CHAPTER 60

524 19 3
                                    

Celeste's POV

Mabilis akong lumabas ng makarinig ako ng malakas na pagsabog. Kumakabog ang dibdib ko na lumabas ng pinto pero walang tao roon. Aakyat na sana ako ng makita ko na akay akay nila si Zashi at Amery.

"A-anong—anong nangyari?!" mabilis kong nilapitan si Zashi at sinuri kung may sugat ba siya.

"Ayos lang sila. Si Amery ay nahihilo at nasusuka. Si Zashi hinimatay." Ipinasok nila si Zashi at Amery sa kwarto namin dahil iyon lang ang pinaka-malapit.

Bahagyang umusad si Amery palapit kay Zashi at kinapa kapa ito para tignan kung may sugat.

"She's fine, you should rest too." ani ko sa kanya.

"Take care of my lil sissy, Ate." ani niya saka malapad ang ngiti na pumikit.

Gusto ko silang bantayan pero kailangan naming tatlo na magpahinga. Pumunta ako sa kwarto ni Mama at hinanap siya.

"Mama?" tinulak ko ang pinto dahil lagi naman itong iniiwan na bukas.

"Celeste?! Ikaw ba 'yan? Halika dito kailangan nating magtago. Nandyan na sila." ani niya habang hawak ang tainga na nasa ilalim ng vanity mirror.

"Ma, lumabas na po kayo diyan. Okay na po."

Wala pang nagsasabi kung anong nangyari at hinihintay pa namin si Evren at Kino.

Inaya ko si Mama at nahiga sa tabi niya kahit na wala pang tanghali. Naramdaman ko na naman ang antok. Isa rin kasi ito sa side effects ng iniinom kong gamot.

Yumakap ako kay Mama at ganon din siya sa'kin. Napangiti ako sa ibinulong niya sa'kin.

"Anak, bagay kayo ni Zashi." Hindi ko alam kung nasabi na ni Zashi kay Mama. Hinihintay lang namin siya na gumaling bago namin sabihin ng pormal kung ano ang relasyon namin.

Nagising ako ng may tumapik sa braso ko. Nakita ko si Geno na nakatayo sa gilid ko.

"B-bakit?" I yawned. I want to sleep more but it looks like important.

"Hinahanap ka ni Ate Zashi." Dahan dahan akong bumangon at lumabas kasama si Geno dahil baka magising si Mama.

Mabilis ang mga hakbang ko ng makalabas sa pinto para makapunta sa kwarto namin ni Zashi. Wala na doon si Amery.

"Baby, kamusta ang pakiramdam mo?"
Tumabi ako sa kanya at umusog naman siya sa'kin tapos yumakap.

"Ayos na kasi nandiyan ka na."

"Hindi ka na nahihilo?"

"Hindi na po."

Sinuklay ko ang buhok niya gamit ang mga daliri ko.

"Saan mo ba kasi nakuha yung bomba na yun??" Natahimik siya at tinanggal ang braso niya na nakayakap sa akin.

"Sa balcony, ibang iba kasi yung kulay niya sa mga halaman doon. Pina-check na ni Amery lahat ng sulok ng bahay para masiguro na wala ng bomba.

"Sa tingin mo sino ang may gawa nun?"

"Hindi ko alam." 

Bakit parang may tinatago siya sa'kin?

Parehas kaming napalingon sa phone niya na sunod sunod na tumutunog. Mabilis niyang kinuha iyon saka tumayo. Napakunit ang noo ko sa ginawa niya.

"Zashi."

"Iinom lang ako ng tubig."

"Ibigay mo sa'kin ang phone mo." malamig at maawtoridad kong sabi. Tumingin siya sa phone niya at bubuksan sana pero binawal ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 25 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MY UNBIOLOGICAL SISTER (G×G) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon