Chapter 6- I'LL NEVER GO

2 0 0
                                    

Weeks later...

Malapit na ang graduation ng mga 4th year students. Kaliwa't kanan na ang paghahanda sa nalalapit nilang pagtatapos. Puspusan na rin ang pagpapractice nila sa pagmartsa.

Naririto kami ngayon ni Sanny sa hagdanan malapit sa corridor habang nanonood ng pag eensayo ng mga magsisipagtapos. Tahimik lamang kaming nanonood at nakikinig. Nasa ganon kaming sitwasyon nang dumaan sa gilid namin si Calis. Nang iangat ko ang tingin ko sa kanya ay mabilis siyang nag-iwas ng tingin at naglakad patungo sa canteen. Ramdam ko ang paninitig sa akin ni Sanny. Sa mga nakalipas na linggo ay tuluyan na akong iniwasan ni Calis. Noong una ay gusto ko pa siyang kausapin ngunit napagtanto kong desidido na siyang layuan ako. Wala akong nagawa kundi ang tingnan siya sa malayo. Pansin ko rin ang paglayo niya kay Annie. Hindi ko na sila nakikitang magkasama sa breaktime at lunch. Bihira na lang din lumabas ng room si Calis.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap na ilang linggo na lamang ay aalis na si Calis. Ayokong isipin na sa susunod na school year ay hindi ko na siya makikita pa.

Nang hapon ring iyon ay sabay sabay ulit kaming pumunta sa sakayan ng jeep. Tahimik akong naupo sa dulo malapit sa driver. Panay ang nililikhang ingay ng mga kasama ko habang hinihintay mapuno ang jeep. Minabuti ko na munang pumikit at ipahinga ang isip. Hindi ko kayang makipagsabayan sa pagiging energetic nila kahit hapon na.

Nasa ganon akong sitwasyon nang may naramdaman akong tumabi sa akin. Ramdam ko rin ang pananahimik ng mga kasama namin sa jeep. Sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam ako ng matinding pagkabalisa. Sa puntong ito ay nahuhulaan ko na kung sino ang tumabi sa akin. Amoy n'ya pa lamang ay alam na alam ko na. Pinanatili kong nakapikit ang dalawa kong mata. Bumalik na rin sa ingay ang mga kasama namin sa loob.

"I'll never go far away from you.."

Agad akong napamulat at napalunok sa pagkanta niya. Hindi ko siya nilingon. Ni hindi ko rin pinahalatang narinig ko ang kinanta niya.

"..even the sky will tell you, that I need you so.."

Mabilis bumikil ang sakit sa lalamunan ko at isang kibit na lamang ay tutulo na ang luha ko.

'Kahit ilang libong beses mong kantahin yan, iiwan mo pa rin naman ako..' sabi ko sa isip at piniling hindi na ito isinatinig.

Pumikit akong muli at dinama ang mahina n'yang pagkanta.

"For this is all i know. I'll never go far away from you..."

...but you did.

DUMATING na ang araw ng recognition. Sa dinami-rami ng mga taong nasa stage ay iisa lamang ang hinahanap ng mga mata ko. Sa katunayan ay hindi na dapat ako dadalo sa araw na ito. Ngunit nang itext ako ng president namin na bibigyan daw ako ng parangal ay hindi na ako nag atubili pa. Sa puntong ito ay naghalo-halo ang nararamdaman ko.

Masaya ako sa natanggap kong medal. Ako ang rank 1 at Most Responsible Student sa klase. Ngunit sa pagkakataong ito ay bigla akong nalungkot. Ang pagpupursige ko noong mga nakaraang buwan ay napalitan ng pagkadismaya dahil alam kong kahit dalhin ako sa higher section ay hindi ko na siya makikita pa. Natapos ang event nang walang kahit na anino ni Calis ang nakita ko.

FORBIDDEN, LOVE. Where stories live. Discover now