Chapter 1- LETTER

11 0 0
                                    

~Year 2014-2016~

"Good morning. Excuse po kay Morin." sabi ko sa kaklase ng kakambal kong si Morin.

Isa akong grade seven student sa paaralang pinapasukan ko. Hiwalay kami ni Morin ng room dahil bawal kaming dalawa na pagsamahin. Sa may gilid ng bintana siya mismong nakaupo kaya nagpunta ako doon para ibigay sa kanya ang baon niya. Isang room lang naman ang pagitan ng room namin. Madalas n'ya kasing maiwan ang baon niyang pera sa bahay kaya napag usapan naming ako na lang ang magdadala at tuwing breaktime ko na lang ibibigay sa kanya. Nakasanayan na rin namin 'yon.

Akmang aalis na ako nang tinawag ulit ako ni Morin at binigyan ako ng nanunuksong tingin. Agad ko siyang inirapan.

"Ano na namang tingin yan?"

"Crush ka daw ni Calis! Two percent nga lang." sabi niya pa habang tumatawa na ewan. Agad akong napamaang.

Like, what? Two percent? May ganon bang crush?

Inirapan ko na lang siya at bumaling sa may bintana nila. Nakita kong nakasilip doon si Calis at umiwas ng tingin sakin habang nakangiti. Edi ikaw na ang may dimples!

Si Calis ay kaklase ni Morin sa batch namin at katabi sa upuan. Kapag pumupunta ako sa room nila para iabot ang baon n'ya, palagi siyang nandon at nakatingin din.

Naulit nang naulit ang routine na yon. Nakakasanayan ko na ring medyo inaasar asar na ako ni Calis at tanging pag irap lang ang ganti ko sa kanya. Hindi kasi ako komportableng makipag usap sa lalaki. Pero minsan kapag inaasar niya ako, napapangiti na lang din ako kasi pag ngumingiti siya, palaging lumalabas yung dalawa niyang dimples. Nakakahawa. Inaamin ko, hinahanap hanap ko ang pang aasar nya araw araw. And yes, I fell. At a young age.

Natapos ang grade seven at grade eight na kami. Hindi na naging kaklase ni Morin si Calis. Pinaggigitnaan ng room nina Morin at room nina Calis ang room ko. Higher section sina Calis.

Months have passed and Calis never failed to annoy me. Na kahit hindi ko na pinupuntahan si Morin sa room, siya naman ang pumupunta sakin para kulitin ako. At sa puntong iyon, I confessed through writing.

'I like you, Calis.'

Kumakabog ang dibdib kong tinupi ang papel na naglalaman ng sulat. Lumabas ako ng room para sumilip sa room nila Calis. Nakita ko siyang nakikipag tawanan sa mga kaklase nya. Kinuha ko iyong pagkakataon para pasimpleng tawagin ang kaibigan ko na kaklase rin ni Calis.

"Pst, Sanny!" pabulong na tawag ko dito. Agad naman itong lumabas sa room nila at nagtatakang tiningnan ako.

"Anong problema mo, Mor--?" bago pa man nya mabanggit ang pangalan ko ay natakpan ko na ang bibig nya at hinila sa pinakadulong hallway.

"Ano bang trip mo!?" naiinis nyang tanong sa akin nang matanggal ko ang kamay ko sa bibig nya.

"P-pwede mo ba akong tulungan?" nahihiyang tanong ko sa kanya. Desidido na akong sa kanya lumapit dahil alam kong siya lang ang makakatulong sa akin.

Pinagkrus nya ang braso nya at malisyoso akong tiningnan. "Anong kalokohan ang gagawin mo, aber?"

"Grabe naman to. Magpapatulong lang, kalokohan na. Ngayon lang naman e." pagtatampo ko.

"E ano ba kasi yon?"

Inilabas ko mula sa bulsa ng palda ko ang papel na naglalaman ng confession ko.

"P-pwede mo bang iabot ito kay Calis?" dahan dahan at nanginginig ko itong iniabot sa kanya. Nang akma niya itong hahawakan ay mabilis ko itong itinago sa likod ko at naluluhang tumingin sa kanya.

FORBIDDEN, LOVE. Место, где живут истории. Откройте их для себя