis ang tingin ko. Nakakapaso ang mga tingin niya sakin. Tingin ko ay galing siya sa pool dahil nakasuot siya ng bathrobe.

Tumikhim si Nay Yen at inaya si Nay Lorna na lumabas muna para daw makapag-usap kami.

"Zashi." mahina pero alam kong narinig niya 'yon.

"Zashini not Zashi." naramdaman ko ang sakit dahil sa sinabi niya. Malamig pa sa yelo ang boses niya at ang mga tingin niya ay para bang hindi siya interesadong makita ako.

"Hayaan mo akong mag-paliwanag." She just rolled her eyes.

Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Tinalikuran niya ako at umakyat sa hagdan.

"Follow me." mabilis pa sa alas-kwatrong sinundan ko siya hanggang sa makarating kami sa isang kwarto.

Pag-pasok ko ay dumiretso siya sa closet.
Ako naman ay nakatayo lang sa tapat ng nakasarang pinto.

Pag-labas niya ay hindi ko maiwasan na pasadahan siya ng tingin. I secretly lick my lower lip pero hindi iyon nakatakas sa kaniya.

Kahit sinong lalaki ay maglalaway kapag nakita siyang ganto. Nakatulala ako at hindi ko namalayan na nasa harap ko na pala siya

"You said, you'll do everything maka-usap mo lang ako right?" nakapamewang siya. Pero parang may kakaiba sa boses niya. She's talking like...nevermind.

Tumango ako bilang sagot.

"But how if this is what I want." itinaas niya ang kanang kamay niya at hinaplos ang leeg ko pababa sa braso ko gamit ang hintuturo niya.

The hell! Nananaginip ba ko?

Kinabig ko ang kamay niya pero nagulat ako ng isandal niya ako sa pinto. Naramdaman ko ang mabangong hininga niya na tumatama sa leeg ko.

"Z-zashi. A-anong ginagawa m-mo?" nauutal ako kasabay ng pag-bigat ng hininga ko. Hindi siya umalis sa pwesto namin at hindi naman ako makagalaw dahil sa pagkaka-hawak niya sa kamay ko.

"Zashi." muli kong tawag sa kaniya.

"Hindi ka makakalabas sa bahay na 'to hanggat hindi ko sinasabi." binitawan niya ako at isinuot ang polo niya.

"I need to go home."

"Baka nakakalimutan mong pumasok ka dito ng walang pahintulot ko. Dapat ay kasuhan kita ng trespassing. Miss Celeste Ryle Gomez Ruiz." humarap siya sa akin ng banggitin niya ang pangalang iyon. Gomez is my real mom's surname.

I dropped my jaw. Does she know?!

Iniwan niya ako sa kwartong iyon. Hahabulin ko sana siya dahil kailangan kong umuwi sa condo. Narinig kong sumigaw siya at ibinilin kay Nay Yen na huwag akong palalabasin.

God! I'm doomed!

TBC...

MY UNBIOLOGICAL SISTER (G×G) Where stories live. Discover now