CHAPTER 13- MAHAL DIN KITA

3 0 0
                                    

Matapos pindutin ang send button ay rumagasa na ang mga luhang kanina pang gustong pumatak. Mabuti na lamang at nakarating na ako sa canteen na tinatambayan ko sa umaga. Nakasalampak ang ulo ko sa mesa at tahimik na umiyak. Ilang minuto pa akong nanatiling ganon nang mag vibrate ang phone ko. Kinuha ko ito at binasa ang reply niya.

Calisdawin: Grabe, Moren. Ayoko umiyak

Moren: i just want to fulfill my promise to myself na maging first boyfriend ko ang first love ko.

Lie. Yeah, it's a lie. Pero totoong pinangako ko iyon sa sarili ko noon. The younger version of myself wants to be part of his life back then. She wants to marry him and live happily ever after. Walang pakialam ang batang ako sa kung anong bawal kapag hinarap namin iyon. Gusto lamang nitong magmahal dahil masarap ito sa pakiramdam.

But the truth is, I requested it because I want to feel his love. I want to cherish every moment na magkasama kami because at the end of the day, we will end as stranger again. I accepted the fact that our paths were once connected, but it always end up seperated. Masakit. I know that our interactions, late night talks and everything will end. I know that our little kilig moments will remain as our memory. Palagi kong iniisip na... will we end up together as lovers? or we will end up together as strangers again?

We are both crying. Crying with a thoughts na pagkatapos ng limang araw ay matatapos kami. He didn't answer. I told him that I will wait for his answer before this day ends. Kung ano mang magiging desisyon niya ay magiging bukal sa loob ko. At least I tried my luck, right?

Pumasok na ako sa trabaho. Baon ko ang lungkot at sakit sa dibdib ko. My day didn't go well because of the thoughts that lingering inside me. I know that my workmates noticed my behavior but they didn't say anything. Lutang ako buong maghapon. Hindi rin naging productive ang araw ko.

Mabilis na tumakbo ang oras. Pagkalabas na pagkalabas ko ay agad kong kinuha ang cellphone ko at mabilis na binasa ang message niya.

Calisdawin: Ngayon pa lang nasasaktan na ako after that five days, Moren.

Naramdaman ko ang bilis na pagsakit ng puso ko sa nabasa.

Me too, Calis.

I calmed myself. Nagsend din siya ng pictures. Pinagmasdan ko pa itong mabuti dahil pamilyar ito sa akin.

Calisdawin: Kagagaling ko lang dyan, Moren.

Oh, shookt! He came to my workplace!

Moren: Anong ginawa mo don?

Calisdawin: Naghanap kami ng damit ng pinsan ko.
Calisdawin: Btw, nakauwi ka na ba?

Moren: im on my way home.

Huminga ako ng malalim. Tila doon kumukuha ng lakas.

Moren: pumapayag ka na ba, Calis?

Calisdawin: Hindi ko yata kakayaning bumitaw after ng five days na yon.
Calisdawin: Hindi ka ba masasaktan after that five days, Moren? Hindi mo ba yun hahanap hanapin?

Moren: mahirap din 'to para sakin, Calis but atleast sinubukan natin kahit limang araw lang.

Calisdawin: See? mahihirapan ka rin diba

Bago pa ako makareply ay nagsend na siya ng picture. Screenshot iyon ng pinapakinggan niyang kanta. And guess what? He's listening to this song called 'Stay'. My heart clenching in pain again.

Moren: its okay kung hindi ka pumapayag, Calis. I will respect your decision, okay?

Mabilis niya itong sineen.

Calisdawin: Moren
Calisdawin: I love you.

Literal akong napatigil sa nabasa. He loves me? How? Anong ibig sabihin non? Did he reject my request? Is this a farewell?

Moren: Calis
Moren: last question
Moren: will you be my boyfriend for five days?

Calisdawin: It hurts, Moren. Damn it.
Calisdawin. I love you, Moren.
Calisdawin: Did you get it?

Moren: yes or no

Calisdawin: Yes, Moren.

Kaagad nag-unahan ang mga luha ko na humalik pababa sa dalawa kong pisngi. Ramdam ko rin ang pagdaan ng kirot sa dibdib ko. Para itong guhit ng kidlat na bumulusok at puso ko ang target nito. Bukod doon ay nahihirapan na rin akong huminga dahil sa pagpipigil ng iyak. Ayokong marinig nina Morin na umiiyak ako.

Kahit na malabo ang mga mata ay nagawa ko pa rin magreply sa kanya.

Moren: we are supposed to be happy, Calis. Bakit ang sakit?

Agad niya iyong sineen.

Calisdawin: what will happen after that five days, Moren?

Moren: wag muna nating isipin kung anong susunod na mangyayare, Calis. yung mga humahadlang satin, tanggalin na muna natin yon sa isip natin. lets just be happy, okay?

Calisdawin: is this just a fake relationship?

Moren: no, Calis.
Moren: lets call this a genuine relationship.
Moren: dahil walang peke dito.

Calisdawin: i love you, moren.

I smiled. Ito yung salitang matagal ko nang gustong marinig sa kanya. Natatandaan ko pa noon na tinawag n'ya ako mula sa bintana na 'mahal' pero dinugtungan na lang ng 'ang bigas sa palengke'. It turns out na pinagtitripan n'ya lang pala ako. Ako namang si tanga, lingon agad dahil boses na nya yon e. Nagkarerahan ang puso ko sa bilis ng tibok noon. Ngunit ngayon, sinasabi na nya iyon dahil iyon ang nararamdaman niya. Binabanggit niya iyon nang hindi ko hinihingi.

Huminga ako ng malalim at pilit pinapatatag ang sarili. Sa puntong ito ay hahayaan kong maging totoo sa nararamdaman ko. Sa pagkakataong ito ay hindi ko na pipigilan ang puso ko. Bukod doon ay hahayaan ko nang masira nang tuluyan ang pader na binuo ko ng pitong taon. Ngayon ay sabay na naming tititigan ang pagguho nito nang may mga ngiti sa labi.

Moren: mahal din kita, Calis.

FORBIDDEN, LOVE. Where stories live. Discover now