CHAPTER 15- LET THE BURDENS BURN

2 0 0
                                    



Days passed by quickly like a snap of a finger. Habang tumatakbo ang oras at mabilis na lumilipas ang mga araw ay nababagabag ako. Limang araw lamang ang mayroon kami at kada lumilipas ang oras ay alam kong nababawasan ito.

Sa mga nagdaang araw ay pumupunta siya sa workplace ko. Kapag nakikita ko siya doon ay otomatikong nawawala ang pagod ko at napapalitan ito ng saya. Totoo nga namang nakakatanggal ng pagod ang mga taong nakakapagpasaya sa atin. Makita ko lamang ito ay ang pagod ko sa walong oras ko sa trabaho ay literal na nawawala. He always washed away my tiredness at hindi ko alam kung paano niya iyon nagagawa.

Ngunit kapalit ng kasiyahan ko ay ang katotohanang malapit na syang mawala muli sa akin. Ako ang nagsabi sa kanyang huwag na munang isipin ang mga humahadlang sa amin ngunit ano ito't namalayan ko na lamang na sunod sunod nang lumalandas ang mga luhang kapapahid lamang. The tears didn't stop. Saksi ang apat na haligi ng banyo namin sa lahat ng mga tanong at paghihimutok ko.

Anong susunod na mangyayari kapag natapos ito?

Ilang taon na naman ang hihintayin ko?

Ilang taon na naman akong magbubuo ng pader para protektahan ang puso ko?

Bakit hindi pwede?

Bakit kami pa ang nakaranas nito?

at higit sa lahat..

Bakit katoliko ako?

I cried. Tahimik na humingi ng tawad dahil sa huling tanong. Hindi ko intensyong kuwestyunin ang relihiyong mayroon ako. Hindi ko lamang siguro matanggap ang sitwasyong ibinato sa akin. I love him. I really do. Hindi naman ako masasaktan nang ganito kung hindi pagmamahal itong nararamdaman ko, hindi ba?

Sa puntong ito ay hinayaan kong lamunin ako ng utak ko.

I will never forget the day I realized I was in love with him. For the first time, I was certain about something. I was certain about Calis. Naalala ko pa, people always asked me kung bakit hindi pa ako nagkaka boyfriend. Para akong sirang plakang paulit ulit sinasabi sa kanilang twenty-five ako papasok sa isang relasyon.

But today, I realized that when it comes to Calis, there are always an exception. Palaging sya. Palaging gagawa ng paraan para maging sya.

It hurts that I can't do anything to stop myself from falling deeply in love with him.

Kasi hinahayaan ko..

The little things, the little moments we had, they aren't little.

And as the days go by, everytime we talk, I can feel the ache burning in my heart. Dahil alam ko... we can't be more than what we have. 

Pinalis ko ang nagsunod sunod na luhang lumandas sa pisngi at malakas na bumuntong hininga. Hindi ko dapat iniisip ito. I promised to let the burdens burn.

I sighed. This comfort room literally gives me comfort.

FORBIDDEN, LOVE. Where stories live. Discover now