CHAPTER 14- LOVE

4 0 0
                                    

After that day, we became lovers. Isinawalang bahala namin ang katotohanang hindi kami pwede at sinusulit na lamang namin ang mga panahong magkasama kami. We really enjoyed each other's company.

Noong mga unang araw ay nagkita kami dahil napag usapan naming kumain sa night market. Ngunit bago kami kumain ay pumunta muna kami sa palengke dahil may pinapabili daw sa kanya ang ate nya.

Nagpunta kami sa tindahan ng mga prutas. Para lamang akong tuta na nakasunod sa kanya. As a matter of fact, ngayon lamang ako pumunta sa palengke na lalaki ang kasama ko. Madalas kasi ay si mama ang kasama ko mamili rito. Palihim akong napangiti sa isiping boyfriend ko ang kasama ko mamili sa palengke.

Habang namimili sya ng prutas ay natatawa ako kapag nakikipagpatawaran sya sa tindero. Habang naglalakad kami ay nararamdaman kong gusto niya akong hawakan. Paminsan minsan ay inaalalayan nya ako o di kaya naman ay hinahawakan nya ang palapulsuhan ko. Sunod naming pinuntahan ay ang bilihan ng mga gulay. Medyo mabigat na rin ang dala nyang prutas kaya naghanap kami ng mabibilhan ng ecobag.

"Ate, magkano eco bag nyo?"

"Sampo yung medyo maliit."

Dahil sa kabigatan ng dala ay hindi na makuha ni Calis ang perang pangbayad mula sa wallet niya.

Napaigtad ako nang bumaling ito sa akin.

"Love, pakuha naman ako ng pangbayad para kay ate."

Kinakabahan kong kinuha ang wallet niya at agad kinuha doon ang pera. Magalang kong iniabot ito sa tindera at tinulungan si Calis na ilagay sa supot ang mga pinamili niya. Habang ginagawa iyon ay palihim kong kinakausap ang sariling wag manginig sa harapan niya. Hindi rin ako makaharap sa kanya dahil alam kong sing pula na ng kamatis ang mukha ko.

Did he just call me 'love'?

Nang matapos sa pamimili ay nagdiretso na kami sa night market. Sa sobrang dami ng stall na may sari saring mga pagkain ay nahirapan kaming pumili.

Habang naglalakad ako at abalang namimili ng pwedeng kainin ay naramdaman kong nawala na sya sa tabi ko. Agad nagsiklaban ang kaba sa dibdib ko dahil naiwan ko na sya! Sa sobrang abala kong mamili ng pwedeng kainin ay hindi ko na naalalang may kasama ako! Agad akong tumigil sa paglalakad at parang nawawalang batang naghahanap sa magulang niya. Nakasumbrero siya kaya iyon ang hinanap ko. Naduduling na ako sa paghahanap dahil mayat maya ko nang iniikot ang mata ko sa lugar.

Nang bumaling ako sa kanan ko ay nakita ko siyang tinatawanan ako. Nangunguna pa ang dimple niyang magpapansin sa akin pero hindi iyon ang kailangan ko! Hindi na nya suot ang sumbrero kaya nahirapan ako sa paghahanap sa kanya. Agad ko siyang sinamaan ng tingin at nangigigil na lumapit sa kanya. Kinurot ko siya sa tagiliran ngunit parang wala lamang iyon sa kanya at tawa pa rin siya ng tawa.

Hindi pa rin siya matigil sa pagtawa habang naglalakad kami. "Ano, love. May napili ka na ba?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Matapos mo akong pakabahin, sa tingin mo may mapipili ako?" pagtataray ko dito na agad nya rin namang tinawanan.

Mula nang pagtripan nya ako ay hindi ko na hinayaang mawala siya sa tabi ko. Sa bag niya ako nakahawak para hindi sya makaalis agad. Oo, sa bag dahil hindi pa ako sanay na humawak sa kanya. Bukod doon ay pinoprotektahan ko ang bag nito dahil nang buksan ko kanina ang wallet niya ay medyo malaki ang laman noon. Nakasabit lamang sa balikat ang bag niya na parang binibigyan nya pa ng access ang mga magnanakaw na kunin ang laman nito.

Napagpasyahan naming mag siomai na lamang dahil bawal rin sa akin ang pagkain na sinasawsawan ng suka. Bukod sa hindi rin ako kumakain ng dugo, alam kong bawal din iyon sa kanya.

Agad kaming nagpunta sa stall ng siomai. Malakas na tugtugan ang bumungad sa amin. Calis ordered for the both of us. Nang makuha ang order ay agad kong prinipare ang sauce nito.

"Love, pabantay nung pinamili natin, bibili lang ako ng maiinom."

Kaagad akong tumango. Nang makaalis siya ay doon ko na pinakawalan ang ngiting kanina ko pang pinipigilan. Habang naglalagay ng sauce para sa aming dalawa ay parang tangang nakangiti lamang ako. Ramdam ko rin ang pang iinit ng pisngi ko sa sobrang saya.

Love nga ang tawag nya sakin..

Noong makarating siya ay umakto akong normal. Nang malagyan ko ng kalamansi ang pagkain niya ay nagsimula na kaming kumain. Tawa lamang ako ng tawa dahil nakikisabay siya sa kanta. Iyon ata yung theme song ng siomai. I laughed so hard dahil hindi ko inaakalang kabisado niya ito.

Nang matapos kumain ay nagpasalamat kami sa tindero at nagsimula nang maglakad. Tahimik lamang kaming naglalakad nang mapaigtad ako sa biglaan nyang paghawak sa kamay ko. It's intertwined kaya nagulat ako. Naramdaman nya siguro ang gulat ko kaya agad nya rin iyong tinanggal. Narinig ko siyang tumawa.

"Sorry, love. Hindi ka nga pala sanay."

Nginitian ko lamang siya at mahinang sinumpa ang sarili. Bakit kasi sinabi mong hindi ka sanay makipag holding hands, Moren? Edi sana hawak mo na ngayon yung kamay nya!

Hinayaan na lamang niya akong nakahawak sa bag niya. Iniisip nya sigurong sapat na sa akin iyon pero hindi! Kamay mo ang gusto kong hawakan! Pero dahil sa kadaldalan at kaartehan ko, naging bato pa!

Habang naglalakad papuntang sakayan ay hindi maputol putol ang kwentuhan naming dalawa. Wala talagang dull moment kapag magkasama kami. Tawanan dito, tawanan doon, asaran dito, asaran doon. I liked the genuine happiness and the bond we shared.

Nakarating na kami sa shed at nag iintay na lang ng masasakyan. Hindi pa rin matapos tapos ang kwentuhan namin hanggang sa kinailangan ko nang magpaalam sa kanya dahil may nakita na akong jeep. I bid goodbye to him and unintentionally hugged him. Naramdaman kong natigilan siya ngunit dahil sa kahihiyan ko ay hindi na ako tumingin rito hanggang sa makasakay ako. Bumaling lamang ako sa labas ng bintana ng jeep at nakita siyang nakatigil pa rin doon. I waved my hands and he just smiled and nodded. Nang umandar ang jeep ay agad kong kinurot ang braso ko sa sobrang kahihiyan.

Did you just hugged him, Moren?! Napakamanyak mo!

Hindi pa man nakakalayo ay naramdaman ko na ang pag vibrate ng phone ko.

Calisdawin: Ingat ka sa pag uwi, love. Labas tayo ulit next time.

Kinagat ko ang labi sa sobrang pagkakangiti. Nang makauwi ay kaagad akong nagbihis. This feeling is overwhelming at masasabi kong isa itong araw na ito sa mga paborito ko.

My phone beeped and my heart jumped when I saw Calis' name.

Calisdawin: may ginagawa ka ba?

Moren: wala, bakit?

Calisdawin: video call tayo?

Tumayo agad ako at nagsalamin. Tinanggal ko ang mga kung ano ano sa mukha at nagpulbo na rin dahil medyo oily ang mukha ko.

And when I wore my favorite shade of liptint just to look good in front of him, that's when I knew I was in danger.

FORBIDDEN, LOVE. Where stories live. Discover now