Chapter 3- COURTING

9 0 0
                                    

Sa puntong iyon ay hindi na ako nakagalaw. Nanatili akong nakatingin kay Sanny at hinihintay siyang bawiin ang sinabi nito at sabihing nagbibiro lamang siya. Nang makitang seryoso siya sa sinabi ay nanlabo ang mga mata ko. Ramdam ko rin ang sakit ng pagtibok ng puso ko.

Jehovah Witness? Si Calis? So, ibig sabihin...

Nang makauwi kinahapunan ay agad akong nagsearch sa google tungkol sa relihiyon ni Calis. Nakasaad doon na tanging Jehovah Witness lamang ang mamahalin at magiging kabiyak nila. Kung saan saan na ako napadpad sa paghahanap ng solusyon. Their beliefs, the way they live, kung anong mga dapat at hindi dapat nilang kainin, kung paano nila alagaan ang asawa nila, they didn't celebrate their birthdays, they even don't have christmas and new years, at higit sa lahat, hindi nila kinoconsider na maikasal ang Jehovah sa isang Katoliko. Agad akong nanlumo sa nabasa. Wala doon ang gusto kong sagot!

Kinabukasan ay nanghihina akong pumasok. Wala akong gana sa lahat. Hindi rin gumana ng maayos ang takbo ng utak ko. Ang tangi ko lamang naiisip ay si Calis, si Annie, at ang relihiyon niya. Kahit ang makiparticipate sa groupings ay hindi ko magawa. Alam kong ramdam ng mga kaklase ko ang pananahimik ko kaya hindi na sila nagtanong. Nang mag breaktime ay nakasalampak lamang ang ulo ko sa mesa ng upuan. Ni ang gutom ay hindi ko na rin maramdaman.

'Crush lang ba itong nararamdaman ko? Kung humahanga lang ako sa kanya, bakit ako nasasaktan ng ganito?'

Nasa ganoon akong posisyon nang maramdaman kong gumalaw ang katabi kong upuan. Bumungad sakin ang malungkot na mukha ni Sanny. Iniwas ko ang tingin sa kanya nang maramdaman ang panlalabo ng mata ko. Umub-ob ako muli at huminga ng malalim.

"Moren... hinahanap ka ni Calis."

Nang marinig ang sinabi niya ay mabilis akong nag-angat ng tingin sa kanya. Agad naman niyang inginuso ang pintuan at doon ko nakita si Calis na nag-aalalang nakatingin sa akin. Napatanga akong nakatingin sa kanya.

"Sige na, Moren. Mukhang kailangan n'yo talagang dalawa mag-usap." suhestiyon ni Sanny.

Ibinalik ko ang tingin kay Calis. Agad namang dinaga ang dibdib ko nang magtamang muli ang mga mata namin. Huminga ako ng malalim. Kinakabahang tumayo ako at naglakad papalapit sa kanya. Nang makalapit ay huminto ako sa harapan niya nang hindi tumitingin sa kanya. Bago pa siya makapagsalita ay nilampasan ko siya at nagpunta sa may corridor. Isinandal ko ang braso ko sa railings at matamang pinagmamasdan ang ibang estudyanteng nag rerecess. Ramdam ko ang pagsunod nito sa akin.

Rinig ko ang pag tikhim niya. "Moren..."

Mariin akong napapikit at palihim na isinusumpa ang sarili. Pangalan ko pa lamang ang lumabas sa bibig niya ay naghuhumirintado na ang puso ko sa bilis ng tibok nito.

"May problema ba, Moren? Bakit hindi ka nagrereply sa mga sulat ko?" may bahid na pagtatampo sa boses niya.

Hindi ko siya nilingon sa takot na mabasa niya ang emosyon sa mata ko. Humigpit ang kapit ko sa railings at doon kumuha ng lakas ng loob. "A-anong..." napalunok ako. "...anong relihiyon mo, Calis?" abot ang kabang tanong ko. "Totoo bang... isa kang Saksi?" dagdag ko pa. Ilang minutong katahimikan ang bumalot sa amin. Nang mag-angat ako ng tingin sa kanya ay agad nagsalubong ang tingin namin. Tila kanina pa itong nakatitig sa akin. Sa puntong iyon ay hindi ko iniiwas ang mata ko sa kanya. Nilabanan ko ang pakikipagtitigan niya sa akin. Sa ganoong paraan ay makikita ko ang emosyon sa mga mata niya. Ngunit nakikita ko sa mga mata niya ang lungkot na nararamdaman ko.

Kumurap-kurap siyang nag-iwas ng tingin at malalim na bumuntong hininga. "Kung sasabihin ko bang oo.." ibinalik niya ang tingin sa akin. "...iiwasan mo ba 'ko?" malungkot na tanong niya. Ramdam ko ang namumuong takot sa pagitan naming dalawa.

"Calis, gusto kita." nakatitig na pag-amin ko. "Alam kong alam mong gusto kita. Kapag ipinagpatuloy ko 'tong kabaliwan ko sa'yo..." huminga ako ng malalim. "...baka makalimutan kong Katoliko ako." agad nanlabo ang mga mata ko. "Ayokong magmukhang tanga sa huli, Calis."

"Moren..."

"Do you like Annie?"

Nabalot kami ng matinding katahimikan. Kita ko sa mata niya ang gulat at pagtatanong. Hindi niya alam ang sasabihin. Nang walang makuhang sagot ay tumalikod na ako. Nakakailang hakbang pa lamang ako nang marinig ko siyang magsalita.

"Liligawan kita.."

To be continued...

FORBIDDEN, LOVE. Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang