Chapter 4- CONFUSED

5 0 0
                                    

"Liligawan kita.."

Agad akong nanigas sa narinig. Ramdam kong mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Bumilis rin ang paghinga ko dala ng kabang nararamdaman. Marahan akong bumaling sa kanya.

"Liligawan kita, Moren." desididong sabi niya.

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Calis? We both know na hindi pwedeng maging tayo. Alam nating pareho na hindi tayo tatanggapin ng simbahan dahil magkaiba tayo ng paniniwala! Ano bang sinasabi mo?" kunot-noong tanong ko.

Umiling-iling siya "Tatanggapin kita, Moren. Walang imposible sa pagmamahal. Ipaglalaban kita." sabi niya at inabot ang kamay ko. "Please... hayaan mong sundin ko naman yung puso ko para sayo."

Sa murang edad at batang puso ay pumayag ako sa gusto niya nang hindi iniisip ang kalalabasan nito. Sa loob ng ilang linggo ay napatunayan niya sa aking hindi hadlang ang relihiyon sa nararamdaman naming dalawa. He assured me that Annie is just a friend. Naniwala ako. I trust him.

Kagaya ng dating nakasanayan ay nagsusulatan pa rin kami. Magsasabay sa jeep at magkatabing nakaupo. Routine namin iyon araw-araw at nakasanayan na. Labis labis ang tuwa nina Sanny at Morin noong ibinalita ko sa kanilang nililigawan na ako ni Calis. May pag hampas pa ang bakla at sinabing kung hindi sa kadaldalan niya e wala akong manliligaw ngayon.

Lunch break at katatapos lang naming kumain ng mga kaklase ko. Nakikipagkwentuhan ako sa mga katabi ko nang biglang may magsalita.

"Mahal.."

Agad akong napalingon sa gawing bintana na katabi lang ng upuan ko nang marinig ang boses ni Calis. Agad akong dinambol ng kaba dahil sa akin siya nakatingin. Akma na akong sisilay ng ngiti nang may idinugtong siya.

"...ang bigas sa palengke." sabi niya at doon na humagalpak ng tawa. Sa sobrang inis ay inirapan ko siya. Sinigurado kong mawawala ang itim sa mga mata ko habang ginagawa iyon. Palihim ko naman siyang isinumpa.

May araw ka rin sa 'king siraulo ka.

Dumating ang buwan ng Pebrero. At dahil buwan ng mga puso ay may mga pakulo ang ilang mga sections sa iba't-ibang grades. Jail booth, greetings, blind dates at syempre, hindi mawawala ang marriage booth. Ikinasal kami ni Calis dahil sa plano nina Sanny at Morin. Silang dalawa ang nagbayad para maikasal kaming dalawa. Nang matapos maikasal ay isinabit ko sa id ko ang ribbon na nagsisilbing singsing naming dalawa. Kulay green itong ribbon. Ang marriage certificate na hawak ko kanina ay kinuha sa akin ni Calis.

"Ako na lang ang magtatago nito." sabi niya. Nagkibit balikat ako at iniabot sa kanya ang certificate.

Lumipas ang mga araw nang maging busy kami sa ilang subjects. Ginagawa ko pa rin ang plano kong makapasa. Sobra ang galak ko noong nagkuhanan ng card at sinabing ako daw ang rank 1 sa buong klase. Wala akong mapaglagyan ng saya dahil mukhang matutupad na ang plano kong maging kaklase si Calis.

KASAMA ko si Sanny mag breaktime ngayon. Nasa may roundtable kami habang kumakain ng snacks. Panay ang tawanan naming dalawa. Huminto kami nang makita naming lumabas si Calis sa room nila kasama si Annie. Naglalakad sila patungo sa canteen habang nagsasalita si Annie at patango-tango lang si Calis nang may maliit na ngiti sa labi. Tinawag naman ito ni Sanny at lumingon naman ito. Nang magtama ang mga mata namin ay agad akong nanlumo. Agad nagbago ang reaksyon nito. Sa layo ng pagitan naming dalawa ay wala akong mabasang emosyon sa mga mata niya. Seryoso lang siyang tumingin sa akin at nagpatuloy na sa paglalakad. Ramdam ko ang mabilis na pagbaling sa akin ni Sanny ngunit sa puntong iyon ay nakatanga pa rin ako sa dinaanan nila kanina.

"Anong problema 'non, Moren? Nag-away ba kayo?" naguguluhang tanong nito. Bigla ko ring tinanong ang sarili ko.

Nag-away ba kaming dalawa? Pero... wala akong natatandaan na pinag-awayan namin. Okay naman kami kahapon. Magkatabi pa nga kaming sumakay ng jeep pauwi. Wala akong makitang dahilan para mag-away kaming dalawa.

"W-wala naman kaming pinag-awayan. Okay kami kahapon, diba?" mabigat ang dibdib na sabi ko.

Nagkibit-balikat ito. "Baka wala lang sa mood."

Wala sa mood? Pero bakit magkasama na naman sila ni Annie mag recess? Nakangiti pa nga siya kanina bago siya tinawag ni Sanny. Nagbago lang ang reaksyon nya nang makita ako.

Nang mag ring ang bell ay tumayo na kami ni Sanny. Mabigat ang puso ko. Ngunit sisiguraduhin kong hindi matatapos ang hapong ito nang hindi ko nakakausap si Calis.

MATIYAGA akong nag-hihintay kay Calis sa loob ng jeep. Maingay sa loob sa pangunguna ni Morin at mga kaibigan namin. Maya maya pa kami aalis dahil hindi pa ito puno. Kating kati na ang dila kong magtanong kay Calis kung anong problema. Ilang minuto pa ang lumipas ngunit walang Calis na nagpakita. Lumaylay ang balikat ko at bumaling na sa harapan. Binuksan na ng driver ang makina ng jeep nang biglang umuga ito hudyat na may pumasok.

Napalingon ako sa may bungad ng jeep at doon ko nakita si Calis. Nakatingin din ito sa akin. Nakangiti akong umusod at binigyan siya ng space sa tabi ko. Naghiyawan na naman ang mga kaibigan ko. Umiwas siya ng tingin. Agad ding napawi ang saya ko nang hindi ito tumabi sa akin. Ramdam ko ang pananahimik at pagbaling ng tingin sa akin ng mga tao sa loob ng jeep. Bukod doon ay ramdam ko din ang pagkapahiya. Pinili ko na lamang umiwas ng tingin at bumaling na lang sa unahan. Masakit na ang lalamunan ko dulot ng pagpipigil ko ng luha. Hindi ko pwedeng ipakita sa kanila na nasaktan ako sa ginawa ni Calis. Ayokong isipin nilang big deal sa akin iyon.

Did I do something wrong?

FORBIDDEN, LOVE. Donde viven las historias. Descúbrelo ahora