CHAPTER 16- KATOLIKO, MOREN.

4 0 0
                                    

Otomatikong bumukas ang mga mata ko. I woke up earlier than usual. Parang tangang nakatitig lamang ako sa kisame ng bahay at walang balak tumayo. Today is my rest day. I am supposed to be happy and enjoying the rest of the day.

But today is also the last day of our relationship. Palimang araw at panghuli. Dati rati, palagi kong inaabangan ang lunes dahil alam kong makakapagpahinga ako. Palagi akong naiinip at gustong pabilisin ang takbo ng oras para masulit ito.

But today is different. Na para bang isinusumpa ko na ang araw ng lunes dahil alam kong matatapos na rin kami.

Kinuha ko ang phone ko at matamlay na tiningnan ang message niya sa akin.

Calisdawin: Goodmorning, love.
Calisdawin: Ngayon ba tayo magkikita?
Calisdawin: Love, I can't make it today. Hiniram kasi ni mama yung last money ko. Im sorry, love.

Nang mabasa ang huling chat nito ay agad nanlaki ang mata ko at agad akong napabangon. Para akong nabuhayan ng pag asa.

Hindi sya makakapunta? So it means, ma eextend ang five days, ganon ba?

Ngunit ang sayang naramdaman ay napalitan ng agam agam. Biglang pumasok sa isipan ang maaaring mangyari kapag ipinagpatuloy namin ito. Limang araw lamang ang hiniling ko sa kanya. Kapag lalong pinatagal namin ito, mas lalong mahihirapan kaming layuan ang isa't-isa.

Moren: me too, love. hindi rin ako pinayagan ni mama. daming labahin, e. tinakasan ko na last time.

I lied.

Hindi totoong hindi ako pinayagan. Kung tutuusin ay kaya kong magsinungaling kay mama na may pupuntahan akong mahalaga. Ganon sya kaimportante sa akin. Ganon sya kahalaga sa akin na kaya kong unahin sya bago ang iba. And it kills me. Hindi ako ito.

I lied because.. I don't want him to think that I want to rush things between us. Na kahit ang totoo naman talaga ay ayokong matapos.

Iginugol ko ang oras ko sa paglilinis ng buong bahay. Panandaliang nawala sa isip ko ang mga nangyayari. Pagkatapos maglinis ng bahay ay nagpahinga na ako. Sa sobrang pagod ay nakatulugan ko na ang panananghalian. Hapon na nang magising ako at bumungad sa akin si Morin dala ang cellphone nya.

"Nakita mo yung post ni Lexin?" sabi nito. Ang tinutukoy niya ang ang second cousin kong babae na nasa edad labing pito pa lamang.

"Anong meron kay Lexin?" inaantok ko pang tanong.

Dumating si mama at nakisali na rin sa usapan.

"May boyfriend na. Eto nga, o. Nasa fb story nya." iniharap nito ang cellphone sa akin.

Agad akong napatingin sa cellphone nya at doon ko na nga nakita ang post ng pinsan kong ito. Masaya ako dahil alam kong masaya ang pinsan ko. But at the same time, bigla akong nainggit. Sa murang edad ay naeenjoy na niya ang pagmamahal. Legal siguro sila both sides. Hindi naman siguro magpopost si Lexin ng ganito kung hindi, knowing na lahat ng relatives nya ay friends nya sa facebook.

"Kayong dalawa, kaylan?"

Kaagad akong napabaling kay mama nang sabihin niya iyon. Bumangon ako at lumapit sa kanya. Sinuri ko ang leeg at noo nito upang malaman kung nilalagnat ba ito o hindi.

Did my Mom just said that?

Hindi ako makapaniwalang tumingin dito. "Anong sabi mo, Ma?" naguguluhang tanong ko dito. Nakatingin lang si Morin sa aming dalawa.

"Kayong dalawa, kaylan. Nasa edad na naman kayo para mag boyfriend. Wag nga lang mag aasawa." sabi pa nito.

"So, ibig sabihin, Ma. Pwede na kami mag boyfriend?" nanlalaki ang matang tanong ko.

FORBIDDEN, LOVE. Where stories live. Discover now